Chapter 2
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ko. Pagbangon ko unang-una kong nakita si Alesa, isang teddy bear. Teddy bear na binigay ni alex.
Flashback (1 year ago)
“Ate, ate” May kumakalabit sa akin. Pagkalingon ko isang malaking bear. Yung bear na gustong-gusto ko na nakita ko sa Mall.
“Oh, Bakit teddy?”
“Ate, may pinapasabi si kuya alex.”
“Ano naman yun?”
“Mahal Kita sa Filipino, I love you sa english, 143 sa mathematics, ewan ko lang sa physics. Sa dahon ng sampaguita, sa bulaklak ng gumamela, dun mo makikita ang salitang MAHAL KITA” nagblush naman ako dun. Tae, naman tong alex na to pinapakilig ako.
“Oh, kinilig ka naman.” Binaba na ni Alex yung teddy bear na hawak-hawak niya kanina.
“Ha? Oi, Hindi ah. Ang corny mo nga eh. Kung saan-saan mo napupulot yang kacornihan mo.” Pag-dedeny ko.
“Sus, Di daw. Eh para ka na ngang kamatis oh, ang pula-pula na ng pisngi mo. HAHAHA!”
“Sige tawa pa. Bwisit to.” Nakakaasar. Iniinis pa ako, kasalanan ko bang mamula ako eh nakakaikilig yung sinabi niya, pasalamat siya kinilig pa ako.
“Ay sus, Jelly pa tong babe ko. Kahit mamula ka pa, bumaho ka pa Mahal parin kita. Kaya wag kanang mainis dyan, di bagay sayo. Bati na tayo ha, I love you!” At niyakap niya ako ng mahigpit.
“Oo na, sige na. Bati na tayo. I love you too.” At niyakap ko siya pabalik.
--
Napatigil ako sa pag-aalala nang maramdaman ko na umiiyak na pala ako. Jusko, eto nanaman ako. Alam niyo ba yung feeling na sinasabi mo sa sarili mo na tama na yung iyak at magpakatatag ka? Ginagawa ko yan ngayon pero kahit na anong makaawa ko sa sarili ko ayaw parin eh. Ang hirap pala masaktan, Ang hirap palayain ang isang taong nagbibigay ng saya sayo.
Nagopen ako ng Facebook at ang una kong ginawa ay to change my relationship status. In an Relationship to Single.
Sab went to “In a Relationship” to “Single”
Habang binabasa ko yun, may luha na pumatak sa mata ko at nag-logout na ako.
Pagkatapos yun ay nagayos ako at lumabas sa Condo ko. Yes, Independent ako. Yun kasi ang hinigi ko sa parents ko and besides nasa Canada sila nagsta-stay while yung 2 kong kuya ay nasa New York at yung Ate ko ay nasa London.
May biglang tumawag sakin. Naoatingin ako sa ID caller ‘Nath’, Si Nath yung bestfriend ko.
“Hello..” sabi ko habang nagda-drive.
(Sab, Where are you?) Nag-aalalang tanong sakin ni Nath
“Bakit? Actually nagdadrive ako ngayon”
(Saan ka pupunta? Go to my house now.)
“Why?”
(Kasi, Kilala kita. Alam papunta kana sa ‘D.O at magpapakalasing para makalimutan lahat ng sakit na nararamdaman mo tapos ibubuhos mo lahat sa kawawang bartender lahat ng galit mo.)
Yeah, she’s right. Ganun ako kapag depressed pupunta ako sa ‘D.O or D’Original bar para maglasing. Pero minsan lang ako nagba-bar mag-isa. Tama rin siya na inaaway ko yung bartender. Nakakatawa right? Pero di ko maiwasan eh, sa sobrang lasing napagkakamalan o yung bartender na yung taong galit ko. Kaya nga kilala na ako ni Ben yung bartender dun.
“Okay-okay Ma’am. Papunta na ako.”
(Dapat lang)
“Okay, Thank you.”
NagU-turn ako at nagdrive papunta kanila Nath. And after 20 minutes nandun na ako sa tapat ng bahay niya.
*BEEP**BEEP*
“Hey.” Bati ni Nath nung pagkalabas ko sa Kotse.
“Let’s go inside Nath, I’m starving.”
Nath
“Let’s go inside Nath, I’m starving” Sabi ni Sab sakin.
Alam niyo si Sab kapag depressed yan, unang-una niyang gagawin ay kumain. Kaso kahit anong kain niyan di yan tumataba. Minsan kapag sobrang lungkot niyan mag-aaya yan maginuman pero tutulugan ka naman.
“Oo na po eto na.” Pumasok kami dumeretso ako sa may kusina at kinuha yung mga pagkain at yung alak habang siya nasa sala nanonood.
“Oh, pagkain. Simulan mo na yung kwento”
Huminga muna siya ng malalim bago niya magsalita. “Nath, alam mo ba yung feeling na sinasabi mo sa sarili mo tama na, ayokong nang umiyak at be strong pero ayaw parin?” Yun yung feeling ko ngayon eh.” Huminto siya konti at pinagpatuloy ulit “Alam mo bang ang sakit-sakit dito" sabay turo puso. "Ansakit-sakit makita yung tao mahal mo na may kasamang iba. Fuck this life. Ayos lang naman na makita na magkausap eh. Pero yung naghahalikan, P*ta sobra na yun.” At this point umiiyak na siya. Di ako nagsasalita para ituloy-tuloy niya ang kwento.
“Nath ayos lang kung sa di ko kakilala, di ako ganito masasaktan pero sa ex-bestfriend ko pa. 2 beses na tong ginagawa sakin ng walanghiya na Lanie na yan, putcha. At eto yung gagong alex naman yun sarap na sarap pa habang hinahalikan ng lanie na yun.” This time humahagulgol na siya. Kaya inabutan ko siya ng tissue
“Shet, ansakit pala makita yung taong mahal mo na ganun no. HAHA! Saya ng buhay no. Ansakit-sakit na kung kailan ka nagmahal ulit, na kala mo siya na, kala mo iba siya pero ganun din pala ang gagawin sayo. Na akala mo sasaya ka na sa piling niya pero di pala. Nagmahal ka na nga pero ginago ka pa.” Ngayon ko na lang ulit tong nakita na ganito si Sab. Huli ko nakita to noong namatay si Gab, yung bestfriend niya. “Bwiset kasi si Kupido eh, magpapana na nga lang mali-mali pa. Sa maling tao pa, na pinana pa ako sa isang gago pa. Bwiset na Fate at Destiny na yan nakakabitter.”
“Akala ko ayos na kami, akala ko masaya na kami, akala ko mahal niya ako akala ko kami hanggang sa huli pero lahat pala nun AKALA lang. Isang malaking akala. Tangna, yung pinakamasakit sa lahat yung akala mo mahal ka niya kaso pinasaya ka lang pala niya dahil alam mong mahal mo siya, Yun yun eh. Na plano-plano pa kami kung ano ang manyayari sa amin sa future, dami na naming pangarap na tutuparin namin yun ng sabay pero sa isan iglap nawala lahat yun. Hay, Nakakabitter naman. Tangnang buhay to. Ansaya-saya talaga ng buhay ko” Pagkatapos niyang magsalita uminom na siya ng alak. Hay, kawawa namang tong si Sab. Minsan na nga lang magmahal kaso wala parin.
“Bessy, alam mo everything has a reason siguro kaya nakita mo na sila ngayon para matapos na yung relasyon niyo. para matapos na panloloko niya sayo. Iiyak mo na lahat hanggang wala ng pumatak na luha sa mata mo. Ayos lang maging bitter bes paminsan-minsan. Masakit man pero kailangan mong magmove-on. Mahirap man pero kayanin mo bes. Basta andito lang ako sa tabi mo forever. "
“Thank you bessy, I know. Aylabyouuu!”
“Aylabyouu too. :D”
BINABASA MO ANG
Me and You against the World. ON HOLD
Teen Fiction*this book is on hold or in hiatus because of different reasons. Meet Sab, Isang Niloko at Iniwan. At si Ace, Isang Manloloko dahil sa nangyari noon. Paano kapag pinagtagpo ng Mapaglarung tadhana ang isang Manloloko at isang Niloko? Kaya ba nilang...