Chapter 6: Can I?
Those thousand stars in the sky are really fascinating. Napatingin ako sa dalawang bituin sa langit. Magkatabi ito, yung isa ay sobrang maningning tapos yung isa naman ay nasa tabi lang nito.
Seeing those 2 stars makes me wonder, magkakaroon din kaya ako niyan? Isang tao na nasa tabi ko lang, di ako iiwan.
Andito ako sa nakatayo sa may rooftop namin. Madalas ako dito kapag madaming tao sa bahay. Ngayon kasi yung Christmas gathering nila Mom, lahat ng bussiness clients, partners, staff and employee andito at parang family reunion na din kasi yung mga relatives namin na dito nagi-stay sa france tsaka yung iba dumadayo pa dito. Meron ding mga close friends dito. Parang tradition na nila to na every christmas eve nag-oorganise sila Mom and Dad ng ganitong gathering.
Sobrang ingay sa baba kaya dito ako tumatambay. Masyado ng magulo kaya ayoko pang dumagdag.
Oo, Christmas eve ngayon.
Suddenly, cold christmas breeze touch my skin that makes me shiver.
"Haha, Cold. Nilalamig ako pero hindi na ang puso ko." Bigla kong sabi sa sarili ko. Oo, naka-move on na ako kay Alex.
Kailan ko narealize? 3 days ago, habang nagliligpit ako ng gamit.
'Flashback'
Ako lang mag-isa dito sa bahay, si Mom and Dad namili ng mga kailangan sa Gathering, Yung 2 ko kuya kasama si kuya Harold nakipag-hang out sa old friends nila dito at sila Ate, Nath and Cody nag-mall.
Niyaya naman nila ako, kaso wala ako sa mood lumabas kaya nandito ako sa bahay.
Dahil sa wala akong magawa, nag-ayos ako ng gamit sa kwarto ko. Habang nag-aayos ako ay nakita ako.
Isang box. 'Our Memories ♥' Yun yung nakalagay sa may cover ng box.
Binuksan ko yun at nakita ko yung mga pictures namin ni Alex. Tinaggal ko lahat yung mga pictures na yun at nilagay sa kama at isa-isa kong tinignan.
Una kong kinuha yung foundation week ng RDU, first year pa kami nun. Nakaupo kami sa isang bench sa may garden. Yung kamay namin ay naka-intertwined sa isat't-isa. Tapos nakatingin siya sa akin habang ako nakatingin dun sa mga langit hanagng nakangiti ako.
"Ah, the sky is so beautiful." Sabi ko sa habang nakatingin sa langit.
"Yes so beautiful." Sagot ni alex kaya nilingon ko siya pero sa akin pala siya nakatingin at hindi sa langit.
Yung picture na yon ay si Kim yung kumuha, isang student photographer. Sabi niya nahagip nalang daw kami ng camera niya kaya pinicturan niya kami. Humahanap kasi siya ng mapipicturan sakto nakita niya kami.
Pangalawang picture is yung birthday niya. Magkayakap kami sa dalampasigan.
Sa may private resort nila, siya nagcelebrate.
Nakatayo si Alex sa may dalampasigan habang nakatingin sa dagat. Dahan-dahan ko siya nilapitan at tinakpan yung mata niya.
"Happy Birthday." Bulong ko sa kanya. Unti-unti siyang ngumiti at kinuha niya yung mga kamay ko na nakatakip sa mga mata iya at hinalikan ito.
Hinila niya ako paharap sa kanya at sabay na niyakap. "Thank you." Sabi nito.
"Nasa loob pala yung regalo ko sayo."
"Bakit bumili ka pa ng regalo? Sapat na sa akin, ikaw. Being with you in my life, is the best gift ever." At niyakap niya ako ng mas mahigpit. Eto nanaman yung mga banat niya na lagi akong pinapakilig. Kahit corny minsan kinikilig parin ako.
BINABASA MO ANG
Me and You against the World. ON HOLD
Teen Fiction*this book is on hold or in hiatus because of different reasons. Meet Sab, Isang Niloko at Iniwan. At si Ace, Isang Manloloko dahil sa nangyari noon. Paano kapag pinagtagpo ng Mapaglarung tadhana ang isang Manloloko at isang Niloko? Kaya ba nilang...