That Santiago guy

**

Today is monday and I hate monday.

Naglalakad pa lang ako papasok sa school ay tanaw na tanaw ko na ang magaling kong kambal na nasa bench at pinapalibutan ng mga babae. Yung isang girl ay ina-akbayan niya. At base sa buka ng bibig niya na kabisado ko na.. ayun .. for sure mga matatamis na salita na ginagamit sa pambobola.

"Alam mo kamukha mo Ate ko.."

"Huh? bakit? kapatid lang tingin mo sakin?" pa-pout-pout pa at pagpapa cute na tanong ng babaeng inaakbayan niya, nasa lower year siguro ang isang ito.

"Nope. Gwapo ako, so maganda ate ko at dahil kamukha mo siya edi maganda ka.. To sum it all gwapo ako, maganda ka.. bagay tayo.."

Kinilig naman ang babae at todo pa cute pa. Kelangan talaga mag blush?

Dumiretso na ako sa classroom ng madaanan ko ang basketball team. Halos mapayuko ako ng makita ko si Mark. Nako-concious kasi ako eh, baka mamaya may dumi ako sa face.

"Aria, kuya mo?"

"Ano ka ba Brandon, di niya kuya si Nate kambal sila" sabat ni Dylan.

"Eh kahit na mas matanda ng isang minuto si Nate, bobo mo!"

"Mas bobo ka, sino kaya naka zero sa quiz?"

"Ah eh excuse me, nasa baba si Nate may mga kasama.." putol ko sa pagtatalo nila.

"Ang aga-aga, iba talaga pag batikan!"

"Sige una na ko.." pagpapaalam ko sabay sulyap kay Mark na busy sa cellphone niya. Hayss kelan mo kaya ako mapapansin?


Papasok pa lang ako sa classroom ay tanaw na tanaw ko na ang dalawang babae. Yung matangkad ay tinutulak yung maliit na babae, may dala itong box na sa tingin ko ay tsokolate ang laman at tsaka mabilis na inilapag sa lamesa ni Nate. 

September pa lang ah, malayo pa ang Valentines day.

Dumiretso ako sa upuan ko sa lastrow, pinaka dulo at malapit sa bintana kung saan matatanaw mo ang malawak na garden. Masarap sa pwesto ko lalo na pag umiihip ang hangin, malamig. May tatlong bakanteng upuan akong katabi, ngunit walang naka upo.

Bale.. mukha akong loner at walang gustong tumabi sa akin. Madalas nga akong nakaka kuha ng matatalim na titig tuwing pinapalibutan ako ng Basketball team. 

Nag bell na, hudyat na mag uumpisa na ang klase. Inayos ko ang pag kakaupo ko. Naglabas ako ng notebook para makapag take down notes ako. Nakagawian ko na kasi ito at mukhang maganda naman ang epekto sakin dahil tuwing may quiz eh mabilis akong nakakapag review.

Pumasok na ang istriktang teacher namin na si Ms.Corazon sa History. Walang bati-bati yan sa uaga, diretso lamang siya na biglang mag susulat sa board. Oras na may bumati sa kanya ng goodmorning, ang isasagot niya lamang ay walang maganda sa umaga. Parang galit siya sa mundo, matandang dalaga ang asar ng mga kaklase ko. Wala daw kasing lovelife kaya bitter.

Nag umpisa na ding kumopya ang mga kaklase ko. Tahimik talaga pag first subject, napaka teror talaga niyan ni mam. Buti nga at hindi niya pa ako napapagalitan ni minsan hindi gaya ng kambal ko ..

"Goodmorning Ms. Sorry I'm late.." malaki ang ngiti ni Nate na bumabati habang papunta sa upuan niyang nasa first row.

Speaking of ..

"Out! Mr.Gonzales!!!" ayan nanaman nag uumpisa nanamang tumaas ang dugo ni Mam.

Napakamot na lang sa batok si Nate at lumabas, pero may kinindatan pa siyang classmate ko na kung mag blush ay sobra-sobra.

Habang dumadada si Mam ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya palihim ko itong kinuha, nasa likod naman ako kaya safe.

Nate:
Ari, labas ka nga. Bwisit na teacher yan.


"Ms. May I go to the washroom?" Medyo malakas ako dito kay Mam. Perfect ko ba naman lagi quiz niya eh.

"Ok Ms. Gonzales"

Lumabas ako ng classroom .. pero naka salubong ko ang isang faculty teacher namin na si Ms. Andrea, may dala dala siyang mga papers.

"Hi Ari, pwede palagay nito sa office?"

"Ok po" 


Dinala ko ang mga papel at pagdating ko sa office ay may nadatnan akong lalaki. Naka-upo sa sofa ng office at kinakausap ng aming school principal na si Mrs. Santiago.

"Goodmorning po" pagbibigay galang ko kaya nakuha ko ang atensyon nila.  Napansin kong magulo ang buhok nung lalaki tapos may piercing earing sa isang tenga. Naka suot siya ng uniform namin kaso naka open yung first at second button. Grabe, kaharap niya ang principal namin pero bat di ata siya pinapagalitan?

Parang patapon ang buhay nito. Napakalaking opposite nila ni Mark. 

"Oh Ms. Gonzales goodmorning din sayo.." 

"Uhh ilalagay ko lang po itong papers ni Ms. Andrea.." sabay lapag ko ng paper sa table. Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng tensyon. Feel ko nakatitig pa rin sakin yung lalaki eh. At para makatiyak ay tumingin ako saglit sa kanya at ayun nga, nakatingin pa rin sa akin.

Tumaas ang gilid ng labi nito at may mapag larong ngiti na nakatingin sa akin. Totoo pala yung pang demonyong ngiti. Napalunok ako sa kaba.

"Can I go now? I feel going to class right now.." 

"Ok.. ahmm Ms Gonzales since pareho kayo ng magiging section, pwede mo ba siyang ihatid?"

Sino ba ang makaka-hindi sa isang principal ng school? Pero wait! Patay! pupuntahan ko nga pala si Nate. Hay.. bahala na nga.

"Ok po.."

Nag umpisa akong maglakad palabas ng office at ramdam kong nakasunod siya sa akin. Nangangatog talaga ako eh. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon. Pinasadahan ko siya ng tingin, tumigil din siya at pinasadahan ako ng tingin.

Nakapamulsa siya at walang dalang bag. Seriously? school ba talaga ang pinunta nito dito?

Tumalikod na ako at nagpatuloy na lang sa pag lalakad. At nang sa wakas ay nakarating na kami malapit sa classroom ay nag salita na ako. Tumikhim muna ako bago magsalita.

"Ah Mr ..."

"Santiago" simpleng dagdag niya. Huh? Santiago? kaano-ano niya yung principal.. Pero nevermind.

"Yun yung classroom yung nasa dulo.." sabay turo ko pa. "Mauna ka na, may pupuntahan pa kasi ako eh.."

Tumango-tango siya. Tumalikod na ako at humakbang pero bago pa ako makalayo ..

"Can I come then?"

What will happen next?

What happen next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon