Chapter 1: Break-up
Jusko, antagal-tagal naman ni Alex, boyfriend ko. Mag-iisang oras na ako kaso wala pa siya dito sa may Café ala Margaret, nakaorder na ako lahat-lahat kaso wala parin siya. Text ako nang-text, tawag ako ng tawag kaso di sumasagot.
Dahil sa kainipan ko tumayo na ako, nagbayad at umalis papunta sa parking lot ng bigla kong nakita na yung walang hiya kong boyfriend pinaghintay ako ng isang oras, ayun nasa parking lot NAKIKIPAG-HALIKAN. Oh, What a view Taena, makikipaglandian na nga sa public na lugar pa. Kung saan pwede ko silang makita.
Sa halong emosyon na aking naraaramdaman lumapit ako sa kanya at sinampal, sabay sabi ng“ Ui, grabe naman kayong mag-PDA. Oh hey there, it’s so nice to see my Ex- Bestfriend and my boyfriend kissing torridly. Hayop ka! Pinagantay mo ako ng isang oras, text ako ng text, tawag ako ng tawag pero di ka sumasagot kala ko kung ano na ang nangyari sayo pero yun pala nakikipaglandian ka sa EX-BESTFRIEND ko. Wow ha! Makikipaglandian ka na nga sa public na lugar pa di ka manlang nagtago. So ano, huli na ba ako sa balita na kayo na? o matagal ng kayo? Anyway Congrats, Galing mo magpangap na sobrang bait mong boyfriend tapos yun pala may kabit ka na. WOW HA, Derek Ramsey ang Peg, Di naman bagay sayo.” Galit na galit kong sabiat Oo tama kayo nang pagkabasa Ex-bestfriend ko ang kahalikan niya, Saklap diba.
Tumingin ako kay Lanie at Sinabi “So eto pala ang ipinalit mo sakin ha. Ang ganda niya pala ah, MULA ULO.. MUKHANG PAA." Sabay sampal "Yan para sa pangaagaw ng boyfriend ko at" isa pang sampal "Para sa tiwala na binigay ko na sinira mo.”
“Tama na Sab, Please let me explain.” Sabi ni Alex
Tinignan ko siya ng masama. “Let me explain, Mukha mo gago! By the way, BREAK NA TAYO! SO goodbye Ex-bestfriend and Boyfriend. Opps, Let me rephrase that goodbye EX-BESTFRIEND and EX-BOYFRIEND kaya pwede niyo na ituloy yung nainterrupt niyong kissing scene. BYE!” at tumalikod na ako at dumiretso sa kotse ko.
Pagkapasok ko, doon lang bumuhos lahat ng luha ko. Kahit magtapang-tapangan pala ako di matatago yung sakit at paghihina sa loob ko. Ang Saklap kasi ng kapalaran ko, Magmamahal na nga lang ako sa taong manloloko pa, Anak ng Putcha naman oh!
Nagdrive ako na nagdrive hanggang makarating ako sa isang port na di na ginagamit. Sa harap ng karagatan, sumigaw ako“WAHH! MAMATAY KANA SANA ALEX VILLAFLOR.! Hayop ka, Babaero! NAPAKAMANLOLOKO MO!” pero kahit anong sigaw ko di parin mawala-wala yung sakit. Kasabay ng pagiyak ko ang pagbuhos ng ulan. Siguro naramdaman ng langit yung pighati ko ngayon no, kaya eto umuulan. Pero pasalamat sa ulan kasi naitatago ko yung luha ko para sa isang taong napaka walang kwenta. Tama nga sila, Ang isang relasyon ay parang Gubat, madaming ahas.
‘Sabi mo mahal mo ako, sabi mo konting panahon na lang magkakasama na tayo, sabi mo iiwan mo na sya…sabi mo hintayin kita, sabi mo mas mahal mo ako, ngayon asan ka na? Bakit kapiling ka pa rin nya?.’ sabi ko sa sarili ko
Sigaw lang ako ng sigaw hanggang sa mapagod at naisipang umuwi
Habang nagmamaneho ako pauwi bigla ba naman tumugtog yung “ Ako’y sayo at ikaw akin lamang.” Saya diba?
"Alam mo radyo nakakainis ka. Tagos na tagos yung kanta ah."
“Ikaw na ang nagsabi na ako’y mahal mo rin..”
Ang sabi mo ako lang.
“At sinabi mong ang pag-ibig mo’y di magbabago..”
Ang sabi mo walang magbabago kahit na anong mangyari.
“Ngunit bakit sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo?..”
Akala ko ba walang bibitaw. Hindi ako bumitaw at kinaya ko para sa akin, para sa atin pero bakit ikaw pa ang gumagawa ng dahilan na bumitaw na ako?
“Puso’y laging nasasaktan ‘pag may kasama kang iba..”
Sana kaya kong isulat sa bato ang salitang MAHAL KITA at ibato sayo para maramdaman mo kung gaano kasakit na mahalin ka.
“Di ba nila alam, tayo’y nagsumpaan
Na ako’y sayo at ika’y akin lamang”
“AKALA” isang masakit na salita. Akala lang pala ang lahat, akala ko lang pala iyon.
Akala ko mapaninindigan mo yung pangako mo sa akin.. “NA AKO’Y SAYO AT IKA’Y AKIN LAMANG”
Lahat lang pala ng pangako mo akala lang. Nag-assume lang pala ako. Tanga ko lang dahil naniwala ako pero masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang ako kaso sobra-sobra nga lang. Alam niyo ba yung pinakamasakit? “YUNG AKALA MO MAHAL KANYA KASO HINDI PALA, PINASAYA KA LANG PALA NIYA KASI ALAM NIYA MAHAL MO SIYA.”
BINABASA MO ANG
Me and You against the World. ON HOLD
Teen Fiction*this book is on hold or in hiatus because of different reasons. Meet Sab, Isang Niloko at Iniwan. At si Ace, Isang Manloloko dahil sa nangyari noon. Paano kapag pinagtagpo ng Mapaglarung tadhana ang isang Manloloko at isang Niloko? Kaya ba nilang...