**Continuation**
Ang haba ng pila at ang dilim, maririnig mo ang sigaw at iyak mula sa holding area bago pumasok sa Horror House.
(Kung gaano kalakas ang tibok ng puso ko para sakanya, ganun din kalakas ang tibok ng puso ko sa takot)
“Next!” sigaw ng bantay sa Horror House
(Next? Bakit para ang tono mo kakatayin n'yo kami sa loob? Pwede ba marahan lang pagsabi ng Next! Umayos ka ate!)
”Okay Jake let's go!” excited na sabi ni KC.
“Okay?” ang response na nasambit ko na parang hindi sigurado kung aabante ang mga paa ko o hindi.
(No choice, either you move or die)
Naglalakad na kaming dalawa patungo sa Horror House, biglang pumuslit ang mga dry ice na usok sa gilid.
Nagulat kaming pareho at ang mga balahibo namin ay nagsitayuan.
(Ganito yung mga napapanuod ko sa Horror Movies para bang may nagluluto ng barbeque sa gilid, mausok at madilim)
**Pumasok kami sa entrance**
Ano pa ba ang dapat iexpect natin sa isang Horror House, syempre lahat ng nakakadiri at nakakatakot na bagay nakita namin, tila ba parang maze yung tatahakin mo bago ka makalabas.
(Ayaw ko ng maging detailed yung kwento na kung saan may humawak sa left arm ko at napasigaw ako na mas malakas pa sa kanya)
Ito yung highlight ng pagsuong namin sa gabi na yun...
Malapit na kami sa exit..
Biglang may humawak na death walker sa aking binti, syempre sino ba naman di macondition ang pag-iisip sa panunuod ng series sa walking dead na kapag nakagat ka magiging death walker ka din.
(Nagtatalon ako! Ikaw ba naman hawakan sa binti sa gitna ng dilim tapos di kaaya-aya yung itsura, di ka magulat! Pasensya very emotional hahaha)
Habang natatalon ako, di ko na malayang hawak ko na pala yung kamay n'ya tapos na out of balance kami, napahiga kami at nagdampi ang aming....
ang aming....
ang aming...
mga noo!
(Grabe ang sakit! Headbutt! Perfect scene na sana!)
“Ouch!” sabay sigaw naming dalawa.
Lumabas kami ng Horror House at nagtitigan, sabay nagtawanan. (Awkward pero WOW! Heaven yung feeling!)
“Thanks Jake! Your so kind and BRAVE to come with me” sabi niya.
(Kailangan may emphasis yung BRAVE, anyway she's so sweet and I really appreciate that!)
“Your very much welcome!” response ko sa kanya.
(Imagine this night I was able to hold her hand, Alam ko sasabihin n'yo hindi ito date, pero para sa akin ito ang perfect date!)
Noong gabing yun di ako makatulog, pagulong gulong ako sa kama ng nakangiti.
(Masama na tama ng isang 'to, iba na ito, malapit nang bumisita sa institusyon at kailangan na ng atensyong medikal)
**TO BE CONTINUED...**
BINABASA MO ANG
MY BEST FRIEND --MBF
RomanceMahirap umamin na may gusto kasa isang babaeng itinuturing kang best friend. Marami ng stories na naisulat at naipalabas sa t.v. tungkol dito. Pero paano mo nga ba mareresolve ang issue na ito, to have a happy ending. enjoy reading! ---BlackGuru