Chapter 3

15 0 0
                                    

Paige



 Napausog ako sa tabi nang may dumating na luhaang babae. Akay -akay siya ng isang lalaki na kasing edad lang niya. Mga nasa kwarenta pataas at kung hindi ako nagkakamali ay mga magulang sila ni Kiro. Pinapakalma nila ang isa't isa habang nakaupo at naghihintay sa paglabas ng doctor. Napalingon ako nang marinig ang humahangos na babae papunta sa pwesto ng mag- asawa. 

" Si Kiro po?" Umiiyak na tanong nito. 

Umiling lang ang ama ni Kiro habang mas lalo namang umiyak ang babaeng yakap niya. 

Nakita ko ang pagbagsak sa sahig ng nobya ni Kiro. Tila nawalan yata ng lakas ang kaniyang mga paa dahil sa pagtakbo o dahil sa nalamang balita. Nakatingin lamang siya sa pintuan ng emergency room na kagaya ko ay naghihintay sa salita ng doktor. 

Napatingin ako sa kamay ko. Hindi pa rin ako makapaniwala pero nahahawakan ko siya kanina lamang. Lumapit ako sa nakaupong ina ni Kiro at dahang-dahang inangat ang aking kamay. Nais kong subukan kung totoo bang nakakahawak na ako ng mga tao at bagay. Subalit nang dumampi na ang aking kamay ay tumagos lamang ito sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang ako. Marahil ay nagkamali lamang ako kanina. Napasandal ako sa pader at pinikit ang mga mata at sa pagpikit kong iyon ay muling bumalik sa aking ala-ala ang mga nangyari kanina lamang. Muli kong sinisi ang sarili.

Naghintay kami ng ilang oras sa labas. Kiro's mother was pacing back and forth. It's like her coping mechanism to calm her self. Sa paglipas kasi ng oras ay mas lalo lamang kaming nag alala. Ilang beses  na ring pumasok sa aking isipan na pasukin ang loob ng emergency room pero mas pinili ko na lamang na manatili kasama ang mga mahal sa buhay ni Kiro dito sa labas. Dumating na rin kanina ang pamilyar na mukha ng kaniyang pinsan na palagi kong nakikita na kasama niya sa eskwelahan. Pag- alala rin ang nakasulat sa buong mukha nito. 

Namatay ang ilaw sa itaas ng emergency room. Sabay na napatayo ang mag asawa nang lumabas ang doktor mula rito. Pawisan ang mukha nito at balisa. Tila may dalang masamang balita. Nagsilapitan kaming lahat sa kaniya at inihanda ang sarili. 

" Sino ang kaanak ng pasyente?" Ginala ng Doktor ang kaniyang paningin at nang magtagpo ang kaniyang mata sa ina ni Kiro ay sa kaniya siya mas lumapit. Nakaakbay  naman ang kaniyang asawa kung sakali mang himatayin sa maririnig ang babae. 

" Mrs. Dominggo,  Malubha ang head trauma na natanggap ng anak niyo  sa aksidenteng ito. kaya naman hindi natin alam kung kailan siya magigising, he's in coma right now. And I'll be honest hindi rin natin alam kung magigising siya kaya kailangan ng maiging pag-oobserba. Maari ring maging paralisado siya dahil dito"

Humagulhol ang ina ni Kiro sa narinig pati na rin ang kaniyang nobya. Narinig ko naman ang pagpapasalamat ng ama ni Kiro sa doktor. 

" Ililipat na muna natin ang pasyente sa isang private room at sumunod po kayo sa'kin pagkatapos para maexplain ko ng mabuti ang sitwasyon ng anak ninyo." tumango ang ama ni Kiro sa binigkas ng doktor. 

" For now, I can only advise you to pray and prepare ourselves to what may come." Muling nagpasalamat ang ama ni Kiro bago umalis ang doktor. 

What the doctor said before he left doesn't gave assurance that Kiro will wake up but it give a tinge of hope that he will kaya naman ay medyo kumalma na ang aking kalooban at sinundan na lamang ang mag-anak papuntang ICU. 

Maayos na nailipat si Kiro. Subalit nanlumo ako nang makita na sobrang daming nakakabit sa kaniyang katawan na mga aparatus. Permente ang tunog ng mga makina sa kaniyang tabi at maging ang pagpatak ng IV fluid sa lalagyan nito ay narinig ko. Nakabenda ang kaniyang ulo tanda ng malagim na aksidenteng nangyari na naging dahilan kung bakit nakahiga lamang siya ngayon. 

Nasa gilid ng kaniyang kama ang kaniyang ina na hawak hawak ang kaniyang kamay. Kinikiskis niya ito na tila ba magbibigay ito ng init sa halos malamig niyang katawan. Nakatayo naman sa kaniyang uluhan ang nobya na halata na sa mukha ang sobrang lungkot at pagkabalisa. 

Umalis naman ang pinsan ni Kiro kasama ang kaniyang ama na sa palagay ko ay maghahanda lang ng mga gamit. Habang ako ay nakatayo lamang sa saktong distansya. Hindi malayo at hindi rin malapit. Sapat na distansya lang para pagmasdan ang nakaratay niyang katawan at marealize na wala nga akong lugar sa kaniyang buhay. Hindi niya ako kilala pero ako ang naging dahilan kung bakit nag aalala ang lahat ng nasa loob ng kwartong ito para sa kaniya. 

" Anak, I know you're strong. Please don't sleep for too long. Mag aalala ang mama." Rinig kong sambit ni Mrs. Dominggo sa anak. Maririnig sa boses ang labis na pagaalala bilang isang ina. Napayuko ako at napakagat labi.

" I'm sorry Mrs. Dominggo," Paghingi ko ng tawad kahit hindi niya naman ako naririnig. 

" Thank you at nandito ka ngayon iha, kahit alam kong may klase ka pa," 

" It's okay Tita, I really love Kiro kaya labis din po akong kinabahan ng malaman ang nangyari  but I know we will get through this." Matamlay naman na ngiti ang sinukli ng ina ni Kiro sa kaniya bago siya nito yinakap bilang pag-aalo nila sa isa't isa. 

Napaiwas na lamang ako ng tingin at lumabas na. Mas pinili kong maghintay sa hallway. Patients and nurses passed through me without even knowing na nandito pala ako. But it's okay ang importante ngayon ay magising si Kiro. That's what matter most. 

Umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid ng hallway. Sinandal ko ang aking likuran at doon ko lamang na-feel ang pagod. Hindi ko alam pero kahit multo na ay may nararamdaman pa rin pala. Kung sa bagay, paghihinayang nga at pagkakonsyensya ay nararamdaman ko pa, pagod pa kaya. 

Pinikit ko ang aking mga mata para sana umidlip kaso muli namang nagplayback sa aking isipan ang mga trahedyang aking nasaksihan, ang aksidente ni Kiro at ang kamatayan ko. Mabilis kong minulat ang aking mga mata. Mukhang hindi ako makakatulog ng maayos hanggang hindi gumigising si Kiro dahil mas lalo lamang akong kakainin ng aking konsensya. 

Sigurado akong nakita niya ako dahil ilang beses nagtama ang mga paningin namin ng mga oras na iyon. Sinubukan pa nga niya akong hawakan bago siya mabangga ng sasakyan. Napahilot ako ng sintido dahil sumakit ang ulo kakaisip nang maya-maya pa ay may pamilyar na bulto ng katawan ang dumaan sa aking harapan. Napaayos ako ng upo at sinundan ng tingin ang lalaki. Nakatalikod siya at palinga linga tila may hinahanap. Sinubakan niyang lapitan ang isang dumadaan na nars subalit nilagpasan lamang siya nito. Tumalikod siya papunta sa aking direksyon at nang magtama ang mata namin ay napatayo ako sa aking kinatatayuan. Nangunot ang kaniyang noo habang tinitingnan ako ng maiigi. Napalunok ako ng sariling laway at hindi mawari kung ano ang gagawin. 

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Kung bakit nandito siya ngayon nakatayo sa aking harapan habang tinititigan ako. Agad na nagsiunahang dumagundong ang kaba sa aking dibdib. I fastly turned my heels and runs towards the room where the sleeping Kiro was. Pagdating ko ay nandoon pa rin ang kaniyang nobya na marahang hinahaplos ang kaniyang kamay. Wala ang kaniyang ina subalit alam kong stable naman ang kalagayan niya ngayon ayon sa mga makinang nakakabit sa kaniya. Napahinga ako ng maluwag. Marahil ay nagmalik-mata lamang ako dahil sa pagod. Tumalikod ako subalit nang pagpihit ko ay maamong mukha ni Kiro ang sumalubong sa akin.

" Kiro," bigkas ko sa kaniyang pangalan dahil sa gulat. Nangunot ang noo niya at nang lumipat ang kaniyang paningin sa aking likuran ay nag iba ang kaniyang reaksyon. Nilampasan niya ako at dahan- dahang nilapitan ang kama. 

" B-ba't ako... nandito?" Nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa walang malay niyang katawan. 

Nanuyo ang aking lalamunan dahil kahit ako ay walang alam kung anong nangyayari kaya wala rin akong maibigay na sagot. 



Before You SleepWhere stories live. Discover now