Alliah's POV
Pauwi na ako ngayon sa Pilipinas gusto na kasi ng parents ko na makasama nila ako,dahil busy sila noon sa company namin kaya iba ang nakasama ko noong bata pa ako.lumaki ako sa america kasama ang grandparents ko kaya mas malapit ako sa grandparents ko kaysa parents ko pero ang kuya ko sa parents ko lumaki kaya medyo hindi rin kami close non.sa totoo lang sa una hindi ako pumayag sa gusto nila dahil doon na ako lumaki at may mga kaibigan ako doon,ano bayan miss kona agad sila.wag kayong magtaka kung bakit nagtatagalog ako kung lumaki naman ako sa america,ayaw ng lola ko kasi Pilipino daw ang lahi namin gosh.after an hour nandito na ako sa waiting are hinihintay ko na lang yung sundo ko , they said si kuya Chris ang susundo sakin dito speaking of kuya nakita ko na sya
"Welcome to Philippines little sister" bungad na sabi kuya sabay niyakap ako
"Yeah! Its been 11 years brother" sagot ko kay kuya sabay ngiti
"Let's go kanina ka pa nila hinihintay sa mansion" masayang sabi nya sakin
tumango lang ako siya na nagbuhat ng mga gamit ko at sinundan ko na lang sya dahil siya lang naman ang nakakaalam ng daan.malayo ang agwat ni kuya sakin,I'm 17 years old siya naman 19 years old at 4th year college na sya this year at ako naman 10th grade in junior high school,5 years old ako noong dinala ako ng grandparents ko sa america siyempre sa una umiyak ako kasi malalayo ako kila mommy and daddy but i don't have a choice dahil kundi mga katulong lang ang mag aalaga sakin at dahil andoon ang lola ko that time nagprisinta na siya na lang mag aalaga sakin.nakaupo na ako ngayon passenger seat hinihintay ko si kuya matapos sa paglalagay ng gamit ko sa compartment ng kotse niya.maya maya bumiyahe na kami pauwi.
"How are you my princess in america?" Binasag ni kuya Chris ang katahimikan sa pagitan naming dalawa
"I'm fine" sagot ko sa tanong ni kuya sabay ngiting tipid
"How about your study?" Tanong ulit ni kuya Chris
"Well nasa lahi natin ang laging nauuna sa lahat ng bagay" Pagmamalaking sabi ko sa kanya
"That's great,kapatid nga talaga kita HAHAHAHA" masayang sabi niya sabay tawa
"Nagka boyfriend kana ba doon?" Biglang tanong nya sakin siyempre hindi ko sasabihin na nagkaroon ako
"I don't have kuya Chris" sabi ko sa kanya,bigla na lang nag iba ang itsura ni kuya at napatingin sakin
"Seriously?" Mapanuring tanong nya sakin tumango na lang ako.
itinuon ko na lang sa labas ng bintana ang aking paningin dahil naaalala ko naman yung pangyayaring sumira sa buhay ko yung taong minahal ko na niloloko lang pala ako.pinigilan kong hindi umiyak para hindi makita ni kuya, isa na rin yon na rason para pumayag akong umuwi muna dito sa Pilipinas gusto kong makalimutan lahat nang ginawa nyang panloloko sakin.
After a minute nasa tapat na kami ng aming mansion nauna ng bumaba ng kotse si kuya at ako hindi muna bumaba pinagmasdan ko muna yung una kong naging tirahan,ang laki nang pinagbago dahil ang kulay ng pader noon ay sky blue na naging dirty na white na ngayon after kong pagmasdan bumaba na ako. Hindi ko alam kung bakit sa labas ng gate kami nag stop ni kuya eh pwede namang ipasok sa loob hays,maya maya pa bumukas na ang gate at
"SURPRISE! WELCOME BACK ALLIAH"
nagulat ako na napakaraming tao ang nandoon yung iba hindi ko kilala ang tanging kilala ko lang ay sina mommy,daddy at nandon din ang paborito kong yaya si nanay wena , mga nakangiti sila at may hawak na cake si nanay wena at yung ibang katulong may hawak ng banner na nakalagay "WELCOME BACK ALLIAH" may iba pang mga hindi pamilyar sakin pero mukang kasosyo nila mommy sa company.