Chapter 1

14.7K 299 45
                                    

Aira let out a heavy sigh as she held the bouquet. Hindi niya alam kung itatapon ba o ipamimigay sa unang taong maglalakad sa harapan niya. Nakaupo siya sa isang bench sa harapan ng school building nila. Hile-hilera ang sheds na may nakapagitnang indian trees patalikod sa parking area.

She's been receiving a lot of flowers from different schoolmates since she won the university's pageant. Ikalawang taon pa lang niya sa International College pero dahil alam ng ilang classmates niya na sumasali siya sa school beauty contests simula pagkabata ay siya ang inudyukang sumali. Ayaw sana niya. She already hates the limelight. Kaya nga noong nag-college siya ay nag-tone down na siya ng pananamit. Ang ate at mommy niya lang kasi ang mapilit na bihisan siya dati.

Hindi sana niya problema kung saan dadalhin ang bulaklak kung hindi lang nag-migrate sa Canada ang bestfriend niyang si Allie. Lagi kasi nitong inuuwi ang mga bulaklak at ibinibigay sa tita nitong bed ridden. It's not that Allie can't afford to buy one for her aunt. Pareho lang sila na nasasayangan sa mga bagay-bagay. Noong namatay ang tiyahin nito ay sa puntod naman niya dinadala hanggang sa nag-migrate na rin ito kasama ng mga magulang sa ibang bansa.

Kaunti lang ang mga kaibigan nila at 'yong mga iba nasa iba't-ibang universities na. Silang dalawa lang ang nagkasama sa IC kaya laking adjustment ang ginagawa niya ngayong umalis na ito.

"Kilala mo 'yong babaeng laging nagwawalis sa Sunken Garden sa likod ng BA Building?" Napalingon siya nang marinig ang baritonong boses.

Napalunok siya pagkakita sa nagsalita. It was Ayder Filan. Nakikita niya itong sinusundan ng tingin ng mga classmates niya lagi. Crush nga rin ito ni Allie. He's handsome. Singkitin ang mga mata at lean ang pangangatawan. He's likened to an Asian actor. First time niyang marinig itong magsalita, lalaking-lalaki pala ang boses. Kung nandito lang si Allie, malamang mas lalo itong mai-inlove.

Huminga siya nang malalim at tumingin sa paligid. She assumed that the question was directed to her.

"Si Manang Cecille? Bakit?" she asked back. Hindi siya makapaniwalang kinakausap siya nito. Does he know her? Ayder smiled with a nod.

"Birthday niya ngayon. Puwede mong ibigay 'yan. At least, you can make someone smile with something that can't make you," he uttered. Napatulala pa siya. Before, she could even react, he already walked towards a black sports car and rode in.

What the heck was that? She stared at the bouquet and shook her head. She couldn't believe, he could have that depth. Sabagay, hindi naman niya ito nakakausap. Pero paano nito nalamang hindi siya natuwa sa bulaklak na natanggap? Was he watching her? O baka nagkataon lang.

She gathered her things and walked to the pathway leading to the back garden. Sakto namang nagwawalis si Manang Cecille. Paano pala nito nalaman na birthday ng janitress? O baka naman pinagloloko lang siya?

"Manang Cecille," she greeted gleefully. Nakangiti namang tumingin ang may edad nang babae. She already had few strands of gray hair.

"Good morning, Ai! Kumusta ang buhay beauty queen?" magiliw nitong wika. Napangiti siya dahil alam pa pala ng ginang ang pangalan niya sa dami ng estudyanteng nakakasalamuha nito at nakikilala.

"Birthday n'yo raw po," alanganin niyang sambit. Muli namang sumilay ang ngiti sa labi ng ginang bago tumango ng marahan.

"Happy birthday po," abot niya sa palumpon ng bulaklak.

"Naku. Akin ba talaga 'to? Salamat," tuwang-tuwa nitong sambit. She smiled looking at the old woman's joyful aura. She only nodded. Hindi siya makapaniwalang totoo palang birthday nito.

"Kanino mo naman nalaman na birthday ko?" tanong nito. She even sniffed the tulips.

"May nakapagsabi lang po. Sige po, mauna na ako, may klase pa po kasi ako," tugon na lamang niya saka naglakad paalis nang tumango ang ginang. The glow in her eyes didn't change one bit. Mas lalo tuloy niyang naalala ang sinabi kanina ni Ayder.

"At least, you can make someone smile with something that can't make you."

Napailing na lamang siya at naglakad na papunta sa susunod na klase. Her one and a half hour class passed by so fast. Nagpahuli siya sa paglabas dahil inayos pa ang mga libro at notebook. Palabas na siya ng building nang matanawan ulit si Ayder sa parking area. Napalunok siya at piniling ignorahin na lamang ang presensiya nito. She looked down as she walked towards her car. She was hoping he didn't notice her. Naaasiwa kasi siya.

Nakahinga siya nang maluwag nang makarating sa kotse at makapasok sa loob. Hindi niya mawari kung bakit bigla siyang naasiwa sa presensya ng binata. Dati naman ay wala siyang pakialam kahit na malapit ito. Dati kasi ay ni hindi naman siya tinapunan nito ng tingin.

She wore her seatbelt and started the engine. Napansin niyang may mali nang iatras ang kotse. She inhaled deeply and tried to move the car backwards again. May mali talaga kaya nagtanggal siya ng seatbelt at lumabas para tingnan ang kotse.

True enough, the two back tires were flat. Kaya niyang magpalit ng gulong dahil laking car shop siya. Her family owns one. Mula pagkabata ay doon siya nakatambay kapag walang ginagawa sa school at bahay. She was a daddy's girl. Ang problema, iisa lang ang spare tire niya sa compartment. She inhaled deeply as she stared at the tires. Mukhang sinadya iyon pero wala naman siyang kaaway. Almost everyone was friendly to her. Wala siyang maisip na dahilan para gawin iyon sa kanya.

Muli siyang huminga nang malalim.

"Need help?" She momentarily closed her eyes hearing a familiar voice. Paglingon niya nakatingin ang binata sa mga gulong ng kotse niya. It was Reigan, the guy who sent her flowers this afternoon. May tatlo pa itong kasama.

"No, thanks. Tatawag na lang ako sa shop namin ng mag-aayos," she respectfully declined.

"Kaya naman naming ayusin. Pareho naman tayo ng sasakyan. I can lend you, my spare tire," he offered with a smile, but she shook her head.

"Hindi na," tugon niya saka binuksan ang kotse at kinuha ang handbag. She locked the car using the remote and was about to move away from the four men but Reigan blocked her way. He was about five feet away.

"Ihahatid na lang kita sa bahay ninyo para hindi ka na mag-commute," pilit nito.

"May carpooling business kami, remember?" tanggi pa rin niya. Reigan inhaled deeply. His forehead creased.

"Ano bang dapat kong gawin para pumayag kang makipag-date sa akin?" May diin nitong tanong. Napalunok pa siya. Luminga siya sa paligid. She couldn't feel any danger, but she just want to make sure, there are people around just in case. Ang problema, wala ni isang tao sa paligid. The others may be in their 6PM class and the others already went home.

"I don't have time for leisure, masyadong mahihirap ang klase ko ngayong sem. Ayokong makakuha ng pasang-awa na grade," alibi niya. Hindi naman pangit si Reigan. Wala lang talaga siyang maramdaman para rito. Maglalakad na ulit sana siya pero humarang ulit ito sa hahakbangan niya. Pati ang tatlong kasamahan nito ay pumuwesto sa likuran. Nagmukha tuloy silang goons sa paningin niya. Though, they all look decent.

She pursed her lips ang tried to calm down. Hindi naman siguro siya nito gagawan ng masama. Reigan looked at her in the eyes. Nakipagtitigan naman siya.

"Aira, is there any problem?" Nakahinga siya nang maluwag nang maulinigan ang boses ni Ayder.

Lumitaw ito mula sa likuran ng mga lalaki at naglakad papunta sa tabi niya. Hindi niya alam kung magpapasalamat siya o magtatago sa likod nito. He was taller than the four guys.

"Flat yung mga gulong ng kotse mo sa likod," he said looking at her car. Hindi nito tinapunan ng tingin ang apat na lalaki. Parang hindi nito alam na kausap niya ang mga ito.

"C'mon, I'll just take you home," he said as he held her hand. Boluntaryo namang humakbang ang mga paa niya nang mag-umpisa itong maglakad.

"Hey! What do you think you're doing?" Reigan exclaimed bago pa man sila makalampas sa kinatatayuan nito. Ayder inhaled deeply. Ipinamulsa nito ang isang kamay habang ang kabila naman ay mahigpit na humawak sa kamay niya. Ibinaling nito ang tingin sa binata at sa tatlo pa nitong kasama.

"Ikaw? Alam mo rin ba 'yang ginagawa mo?"balik-tanong nito. Kasabay niyon ay ang isa-isang paglitaw ng ilang kalalakihan mula sa mga sasakyan at puno sa paligid. Mahigit pa sa sampu. They must have been hiding somewhere. Hindi sila mukhang estudyante. Maybe they are Ayder's bodyguards or more like security team. Their number was unbelievable.

Ayder smirked at the man before walking towards his car. Aira was baffled when she rode his car without second thoughts.

Taming His Callous Heart (Part 2 of 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon