Marami na kong nabasang story dito sa wattpad. More than 20 I guess? Pero may isa talagang sobrang nagustuhan ko. Yung "If I Fall" ni Shirlengtearjerky na madalas tawaging ate Leng.
Actually, nabasa/binabasa ko na lahat ng gawa ni ate Leng (pwera lang yung para kay X at kung may iba pa siyang binura), The Despicable Guy (1 & 2) na favorite ng lahat, To all the guys I loved before, yung mga kakasimula palang binasa ko din, pati short stories (favorite ko yung The last Straw tsaka The proposition), pati nga yung 50 Things Guys Don't Know About Girls at yung Curiosity killed the cat (Frequently asked questions) di ko pinalampas. Haha. Pero iba tong If I Fall, sobrang malaki yung impact sakin.
Di ko naman pinapasikat na lahat ng gawa niya binasa ko alam ko namang halos lahat ng fan ni ate Leng ganyan din. Ngayong matatapos na yung If I Fall (two chapters na lang), naisipan kong ilista yung mga reasons kung bakit gustong gusto ko tong story na to. Trip lang to. :) Opinion ko lang po to! :)
1. REALISTIC
Sa lahat ng nabasa ko, ito yata yung pinaka realistic. Ito yung pinakamalapit sa katotohanan. Yung may pag-asang mangyari sa totoong buhay. Based nga sa observations ni Cyrus Casabueno, kadalasan dito sa wattpad, gwapo yung character na may kotse tapos tinitilian ng mga babae, ito namang si bida na girl, maganda, matalino at multi-talented. Like duh? As if namang may ganyang kaperfect na mga tao.
Dito sa If I Fall normal na tao lang yung mga bida, sakto lang, may strengths at may weaknesses din syempre. Isang reason kung bakit gusto ko yung mga gawa ni ate Leng kasi hindi exaggerated. Sabi ko nga, realistic lahat. Hindi based sa Fairytales na sobrang kinaiinisan ni Barbara Ramirez kundi based sa tunay na buhay. :)
2. UNIQUE
Para sakin unique to. HIndi kasi ito yung typical love story sa wattpad tungkol kay Ms. masiyahin na may mammeet na Mr. masungit, o Ms. Inosente mammeet si Mr. Gangster, o Ms. mahirap tapos mammeet si Mr. mayaman (vice versa). Unique to kasi hindi ito yung tipong after 10-15 chapters nagkaaminan na yung mga bida na mahal nila yung isa't isa tapos mag pPBB teens na.
Pag binabasa ko to feeling ko diary to tapos ako naman yung sumusubaybay sa buhay nila. Specific kasi lahat dito di katulad nung ibang story na puro sa love story nag fofocus, ito, malawak kaya mas nakakaenjoy basahin marami ka kasing malalaman.
3. GOOD STORYLINE
Maganda yung plot ng If I Fall, base nga sa unang dalawang reason, realistic at unique ito. Nasasabi kong maganda yung storyline pag hindi ako na bo-bore sa isang chapter, i mean never pa kong na-bore. Ganito kasi yung naramdaman ko sa If I Fall, kahit na yung mga updates ni author e 5-9 pages kadalasan, nag eenjoy pa rin akong basahin.
Meron kasi kong nabasa dito (ayoko ng sabihin kung ano) 10 pages yata minsan yung per chapter pero lahat yon umikot lang sa pag dadate ng bidang characters na puro pampakilig lang, kaya ayon, inip na inip akong basahin unlike nitong paulit ulit kong sinasabing If I Fall, hindi ka talaga tatamaring basahin, bakit? May na-gagain ka kasi, either kasiyahan o kalungkutan para sa mga characters.
4. UNPREDICTABLE
Unpredictable talaga to. Sa sobrang pagiging unpredictable, nakakabaliw na. Kadalasan sa isang story, alam mo na kung sino yung magkakatuluyan sa huli pero ito, grabe, di mo alam kung sino bang partner ni Barbs, si Cyrus ba o si Seth Bello? Minsan nga di pa natin masabi kung may makakapartner nga ba si Barbs e. Diba? Sobrang unpredictable.
Kada matatapos yung isang chapter na update ni ate Leng, laging may inaabangan. Yung tipong nagpakita si Tatin kay Cyrus, ikaw naman tong si abang kung anong pag uusapan nila, o yung sinabi ni Nine na "I'm leaving", todo abang din tayo at syempre todo abang tayo dun sa mga bida.
BINABASA MO ANG
Why shirlengtearjerky's If I Fall?
HumorReasons why I like shirlengtearjerky's "If I Fall"