CHAPTER 1: UNKNOWN

0 0 0
                                    


*****

Naglalakad ako sa madilim na iskinita, anong oras narin ako ng nakauwi dahil sa project pa namin ng mga kaklase ko

Wala naring naglalakad na mga tao ngayon dahil sa sobrang Gabi na, at mga tulog na ang siguro ang mga tao ngayon

Dala-dala ko sa kaliwa kung braso ang bag ko at sa kanan kung kamay ang libro ko. Di ko kayang magcommute dahil madilim na at wala ng dumadaan ng mga sasakyan kahit tricycle

Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cp ko sa bag ko. Tinignan ko ito at 'no message' ang bumungad sa akin. Siguro busy sila mama at ang mga kapatid ko. Tinignan ko naman ang oras at 2:34 am na ng madaling-araw

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng nay humarang sa akin ng 2 lalaki na mukhang....may alog heehehe judgemental ako

"Miss, akin na ang bag mo kung ayaw mo masaktan" sabi ni kuya no.1 na sabog ang buhok. At idagdag mo pa ang mabaho nyang hininga

"Miss, sumunod ka nalang" sabi naman ni kuya no.2 na nasa gilid ko na nagaabang para ibigay ko ang hinihingi nila, and mukhang naka 'woke up like this' lang si kuya dahil sa buhok nya na sinabunutan ng 10 demonyo dahil sa gulo. Kung suklay lang ang hinihingi ni kuya ibibigay ko pa at yong mamahalin pa. Yong hininga naman nya nakakamatay pa, gusto ko rin syang regaluhan ng toothbrush na original

May dinukot si kuya no.1 sa bulsa nya  at isa itong swift knife at tinapat ito sa akin, napangisi nalang ako ng palihim

"Ibigay mo na sa amin" utos naman ni kuya no.2

"Mga kuya, iba nalang ang ibibigay ko sa into dahil kapag bag ko ang ibibigay ko ay Baka magsisi kayo at walang mapapala" magalang kung sabi habang nakangiti

"Ano bang sinasabi mo, miss?" Sabi ni kuya no.1

"Kaya mga kukunin namin ang bag mo dahil may importane dyan na pwede mapagkunan ng pera" paliwanag naman ni kuya no.2

"Wag na po kayo magmapilit mga kuya, wala talagang importante dito" sabi ko

"Miss, ibigay mo nalang sa amin" sabi ni kuya no.2

"Kung ayaw, sapilitan namin iyan kunin?" Sabi naman ni kuya no.1

"O sige, nagmamapilit kayo" sabi ko habang nakangiti. Nilabas ko ang kutsilyo ko na masyadong malaki sa swift knife nila. Nagulat sila sa hawak-hawak ko

"B-bakit ka may g-ganyan m-miss?" Kabadong tanong ni kuya no.2, ngumiti ako

"Self defense" sagot ko. Hindi naman talaga eh

"B-basta ibigay m-mo nalang ang b-bag mo" sabi naman ni kuya no.1. Halatang kabado sya pero di nya pinapahalata iyon, gusto ko ng gumaqa ng masaya ngayong Gabi dahil sa bored ko

"Its time to say goodbye" sabi ko with a smirked. Tinaas ko na ang kutsilyo ko at sinaksak si kuya no.1 na malapit sa akin, sinaksak ko sya sa may puso nya, paulit-ulit ko itong ginagawa. Habang si kuya no.2 naman ay naestatwa sa ginawa ko sa kasamahan nya

Ngumiti ako ng nakakaloka. Grabe ang sayang pumatay ngayong Gabi. Nakakapang alis ng bored ngayong gabi. Nang mapansin ko na puro dugo na ako at labas-labas na ang mga laman nya ay tumigil na ako

(Pasensya na sa mga kumakain hehe)

Tinignan ko naman si kuya no.2 na nakatulala sa kanyang kasamahan na naliligo sa kanyang dugo. Lumapit ako sa kanya

"Well you ask for it" sabi ko ng nakangisi. At ayon sinaksak ko sya ng paulit-ulit din. Ganon din ang ginawa ko sa kanya kagaya sa ginawa ko Kay kuya no.1

Iniwan ko silang 2 ng naliligo sa kanilang dugo at labas ang kanilang mga laman. Naglalakad ako ng parang walang nangyari at ng nakangisi dahil sa ginawa ko, nilagay ko naman ang kutsilyo ko sa bag ko habang hawak-hawak ang libro ko

Wala namang tao na naglalakad ngayong Gabi, at di rin sumigaw ang 2 pinatay ko kaya g suspect na makakapagturo sa akin. Itinago ko narin ang murder weapon ko which is my knife

Nang makarating na ako sa bahay ay wala akong nadatnan na tao,siguro wala pa sila. Pumunta ako sa kwarto ko at nagbihis na. Pumunta ako sa  garden at sinunog ang damit ko na puro dugo kanina. Pumasok na ako at hinugasan ko naman ang kutsilyo na ginamit ko kanina. Natapos na din akong maghilamos, pumunta na ako ng kwarto at humiga

Pinikit ko ang mga Mata ko at nilamon na ng kadiliman ang kwarto ko

STALKERWhere stories live. Discover now