CHAPTER 8: UNEXPECTED

0 0 0
                                    


Xhien POV

Maaga akong nagising at umalis na ng bahay. Dumiretso na ako ng school dahil wala din naman akong gagawin kung magsta-stay pa ako sa bahay ng matagal. Wala din naman doon ang mga parents ko ata ayaw ko din naman na malate kaya mas mabuti pa na maagang pumasok, diba? Hehehe..

Pagpasok ko palang ng school ay pinagtitinginan na agad ako. Syempre sikat din ako dito sa school kaya di iyan maiiwasan. Nang naglalakad na ako papunta sa class ko ay may nagsilapitan sa akin na mga babae

Nakakagulat naman ang mga ito, sulpot ng sulpot akala mo mga kabute eh. Kung Hindi lang ito mga babae baka kanina ko pa sila nasuntok dahil ginulat nila ako, o mapatay ko sila kung di lang marami ang tao. Di naman iyon ang pinoproblema ko, ayaw ko pa mamantsahan ang polo ko kasi namumulubi na ako sa polo. Mahirap maglaba ng polo kung may talsik ito ng dugo noh! Haystt...

At kung may heart attack naman ako, Edi nakahilata na sana ako dito dahil lang sa mga babaeng sulpot ng sulpot kung saan-saan. Akala mo mga alien. Kung magkaheart attack ako di ko na makakausap si zyriel o nahawakan man lang sa kamay diba? Hindi pa nga nagiging kami, para agad ako? Di ko hahayaan iyon noh!

Sana nga mangyayari ang mga pangarap ko na makausao ko sya o makausap nya ako, ngitian nya ako, mahawakan ko ang mga kamay nya o kahit isang kamay nya...haysttt... Libre naman mangarap kaya pabayaan nyo na ako...ang drama ko..

Kailangan ko na makaalis dito sa mga babaeng ito kasi pakiramdam ko may nakatinggin sa amin ng masama, o imagination ko lang iyon...?

*Kring*kring*

Salamat niligtas ako ng bell. May utang na loob ako sa bell!!

"Uhh..girls, pasok muna ako sa class ko. Kaya bye!" Pagpapaalam ko at ngumiti sa kanila. Nagblush naman sila. Sana si zyriel ang kausap ko at makita ko syang magblush... Nagwave ako sa kanila para magpaalam. Ayoko naman na maging bastos sa mga babae kasi ginagalang ko din sila pero isa lang ang tinitibok ng puso ko at si...ZYRIEL iyon! ......

Makapasok na nga lang sa class ko ang korny ko na tuloy. Hahahaha!!

RECESS.....

Lumabas na ako ng room kasi kung makatitig sa akin ang mga classmate kung babae, lalapain ako ng buhay. Problema ko ba na maging ganto ako? Simple lang naman ang gusto ko...mapansin ako ni zyriel...ayon lang, sapat na!

Napansin ko na di ko nakikita si zyriel. Kakain muna ako, baka nasa canteen sya. Papunta na ako sa canteen at halos silang lahat ay nakatinggin sa akin. Umorder ako ng burger na favorite ko at umupo sa ang favorite na upuan ko

Habang kumakain ako ay may pumasok kaya tinignan nila- I mean namin kung sino ang bagong pasok at....NALAGLAG ANG PANGA KO!!

Si.....ZYRIEL ANG BAGONG PASOK!! at ang GANDA NYA! hayst.... Saan kaya sya galing? Dapat pala sinundan ko sya ngayon noh? Ang good mode nya kasi ngayon. Pero busy ako kaya di ko sya masusundan....LINTEK NA BUHAY ITO OH!

Nawawalan ako ng gana kapag di ko sya nakikita pero ngayon nakita ko sya na nagbabasa ng libro at umupo sya kung saan ang favorite nyang  upuan, ginaganahan akong gawin ang mga gagawin ko mamaya. Free ako bukas wala akong masyadong gagawin bukas kaya pwede akong sundan sya! \^__^ /

Nagbabasa sya ng libro di ko pinapahalat na tumitinggin ako sa kanya. Syempre maraming Mata na nakatinggin sa amin. Marami din kasi ang nagshi-ship sa amin ni zyriel, Ewan ko nalang ang reaction nya doon. Sa social media din meron doon na group at maraming member doon, kaya natutuwa ako at lalong ginaganahan sa mga gagawin ko araw-araw. Gusto ko rin syang kausapin pero wala akong lakas dahil baka mapahiya lang ako...kaya mas mabuti pa na palihim ako kung magmasid at pumatay para sa kanya

STALKERWhere stories live. Discover now