Makulit din ako eh kasi from the previous chapter that I blogged, dapat end na ng story na to.
(Parang sipon ako na kahit gaano mo singhutin lalabas at lalabas padin)
Most of the time I was with her in school.
(wow English, Pakitagalog po)
binabakuran ko s'ya, ginagwardyahan ng palihim parang si Kobi Bryant. (pwede na kahit di direct translation, ituloy mo kuya ang kwento...)
Kapag kasama ko si KC parang may katabi akong anghel...
ang bagal ng movement ng paligid...
(para bang nakaexperience ng allien abduction at parang The Matrix ang motion)
Yung smile n'ya sobrang tamis, yung mga mata n'ya parang mata ng prinsesa.
(S'ya ang vitamins ng puso ko)
Habang tinititigan ko s'ya nakanganga pala ako at diko masigurado kung tumulo ba ang laway ko kasi bigla s'yang sumigaw...
"Hoy! Jake masama yan, ayaw kita bisitahin sa mental."
Napapiglas ako at nag-ibaibahan sabay sabing
"ahh puyat lang ako dude"
(gusto ko sana sabihin puyat lang ako dude, sa kakaisip sayo! Yun oh!)
Noong nakaraan kumain kami ng ice cream, tinitigan niya ako sabay hinawakan ang labi ko at pinahid ang sobrang ice cream sa aking labi. (ang lambot ng mga daliri n'ya, Parang bulak ang gaan ng dating, Nakakapanghina!)
"ang kalat mo naman kumain," marahang puna ni KC
Nagsmile lang ako inresponse sa mga matatamis n'yang banat!
(sa totoo lang parang poso negro ang pagpump ng puso ko, bibigay na ako, maglaladlad at aaming ako ay, ako ay...inlove! Hihihi kinikilig ako)
**Ilevel up natin yung story**
May event sa school, udays (university days) may horror house sa school.
Di ako mahilig sa mga creepy na bagay kasi naunahan na ako ng takot dahil sa walang habas kong panonood ng horror movies nung high school pa ko.
(di ako duwag, sino ba naman ang di natakot sa okatokat or shake rattle and roll)
Pagpasok ko ng gate ng campus at matapos kong iswipe ang aking i.d. sa scanning machine, may biglang naghug sakin... (Laglag puso ko men!)
"Hi Jake, d'yah want to have some fun?" kinda daring yung tanong ni KC.
I answered, "yes sure!"
(ikaw pa! kahit paakyatin mo ako ng buko niyog gagawin ko!)
"Let's check the horror house, super fun daw!” sabi ni KC
Kapag nagsasalita s'ya parang may elegance at parang sinusundo na ako papuntang langit.
"You know what, that's the most intelligent idea i've heard"
(Oh Webster and Google you are my best friend, salamat sa mga lines na to!)
**Walking dead; I'm dead**
Pumasok kami sa isang man made white house...
(galing ng gumawa, malamang college of Engineering and Architecture ang salarin)
Nagpapakagentleman ako sa harap n'ya, inoffer ko yung right arm ko for her to hold..
(nanginginig tuhod ko-robbery legs parang boxer, sana kumain muna ako ng Balut sabay sigaw powered by balut)
"Jake, what's wrong?" tanong ni KC.
"ah wala? I'm just too excited! Heee-hee?" sabay lunok ng malalim.
(kung hindi lang kita mahal kanina pa ako nagpack up na parang frustrated actor, pero mahal kita kahit nagbabagang lava ng Mt. Mayon tatawirin ko; ako magiging night and shining armor mo!)
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
MY BEST FRIEND --MBF
RomansMahirap umamin na may gusto kasa isang babaeng itinuturing kang best friend. Marami ng stories na naisulat at naipalabas sa t.v. tungkol dito. Pero paano mo nga ba mareresolve ang issue na ito, to have a happy ending. enjoy reading! ---BlackGuru