His name
**
Nanlaki ang mga mata ko. Ano daw? Can I come?
Tinuro ko ang sarili ko?
"Yea, Can I come with you?" ulit niya pa.
Parang akong timang na tumango-tango na lamang at wala sa sariling naglakad ulit. Napansin ko nanaman ang mala demonyo niyang ngiti. Whats with this Santiago guy?
Bzzzt ..
Nate: Ari, dito sa court. Paki bilis.
Binalik ko na sa bulsa ang cellphone ko. Papasok pa lang kami sa court ay narinig ko na ang talbog ng bola. Walang ka effort effort na nag shoot ang bola sa ring, ibang klase talaga. Hindi lang may itsura ang basketball team, magagaling talaga sila. Mag isa lang si Nate sa court. Pag ka shoot ng huling bola ay tumingin na sya sa akin. At sa likod ko? Medyo kumunot ang noo niya.
"Ah eh .. new student, pina guide sa akin ni Mrs. Santiago ngayon ngayon lang.. nautusan kasi ako sa faculty.."
Tumango tango naman siya na naintindihan ang sinabi ko.
"So why did you--"
"May pupuntahan ako sabihin mo kay mom may inasikaso lang.. so hindi kita mahahatid pauwi.."
"Pero may klase pa--"
"Yea, mas importante pa ito sa klase..just follow Ari, wag ka ng makulit .."
Huh? mas importante sa klase? Ano naman kaya iyon?
"Ah ok sige mag co-commute na lang ako pauwi.."
"oh.." sabay hagis niya ng box ng chocolate na sinalo ko.
"Ano toh? suhol?"
"Hehe parang ganun na nga.."
"ahh.. sige babalik na ako baka isipin sa classroom eh nilamon na ko ng inidoro.."
Naglakad na ko papalapit kay Santiago guy. Tahimik kaming naglakad papuntang classroom, mas nauuna ako. So ayun eksakto ang pag dating namin.. Kakatapos lang ng first subject at kakalabas lang ni Ms. Corazon. Dumiretso na ako sa upuan ko.
At laking gulat ko ng magkagulo ang mga kaklase ko .. napatingin ako sa pinto at ayun .. nandoon yung Santiago guy. Medyo masama na ang aura nito buti naramdaman ng mga babaeng humaharang sa daan niya.
"You can sit beside me" sabi ng kaklase kong si Lucy sabay tulak sa katabi niyang si Lea kaya na vacant ang upuan. Dinema lang siya ni Mr.Santiago at dire diretsong pumunta sa likod.
"Can I sit here?" natahimik ang buong klase. Tumingin ako at hinihintay nila ang sagot ko. Pati si Mark ay nakatingin na sa akin.
Yumuko ako at dahan dahang tumango. Umupo siya sa upuan katabi ko. Medyo nakakailang kasi buong klase ay madaming atensyon ang nakapukol sa likod. Pakiramdam ko magkaka stiff neck ang mga kaklase kong nakalingon. Siguro absent si Nate na sa harap naka upo kaya ganun.
Paglipas ng mga sumunod na subject ay umub-ob lang siya sa upuan at natulog. Walang teacher ang umistorbo sa kanya. Siguro kasi baka kamag anak ng principal. Lumipas ang lunch at recess. Hindi naman ako lumalabas pag lunch at recess. May baon kasi ako. Lumipas ang oras at tulog lang siya.
Yung mga kaklase kong babae ay palihim na kinukuhaan siya ng litrato. Stolen shots yata.
Nang mag bell at hudyat na ng uwian ay inayos ko na ang mga gamit ko. Tsaka lamang siya nagising. Lumabas na ako ng classroom, makapunta nga muna sa locker ko.
Naglalakad ako patungo sa locker room, at sa dulo pa lang ng hallway ay natanaw ko na agad si Mark na nakasandal sa locker ko habang naka sukbit ang bag sa isang braso. Bumagal ang lakad ko. Nginitian niya ako at sigurado akong mas nahulog nanaman ako. Kasabay ng pagbagal ng lakad ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko.
