Prologue

91 3 1
                                    

"Grabe Sandy ang gaganda ng kuha mo,"

Napatingin naman ako sa katabi ko na talagang nakatuon ang atensyon sa pagtingin sa mga kuha kong larawan.

"Akin na nga yan, tama nang kalokohan ano namang maganda dito?," kinuha ko ang camera sa kanya.

"Duh, can't you see it girl, pwede na ngang ipang contest yan eh," she said as she tried to get the camera back.

"Ipang contest? Nagpapatawa ka ba? Nakita mo yung mga kuha ko? Halos walang buhay. Boring."

I'm just staying the fact, I don't feel anything while looking at the photos.

"Sandiel Romero, ayan ka na naman ah. Ilang beses ba kitang papaalalanan na magaling ka, maganda ka, and... you're mabait,"

Pinipigilan kong sumagot kay Nally. Wala na siyang ibang ginawa kundi i- comfort ako at sabihin na ang galing ko.

Pero ni minsan di ko nakita maski worth ko bilang tao. Ang cringe man pakinggan but that is how I feel... I mean, itataboy ba ko at iiwan kung nakikita nila ang halaga ko?

Badtrip naman oh. Ang drama ko.

"Magaling? Eh pagkuha nga lang ng litrato ang kaya ko. Mabait? Papaalala ko lang sayo, naglayas ako sa amin. Tsaka maganda? Tingnan mo nga ako, loose shirt, jeans, never akong nag suot ng high heels! Mas lalaki rin ako sa mga kapatid ko. Sabihin mo ito ba ang maganda? Wala kang taste ah,"

"Ayan ka na naman eh, ang nega nega mo," Saad niya habang nag sisimula ng ayusin Ang mga gamit niya na nakakalat sa mesa.

"Please lang Nally, stop saying things na magpapagaan ng loob ko. Eto na ko eh, swerte ko na lang kung may tatanggap sa ugali ko,"

"Kaya nga andito ako eh, di kita iiwan,"

I smiled bitterly. Unfortunately, I tend to do things that push people away from me and I hate myself for that.

Tinitigan ko siya, inaanalisa kung nagsasabi ba siya ng totoo.

She stopped, fixing her things when her phone beeped.

"Shit, pinapatawag na ko ni president, sabay tayo uwi ah,"

Hindi ko siya sinagot. Mahirap ma attach sa isang tao na hindi mo sigurado kung mananatili o iiwan ka lang.

Transferee si Nally, baka pag may nahanap siyang mas okay na kasama iwan niya din ako. She's too friendly and she really radiates positivity which I can't have. Not right now.

Nanatili akong nakaupo sa bench na inuupuan ko nang masagi ng paningin ko ang isang lalaki.

Diretso ang tingin niya sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin pero di pa rin siya natinag at patuloy pa rin na tumitig.

Hindi niya ba alam na nakakainis yung tingin niya? Di pa siya tinatablan ng nakabusangit kong mukha.

Hindi sa nag iinarte ako, sadyang nakakailang lang na may titingin sa'yo ng ganon katagal.

Nasa kabilang parte siya at nakaupo rin. Tapat na tapat sa akin.

Di ko na natiis, tumayo ako at nilapitan siya.

"Alam mo bang nakakainis yang tingin mo? Kung hindi, sana ngayon alam mo na. May problema ka ba sakin?" naiinis na sabi ko

"Miss, ako ba kausap mo?" He said as cluelessly.

Galing umarte, mukhang nakapag practice.

"Mukha ba akong joke sa'yo? Sa'yo 'ko nakatingin malamang ikaw ang kausap ko,"

Nakakatanga naman to, pa'no niya kasi malalaman eh di naman siya natingin sakin, diretso pa rin ang tingin niya sa gawi ko kanina.

Lakas naman ng trip ng mga estudyante dito.

Tatalikod na sana ako, handa ng balewalain ang nangyari, ng biglang magsalita yung lalaki.

"Sorry miss, di kasi kita nakikita,"

"What?"

"I'm blind."

---

Get You The MoonWhere stories live. Discover now