Chapter 6

10 0 0
                                    

Paige


Nakangiti kong mukha ang sumalubong kay Kiro nang bumalik ako sa kwartong pinag iwanan sa kaniya. Lumabas kami sa kwarto dahil ayaw yatang makita ni Kiro na umiiyak ang kaniyang ina sa loob kasama naman ng ina nito ang kaniyang nobya. Nawala saglit ang aking ngiti subalit muli namang gumuhit iyon nang makita ko ang nakakunot na mukha ni Kiro na pabaling baling sa akin at sa aking likuran. 

" Sino siya?" Mahina niyang sambit sa akin na rinig pa rin naman ng aking kasama.

" Taga-sundo." Sagot ng lalaki na nasa aking likuran sa tanong ni Kiro. Napaatras si Hero sa narinig kagaya noong una ko ring reaksyon nang makilala itong lalaking nasa aking likuran ngayon.

"Relaks. Siya si Damon. " Pagpapakilala ko sa kaniya.

"Damon? Ha! at saan mo naman napulot yang bantot na pangalan na 'yan?" Tila hindi makapaniwala niyang sambit. Hindi niya yata nagustuhan ang pangalan na binigay ko sa kaniya. Eh kasi naman, kanina pa kami nag uusap hindi naman niya sinabi kung anong pangalan niya kaya ginawan ko na lang. 

" Yep, Damon." 

Short for demonyo para hindi masyadong halata.  Bulong ko sa sarili na hindi niya narinig. 

"Excuse me Miss, pero David ang pangalan ko. " Tumango tango naman ako sa ginawa niyang pagpapakilala. 

" Biblical name." dagdag niya pa.

"Pero mas bagay pa rin ang Damon." Pagpipilit ko na ikinasira ng mukha niya. Hindi yata siya marunong ngumiti. Ang alam niya lang yatang emosyon ay pagkapikon, galit at yeah pagkapikon nga. Napatawa ako sa sarili ng maalala ang mukha niya kanina doon sa rooftop. Ah, may iba rin pala siyang emosyon na nasaksihan ko kanina lamang.


"Kung hindi pa ako patay, may chance pa ba akong mabuhay? Ano?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya. Tuluyan niya akong binitawan. Lumayo siya ng ilang hakbang at tumalikod sa akin. Tumingala siya ng nakapamewang tila malalim ang iniisip. Nang muli siyang lumingon sa akin ay kalmado na ang kaniyang postura at mukha subalit may galit pa rin ang kaniyang mga mata pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ang mahalaga ngayon ay ang marinig ang eksplinasyon niya. 

" Nagkamali ka lang ng narinig."

" Tama ang narinig ko." Pagpupumilit ko sa kaniya.

"Pwes, mali ang pagkakaintindi mo. You know what, bahala ka na," Muli siyang tumalikod sa akin at pabulong bulong na naglakad palayo.

" Aalis ka na?" Tanong ko sa kaniya na hindi niya pinansin. 

"Wala ka bang nakalimutan?" Dagdag kong tanong sa kaniya na hindi niya ulit kinibo at nagpatuloy lang sa deritsong paglalakad. He vanished again into thin air. Seriously ang bilis niyang nawala.

"Sure kang hindi mo ito kailangan?" Itinaas ko sa ire ang pocket watch niya na hindi niya namalayang nakuha ko kanina mula sa bulsa ng kaniyang pantalon. Hindi niya yata namalayan dahil mas nakapokos siya sa kaniyang emosyon. Maya-maya pa ay muli ko siyang nakitang nakatayo sa pwesto niya kanina lamang. Kung gaano kabilis siyang nawala kanina ay ganun din siya kabilis nakabalik. Dumako ang atensyon niya sa nakataas kong kamay. Nakita ko ang pagbabago ng kaniyang mukha, tila takot ang rumihestro doon na napawi lang ng ilang segundo. 

"A-anong... ibalik mo." Mariin niyang utos. Naglakad siya pabalik sa akin. Agad kong nilagay sa aking likuran ang aking kamay. Maangas siyang naglakad pabalik sa akin. Mas ramdam ko ang bigat ng tensyon sa bawat hakbang niya. Tinakbo ko ang dulo ng rooftop para makaiwas sa kaniya. Tiningnan ko ang taas ng aming kinalalagyan. Napalunok ako sa nakakalulang sensasyon na bumalot sa aking tiyan mula sa nakita nang dumungaw ako pababa. Sobrang liit ng mga tao at  mga kotse na tila mga langgam lamang sila kung titignan mula rito sa itaas. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Before You SleepWhere stories live. Discover now