CHAPTER 7: BUMP TO EACH OTHER

0 0 0
                                    


Zyriel POV

Papunta na ako ngayon sa bahay ni xhien. Nakita ko sya na palabas na sya sa gate kaya nagtago ako sa poste. Kinuha ko ang camera ko at pinicturan sya

Naglakad na sya papunta sa school. Walking distance lang kasi ang school at sa bahay nila. Pati narin ang cafe na  pinagtatrabahuan nya ay malapit lang din sa bahay nila kaya nilalakad nya lang ito.

Kahit malayo ang bahay namin ay inaagahan ko na makapunta sa bahay nila para lang makita sya at masundan. Kaya minsan maaga akong naghihintay para lang makita na umalis sya. Hindi ako nalalate na puntahan sya sa bahay nila dahil tama ang lahat ng nasa schedule NB ko tungkol sa mga ginagawa nya tuwing isang araw

Nang makapunta na kami sa school ay tinignan ko ang oras, 7:25 palang kaya medyo maaga kami kasi 7:30 ang oras ng klase. Tinignan ko sya, ngayong pinalikibutan sya ng mga babaeng fangirls nya. Medyo naiinis ako pero wala namang nagtatangkang humawak sa kanya kaya safe silang lahat sa akin

Nasa malayo lang ako at tinitignan ko ang bawat galaw nila, dahil kung may Mali silang magawa
'May consequences silang matatanggap'

*Kring*kring*

Nakita ko na nagpaalam ni xhien sa mga babaeng nakapalibot sa kanya. Sinundan ko sya papunta sa room nya, ng masiguro ko ay pumunta na ako sa room ko....

***

Recess na kaya nagmabilis akong pumunta sa classroom ni xhien. Sakto naman na paalis na sya sa room nya at naglalakad na sya sa hallway, tapos di naman akong nagpapahalata na sinusundan ko sya kasi marami rin kasing nakatinggin sa kanya pati narin sa akin

Tinignan ko ang relo ko, 10:04 na pala kaya pupunta sya sa canteen para magrecess. Pumasok na sya sa canteen at umorder na sya ng burger na favorite nya...

Nagpahuli ako ng pasok para di nya mahalata na sinusundan ko sya. Maraming nakatinggin sa akin pero di ko na iyon pinapansin. Umorder ako ng ZEST-O

Umupo ako sa favorite spot ko kaya walang umuupo dito. Kinuha ko ang libro ko at kunwaring nagbabasa mg libro pero di halata na nakasilip ako Kay xhien na kumakain sa table nya na di kalayuan sa akin. Tumingin ako sa relo, alam ko na pupunta rin sya sa library kaya mauuna na ako kasi pupunta din ako doon para manghiram ng bagong libro

Tumayo na ako at nilagay na sa bag ko ang libro ko habang dala-dala ang ZEST-O ko. Pumasok na ako sa library, as usual tahimik. Ngumiti ako sa nagbabantay ng library na si, ate joy at ngumiti din sya. Kilala nya ako kasi parang Suki na din ako dito sa library na lagi nalang nandito

Hinanap ko ang gusto kung hiramin na libro. Marami-rami din ang gusto kung hiramin pero nagaalinlangan ako dahil mabigat buhatin pero para sa kapakana na mabasa ko ito at hindi ma-bored ay pinili ko padin na kumain lahat ng gusto kung hiramin na libro

Umupo muna ako sa paborito kung pwesto habang hinihintay si xhien. Di ko na kailangan pang problemahin ang klase kasi may schedule ako ng excuse ko at may sarili naman akong dahilan

***

*Kring*kring*

Nasobrahan ata ako sa pagcoconcentrate sa pagbabasa, mabuti nalang sa bell at na punta ako sa realidad...

Di ko alam kasi nalibang na pala ako kakabasa ng libro kaya nakalimutan ko na ang oras. Tinignan ko ang relo ko at 11:28 na. OH SHIT!! Papunta na sya ngayon sa clinic para tumulong. Kinuha ko ang lahat ng libro na nasa table ko, mga 7 or 8 books ata ang dala-dala ko ngayon kaya wala akong makita sa dinadaanan ko

Pero Hindi iyon ang importante! Ang importante ay KAILANGAN KO MAKAHABOL KAY XHIEN!! Alam ko papunta na sya sa clinic ngayon, di ko tuloy sya nakita na nagayos ng mga books dito sa library!

Tumayo na ako at hawak-hawak parin ang tambak-tambak na libro, idadaan ko nalang ito sa locker ko dahil malapit lang din naman iyon sa clinic eh kaya madadaanan ko iyon

Habang busy ako naglalakad na wala naman akong makita at nagmamadali pa ay may nakabangga ako na ako kaya nahulog ko ang libro sa sahig. Di ko na napansin ang mukha ng nakabangga sa akin dahil nagmamadali na talaga ako at madami pa naman ang libro na pupulutin ko

"Sorry....." Sabi ng nakabunggo ko. Boses lalaki sya at pamilyar ang boses nya pero di ko muna pinansin. Tumulong narin sya sa pagpupulot, ng nakita ko ang isang libro sa gitna kaya pinulot ko ito pero pupulutin din pala ng lalaking nakabunggo sa akin kaya nahawakan nya ang kamay ko. Di bale ako ang nakahawak sa libro tapos sya ay hawak nya ang kamay ko like nakapatong, malambot ang kamay nya, infairness.. Hehehe

Nang tumingala ako ay tinignan ko sya kaya saktong patinggala din sya para tignan ako....ng.......WTF!! ×_× !!!

"X-x-xhie-e-en....!!" Sabi ko. Alam ko na nangangamatis ang mukha ko ngayon pero di ko iyon pinahalata noh, magaling akong actress pero....DI KO KAYA  MAGPANGGAP PAG NASA TAPAT NA AKO NG CRUSH KO!!!HSKDHBDSKSBDKJDJDH!!!

"Z-z-zyr-r-rie-e-el....!" Sabi nya. Halata na di nya inaasahan na makikita nya ako. Well same lang kami, di ko rin inaasahan na makakabangga ko sya.....at ang malala....CRUSH KO PA!!

INHALE...EXHALE....Charms:ON
BIG SMILE:ON

"Oh, sorry xhien. But I'm in a hurry. So thanks" sabi ko at pinulot ko ang last na libro. Ngumiti ako at umalis na ng nasa labas na ako ay tumakbo ako, as in....MAS MABILIS PA KAY FLASH AT SONIC!!

Hindi ko pa kayang kausapin sya pero...

KAYA KUNG PUMATAY PARA SA KANYA

STALKERWhere stories live. Discover now