Chapter Two

49 3 0
                                    

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Daig ko pa ata ang nasa hot seat dito.

Can someone tell me ba't ako napasok sa ganitong sitwasyon?

"So miss, kung hindi talaga kita nakilala tatakbuhan mo na talaga ko? Di ka man lang ba naawa sa bulag?"

Ang galing pang mangonsensya. Hindi ko naman ginustong takasan siya, I just don't have the gut to talk to him in another embarassing moment.

"I'm so sorry okay, tsaka ikaw naman ang nakabunggo sa akin." Walang kwentang pagdadahilan ko, minsan talaga duda na din ako sa takbo ng utak ko. 

"Bulag ka din ba miss, hindi mo man lang nakitang may dadaan sa harap mo, holding his blind stick? Really?" He sipped his drink while giving me an annoying look, as if telling me I just did the dumbest thing of all. 

"Ang dami mong alam." I whispered. 

"Bulag ako, hindi bingi."

Na co conscious na ako sa tingin ng mga tao. Nakakawala ng composure.  Nakakainis naman kasi 'tong lalaking to dinala pa ko sa coffee shop na 'to. If I am not just feeling guilty I won't come.

"Pwede na ba 'kong umuwi ha? Nag sorry na rin naman ako," Well, di na dapat ako magtanong. Aalis na talaga ako.

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ko sa kamay.

Binawi ko naman agad ito mula sa kanya.

"Ihatid mo 'ko pauwi."

"Ayoko. Anong oras na may pasok pa ko bukas. Tsaka, I don't even know you."

Tumayo naman ito sa kinauupuan niya na ikinagulat ko.

"Hi I'm Dylan and you are?" Wika niya habang iniaabot sakin ang kamay niya

"I'm no one." I replied lazily. Wala akong balak makipagkilala. 

"Nice name. Nice meeting you no one,"

'Di ba 'to nakakaintindi ng joke.

"Magkakilala na tayo, hatid mo na ko No one," he even emphasize "no one" how dare him.

"Ayoko, asa ka naman,"

Tuluyan na kong tumayo at lumabas sa coffee shop. Not even giving him last glance. 

Nagpara ako ng taxi, sasakay na sana ako ng magawi na naman ang aking tingin sa loob ng establisiyemento.

Madalas hindi ako namamansin ng tao, pero may konsensiya naman ako. This would be last encounter with that guy. 

"Ay kuya, hindi na po pala ako sasakay, may hinihintay pa po pala ako,"

Muli akong bumalik sa loob ng coffee shop at muling umupo sa iniikupa kong upuan kanina.

"Akala ko ba aalis ka na?"

"Alam mo nagtataka na ko kung bulag ka talaga, pano mo nalamang ako to, aber?"

"Dahil sa amoy mo,"

"Naliligo ako."

"What I mean is your perfume."

Hindi ako nakasagot. Nanatili naman ang titig ko direkta sa mata niya.

"Oh natahimik ka dyan,"

"Wala. Tara na hahatid kita,"

"Let's go then," I stopped. He smiled. But that is not the weird thing, his smiles... looks familiar...

Tumayo na ko at inalalayan siya.

"You don't need to this,"

"Ang gulo mo eh no, sabi mo ihatid kita tas sasabihin mo di ko naman kailangang gawin. Ano ba talaga?"

"What I mean is helping me, I can do it, I'm used to it ."

"Kaya mo naman pala e, edi uuwi na ko,"

"Pero walang 'kong sinabing kaya ko umuwi mag isa," 

"Ni wala ka ngang kasama kanina, ibig sabihin kaya mo mag-isa."

"No buts, ihahatid mo 'ko." Wow, desisyon.

Nang makalabas kami sa coffee shop, naglakad lang kami papunta sa bahay nila. Sabi niya malapit lang naman daw. 

Tahimik lang kaming naglalakad, hawak ko siya sa braso at ako na rin ang naguide kung saan siya dadaan. Hassle kasi kapag ginamit niya pa yung blind stick niya.

He keeps on talking about random things, na kesyo kabisado niya daw yung daan mula sa park pauwi sa bahay nila, na kilala niya daw yung nag titinda ng fishball sa tapat ng school namin. he even told me that there was a kid in the park who fell from the swing. 

" You know what, I'll always pray na sana nagkaroon na lang ako ng kapatid diba? Edi sana lagi akong may kasama at sure ako na papayag yung umalalay sakin lagi, kapatid ko siya eh,"

I don't know, I don't really think I had a good bonding moment with my brothers. Now, I'm wondering if they were looking for me. But there is  a part inside me craving for their warmth. Well, family would always be family. 

"Ang daldal mo e no?"

Tumawa naman siya. Di ko napigilan na tingnan ang mukha niya.

Hindi ko maikakaila, gwapo 'tong taong 'to, halatang may kaya. Nung araw na sinabi niyang inaway ko siya ay di ko na nga mabilang kung ilang babae ang umirap at masama ang tingin sa akin. Ang weird nga nila, nagpapaganda sila para sa lalaking 'to e hindi naman sila nakikita. 

Patuloy lang kami sa paglalakad when someone callled his name. 

"Dy!"

Napalingon naman kaming dalawa sa sumigaw. I saw the girl waving as if Dylan would see him. 

"S'an ka galing? Uuwi ka pa lang?" the girl asked as she ran towards our position. 

Nakita ko naman ang pag ngiti ng katabi ko. Pretty. His smiles...it's pretty...

"Dyan lang, ikaw ang saan galing, gabi na,"

"May tinapos lang na project, ano sabay na tayong umuwi?" 

Binitawan ko na rin naman ang braso niya. I think my job here is done, at least I can go home now.

"By the way, Tin meet No one, No one this is Tin, kababata ko, kapitbahay ko din,"

Tin gave me her hand and her sweetest smile. She's beatiful, papasa na nga siyang model. 

I accepted her hand and smile back. 

"Oh pano ba yan, di na kita ihahatid," and this would be the last time I want to have him in my sight. Isang araw pa nga lang madami na 'kong ginawa na hindi ko naman ginagawa. 

Natawa naman siya ng mahina. 

"Sige na mauna na ako," paalam ko.

Nakalakad na ko ng ilang hakbang ng muli akong lumingon at sumigaw.

"Hey! It's Sandy, not No one,"

Hindi pa rin maalis ang ngiti niya. Pati nga mata niya nakangiti na rin ata.

"Noted kaibigan ni Spongebob at Patrick,"

Tumalikod na ulit ako at nagsimulang maglakad papalayo. 

"Loko."

I took a cab and went home.
Oblivious of the fact that a smile is drawn in my face.

---

Get You The MoonWhere stories live. Discover now