Chapter 1

16 0 0
                                    

Paige


The next morning I woke up, all I know is I am not with my body anymore. Like a piece of small paper that floated in the wind I also feel the same, so light and useless. But at least a sanitation worker would pick the paper up but no one can even touch nor see me. 

Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang mga tao na naglalakad. Kanya-kanya sila ng dala ng payong ang iba naman ay nagtatakbo para makahanap ng masisilungan. Kanina pa umuulan at bumabaha na rin ang ilang kalye. Inayos ko ang aking hoodie at hindi nagpatinag sa pagbuhos ng ulan. Umusog ako ng kaunti ng may sumilong rin sa aking pwesto. Napalingon ako sa kanila. Babae at lalaki, magjowa yata. Pinagmasdan ko sila habang pinupunasan ng lalaki ng panyo ang mukha ng babae. 

Natigil ako sa aking kinatatayuan nang pumihit ang lalaki sa aking deriksyon at napagmasdan ko ang kaniyang mukha. Nahigit ko ang aking hininga nang magtama ang aming mga mata nang isang segundo bago niya muling binalingan ang babae na katabi. 

"Kiro," mahinang banggit ko na alam kong hindi niya maririnig dahil wala sa akin ang atensyon niya. Napayuko ako at ngumiti sa sarili ng mapait. Siya si Jan Kiro Dominggo. Ang lalaking matagal ko ng napupusuan simula nung entrance exam pa lang para sa kolehiyo. Naging katabi ko siya noon at inabangan ko talaga ang kaniyang pagsulat para malaman ko kung ano ang kaniyang  pangalan. Noong gabi rin na iyon ay inistalk ko siya sa mga social media platforms at sobrang tuwa ko nang i-update niya ang status niya sa parehong unibersidad na aking papasukan. 

It's been five months already since our first encounter na ako lang yata ang nakakaalala. Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang pambura na hiniram ko noong exam at limang buwan na rin akong naghahanap ng timing para makausap siya. Ilang beses ko na ba siyang nakasabayan sa walkway, pagpasok at paglabas? Ilang beses ko na rin ba siyang nakasalubong papunta ng library, papunta ng canteen at kahit ang pagpunta ko ng CR ay nasisilip ko pa ang room niya. Maraming beses na rin pala, hindi ko na mabilang at ni isang beses ay hindi ko pa rin siya malapitan. Nauunahan kasi ako ng kaba. Hanggang tingin na lang sa malayo ang kaya kong gawin.

Subalit ngayon nasa tabi ko na siya. Isang kalabit ko lang ay pwede na niya akong lingunin at kausapin subalit nanunuyo ang aking lalamunan. Mali pa rin ang timing dahil kasama niya ang kaniyang nobya. 

Oo. May girlfriend na siya. Kamakailan ko lang din nalaman noong tinitignan ko ang facebook account niya at tinag siya ng babae ng 'happy fourth monthsary' daw. Ilang gabi akong nalungkot at nagmukmok sa boarding house noon na pati ang kasama ko sa kwarto ay naiirita na sa akin dahil hindi na raw ako kumikilos. Nakahilata lang sa kama tuwing uwi ko galing klase. Pero agad naman akong nakarecover noong nalaman ko na mabait naman pala ang babae ayon sa source ko na aking ka-boardmate. Ibig sabihin ay nasa maayos na kamay si Kiro at kung anong ikakasaya niya ay kuntento na rin ako. Kilala ng kaboardmate ko sa personal ang babae. Hindi rin naman lingid sa kaalaman nila kung sino ang crush ko. Gabi-gabi ba naman kasi kung magstalk ako kay Kiro at palagi nilang nakikita. Pero okay lang naman sa akin na alam nila dahil hindi naman sila yung tipong chinichismis. May kaniya kaniyang buhay kami at pakialam. Kaya rin siguro tumagal ako sa boarding house na iyon dahil nagkakasundo kami sa mga dapat gawin at hindi. 

At ngayon, gusto ko na ulit humilata sa kama ko sa boarding house at mag self reflect kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako kay Hiro na in the first place ay hindi naman niya ako kilala. Kung naglakas loob ba akong kausapin siya at makipagkilala noong first day pa lang, may chance kaya na sa akin siya magkagusto?

Nakaramdam ako ng mahinang kuryente na dumaloy sa aking katawan nang dumampi saglit ang kamay ko sa kaniyang braso dahil umusog pa siya papunta sa akin para hindi rin mabasa ang iba sa lumalakas na ulan. Lumakas ang ihip ng hangin at naaambunan kami sa aming pwesto. Naramdaman ko rin ang lamig dahil doon. Sinulyapan ko si Kiro ng bahagya na nakaakbay sa balikat ng kaniyang nobya. Nasa balikat rin ng babae ang jacket ni Kiro. Hindi ko mapigilang mapaismid kahit alam kong hindi tama at wala naman ako sa lugar para magselos. Ano ba 'yan kakasabi ko lang na kung anong ikakasaya ni Kiro ay dapat support din ako. 

May humintong jeep sa pwesto namin at ang iba ay sumakay na kaya naman medyo lumuwang na ulit ang aming sinisilungan kaya muling dumistansya sa akin si Kiro.  Sa ginawa niyang kilos ay doon ko mas lalong naramdaman ang lamig nang muling umihip ang malakas na hangin. Doon ko napagtanto ang puwang at agwat naming dalawa. Kung saan abot kamay ko na sana siya kaso hindi ko siya pwedeng hawakan ni kausapin man lang. Inayos ko ang hoodie. Bahala na kung mabasa man at lagnatin dahil sa ulan ang mahalaga makalayo ako ngayon. Zinipper ko hanggang baba at hinanda ang sarili para suungin ang malakas na ulan. Sinulyapan ko saglit ang pwesto nila ni Kiro at napalunok ako nang muli na namang magtama ang tingin namin. Ako na ang umiwas at agad nagtatakbo sa malakas na ulan. 

Hindi ko alam kung nagkakamali ba ako sa aking pandinig dahil sa ulan o talagang may tumawag sa akin. Malabo na ang aking paningin dahil sa lakas ng ulan at kahit ang hoodie ko ay bumibigat na rin at natatabunan nito ang aking mata. Narinig ko ang malakas na pagbusina pero hindi ako huminto sa pagtakbo. May malakas na bumangga sa akin at sumakit ang aking katawan subalit ilang sandali lang ay naramdaman ko na lamang ang pamamanhid ng aking buong katawan. Nakita ko ang pagikot nang mundo sa aking harapan. Naramdaman ko ang matigas na semento sa aking likuran at ang nakakabinging tunog na para bang may nabanggang malaking bagay sa isang pader.

I blink away the rain and I saw how wide the sky is despite of the raindrops falling unto my face. My dreams and memories flashed before me as I tried to stay awake. Naririnig ko ang sariling tibok ng aking puso na sobrang lakas. I feel like drowning kahit wala naman ako sa ilog o sa dagat. Napakahirap huminga. 

Tinuon ko ang aking paningin at atensyon sa langit kahit pa masakit ang pagbagsak ng ulan sa aking mukha. 


" Am I going to die?"



At nangyari nga ang aking kinatatakutan. Paggising ko isa na akong multo. Walang nakakakita at walang nakakaramdam. Napakalungkot na malamang wala na ako sa katawan ko sa muling pagmulat ng aking mata. Nalaman ko na lang na isa na akong multo na pagala gala nang tumagos sa aking katawan ang aking kaboardmate noong sinubukan kong umuwi sa boarding house. Nilagpasan niya lang ako na parang walang nangyari at sinara ang pintuan paglabas niya.  Nagimbal ako sa reyalisasyong iyon at ayaw pang tanggapin ng aking sistema na naaksidente pala ako pauwi ng boarding house. At ang mas malala isang linggo na pala simula nang mangyari ang trahedya na naging dahilan kung bakit naging ganito na ako ngayon bago ako nagising. Hanggang ngayon ang suot ko pa rin ay ang uniporme ko galing sa university at ang hoodie ko na tuyo na. 


Sinubukan kong umuwi sa amin pero hindi ko magawa. Nauunahan na naman ako ng panghihina ng loob. Natatakot ako na makita ang mga mukha nilang naghihinagpis. Natatakot ako na makita ang aking sarili na nakalibing. Natatakot ako at hindi ko maipaliwanag ang takot na aking nararamdaman ngayon. Takot ba ako dahil naiwan ko ng maaga sa inaasahan ang mga mahal ko sa buhay o natatakot lang ako dahil alam ko na kahit anong gawin ko simula na ngayon ng aking pag-iisa. Natatakot ako sa reyalisasyong makakalimutan din nila ako sa paglipas ng panahon. God, I did not even said my goodbyes to them properly. Bigla na lang akong nawala. And now how I regretted everything. Ngayon ko lang narealize na ang dami ko palang na-miss out na dapat gawin. I should have told my parents thank you and I love you. I should have spent the weekends to Karlyn's house, my bestfriend. And I should have told my name to Kiro.




Before You SleepWhere stories live. Discover now