Her name**
Dahan-dahan at ala-ninja akong bumababa ng hagdan. Mula dito natanaw ko si mommy sa sala kasama ang mga ka-meeting niya. Nag tip-toe ako at dali daling tumakbo papuntang kusina.
Whew! buti na lang di nila ko napansin.
Binuksan ko ang cabinet at kumuha Coco roos, Piatos, cheese ball, cupcake at bread pan. Di ko kayang bitbitin lahat kaya yung iba ay inipit ko sa kili-kili ko.
Inulit ko ang ala-ninja style na moves ko.. and voila! papasok na ko sa kwarto ko.
Hinagis ko lahat ng chi-chirya sa kama.. inayos ko ang pagkaka-bun ng buhok ko at tsaka tumalon padapa kaharap ang laptop ko. Hinablot ko ang cheeseball at binuksan iyon gamit ang bibig ko.
Ini-stalk ko ang account ng isang hollywood star sa twitter. Eto ang lifestyle ko. Binuksan ko ang facebook account ko na may 200 friends lang at halos 99% nyan ay kamag anak namin.
Napaka boring ng facebook ko, kasing boring ng nagmamay-ari nito. Mayroon akong 100+ na friend request pero di ko na din ginagalaw dahil hindi ko naman kilala ang mga taong iyon at tsaka in-add lang naman nila ako kasi Mayor ang mommy ko at sikat ang kapatid ko.
Yes. Mayor ang mommy ko dito sa Batanggas.
Mayora Gonzales..
Kin-lick ko ang account ng kakambal ko.. Nate Martin Gonzales.
Bumungad sa akin ang account niyang mayroon two thousand plus na friends at libo libo ding followers. Ok, fine. Kabaliktaran ko ang kakambal kong si Nate. Mas matanda siya sakin ng one minute.
Bata pa lang kami madami na siya kaibigan at mas sikat siya sa akin.. at noong mag highschool kami ay nag simula ng umaligid ang kababaihan sa kanya. Well, karamihan sa kababaihan na iyon ay pilit akong kinakaibigan.. Yes, pilit. Sino ba naman ang gustong makipagkaibigan sa boring. Tsaka ginagawa lang nila iyon para makalapit sa kambal ko.
Pero kahit na ganon. Mahal ko ang kambal ko nuh. Kami na nga lang magkakambal kami pa ba mag aaway? napaka miserable ko naman ata kung pati family ko ay ayaw sakin.
Iniscroll ko ang mala celebrity'ng account ng kambal ko. Puro flirtation lang at ang magaling kong kambal ay todo reply. Feel na feel ang pagiging sikat.
Narinig ko ang yabag at talbog ng bola at nagtatawanang lalaki. Sinarado ko kaagad ang laptop ko. Hudyat na na dumating ang kambal ko galing sa court.
"Pre! tambak nanaman kalaban natin, mga weak ba naman eh!"
"Tss .. ako nag dala malamang" narinig kong sabi ng kuya ko.
"Wew? biglang naghambog!"
"Hahaha sapakan na lang oh"
Lumabas ako ng kwarto at nakita ang magaling kong kambal. Kasama ang mga kaibigan niyang oh-so-cool kunwari. Syempre except .. Ehem.. Mark Ramos. Hindi sya kunwari cool, dahil cool talaga siya at crush ko since grade two. Mabait, gwapo, matalino at student council president sa school. Sikat pa. Kaya ayun, isa lang din ako sa mga babaeng may crush sa kanya.
"Wow! Ang prinsesa ay lumabas sa kweba .. isang himala!" pang aasar sakin ni Brandon. Isa sa mga cool-kunwari.
"Kakagising mo lang?" tanong ng kambal ko.
"Nope." simpleng sagot ko.
"Breakfast?"
"Not yet"
"Any plan for today?"
"none."
"Going somewhere?"
"Nahh just home."
"Scrolling whole day?"
"probably"
"wanna-" at bago pa matapos ni Nate ang pagtatanong ay umextra nanaman si Brandon.
"Napaka-amazing niyong magkakambal. Ang tipid niyong magsalita. Napapanganga kami sa connection niyo feel namin nababasa niyo ang utak ng isat isa"
"Haha ikaw lang naman parang timang na araw araw na a-amaze eh! eh kami sanay na.." singit ni Dylan.
"Aria.."
Napukol ang atensyon ko sa biglang nag salita. Boses pa lang kumpleto na araw ko. Boses pa lang ulam na, handa akong ipalit ang mga kinain kong cheeseball kanina bilang breakfast.
"Uhh goodmorning.."
"Ah-eh goodmorning din .." sagot ko kay Mark.
"Ang daya niyang si Aria eh, pagdating kay Mark ang bait! may favoritism tsk! tara alis na tayo! nakakatampo.." pag iinarte ni Brandon.
"Alis ka.." cool na pambabara ni Dylan sa kanya. Haha lagi niya talaga binabara yang si Brandon.
"Aria gusto mo ba sumama samin? Bar hopping? masaya toh.." pag-aaya sakin ni Henson. Isa sa mga ka tropa ni Nate.
"Umm no thanks.." sorry naman daw, hindi ako fan ng bar na yan. Di pa ko nakakapunta at wala kong balak. Napapanood ko sa tv napaka panget sa bar.
"Rejected! hahaha.." pang aasar ni Brandon kay Henson .. binatukan siya nito.
Ok, so narito nga pala sa harapan ko ang pitong napaka gwapong nilalang na pinagkakaguluhan sa school. Take note: Pinaka mabait ay si Mark na love of my life ko at ang pinaka tuso ay ang kambal kong si Nate Martin Gonzales na feel na feel ang kasikatan niya.
"Osige bye na, goodluck sa bar! Enjoy!"
"Walang kiss?" singit ni Adam. Isa din tong maharot medyo sumusunod sa yapak ni Nate.
"Kiskisin ang kaharutan sa dingding pre!" si Nate na ang sumagot.
"Protective na kapatid!"
"Protective pag babaero ang nasa paligid!"
"Nagsalita ang hindi!"
"Di ako babaero, sadyang gwapo lang kaya hinahabol-habol!"
"Grabe ang lamig sa inyo Aria noh? wala namang bagyo diba?"
"Hays ewan ko sa inyo! bye na nga.." at pumasok na ko ulit sa kwarto. Pero bago yun sinulyapan ko muna si Mark. Ahihi ..
Sunday ngayon at Monday nanaman bukas. I love home and I hate school.