Chapter Three: Pagpaparamdam 101

13 2 0
                                    

"Hindi lahat ng nagpaparamdam ay multo!" sabi ko sa sarili ko.

After ng self-proclaimed date namin, ofcourse kailangan ko na seryosohin at ituloy tuloy 'to!


Alam ko na kapag inamin ko ang feelings ko sa kanya, I might lose my My Best Friend and girl that I love.

(Parang tumatawid ako sa nagbabagang hanging bridge na maling tapak ko lang magcocolapse na, ganun kadelikado)

Bumili ako ng bouquet of flowers para ibigay sa kanya.

(Special flowers for special person, syempre!)

Inaabangan ko s'ya sa tambayan namin.

(Hawak ko yung hour glass, binibilang ang patak ng buhangin, mga dalawang set na natapos at wala pa din s'ya... Ang tyaga maghintay)

"Para sakin ba yan?" bati ni KC mula sa aking likuran

"Ah?" natigilan ako magsalita.

(Para bang naputulan ng dila tapos ang awkward ng mukha)


"Ah? Ah? Ano? Para sakin ba yan?" Ironic na tanong ni KC

(naunahan na ako ng takot)

"Ah hindi pinabili lang hahahaha" sabi ko

(Basag nanaman diskarte ko, Kulang kasi ng lakas ng loob, parang baterya na walang karga o sira ang loud speaker ng bibig ko)


"Tara kain tayo ihaw-ihaw!" pag-iinvite ko kay KC.

(Wow! Second date na ba ito?hihihi)

"Okay sure! Game ako diyan!" respond ni KC.


Matapos naming bumili ng sandamakmak na street foods.

(Pareho kasi kaming matakaw)


"Paano kung may nanligaw sayo?" mabilis na tanong ko, sabay kagat sa mainit-init na isaw na nababalot ng malagkit at masarap nitong sauce.

"Ah? Eh? Wala pa sa isip ko yan, baka ikamatay ko! Change topic naman, please!" pakiusap ni KC, sabay kagat sa betamax na mayroong napakasarap na vinegar sauce.


Inenjoy ko nalang na magkatabi kami sa upuan habang kumakain ng street foods, worth it naman yung pagkain kahit nag-amoy usok kaming pareho.


TO BE CONTINUED..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY BEST FRIEND --MBFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon