8

6K 104 1
                                    

Sydney's POV

Linggo na mgayon at wala akong duty. Maaga naman akong nagising para sana magluto ng almusal namin pero nakita kong nakaluto na pala si Mama ng almusal namin at kasama niya ang kapatid ko.

Agad naman akong napangiti sa kanilang dalawa.

"Ate!" sigaw ng kapatid ko at agad naman itong tumakbo papunta sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

I'm lucky to have a sweet sister like her! Her name is Samara and she's seven years old.

"Good morning! Ang aga niyo pang nagluto ni Mama ng almusal ah. Ako pa sana ang magluluto eh, pero gising na pala kayong dalawa." at binuhat ko na ang kapatid ko papunta sa lamesa.

Ngumiti naman si Mama. "Oo naman, nak. Para makapagpahinga ka naman ngayong araw." sabi ni mama at nilagyan na niya ng kanin yung pinggan ko.

"Ako na po, Mama." sabi ko at ibinaba na si Samara sa upuan.

"Ako na, nak." sabi ni Mama. At nilagyan niya rin ng kanin ang plato ng kapatid ko.

Kami na lang tatlo ang magkasama ngayon dito sa bahay. Kasi iniwan na rin kami ng father ko at meron na rin siyang bagong pamilya, wala na rin naman na akong balita pa tungkol sa kanya. And I'm fine with it, we even survived without him.

Ang nanay ko naman ay isang tindera sa eskwelahan nina Samara, nagtitinda siya canteen. At ako'y nagpapasalamat dahil naitaguyod niya kami ni Samara kahit mag-isa lang siya, lalo na at napagtapos niya ako.

"Kamusta na pala ang trabaho?" tanong nito at umupo na rin.

"Okay naman, Ma. Ganun pa rin naman. Medyo busy lang these days." hindi ko pa kayang masasabi kay mama ngayon 'yong muling pagkikita namin ni Bright, baka magalit siya sa akin.

"Mabuti naman, nak. Basta ha pag nakakapagod na talaga, matutong kang magpahinga sa trabaho." at nginitian ako.

"Oo naman, Ma. Kayang-kaya ko 'to 'no." ngumiti naman siya. "Eh, itong kapatid ko? Kamusta ang school mo ha?" tanong ko kay Samara kasi hindi kami masyadong nagkikita ng kapatid ko dito sa bahay kasi minsan maaga pa akong umaalis at gabi na rin kung makakauwi sa bahay. Maaga rin kasi siyang natutulog kung gabi kaya hindi kami nagkakaabot sa time.

She gave me a thumbs up. "Okay na okay po, Ate! Nakakuha nga ako ng stars kay ma'am nung Friday eh." pagmamalaki nito sa akin.

"Talaga? Very good naman!"

"Opo! And natapos ko na rin po ang homework ko kagabi."

I pat her head. "Very good talaga! Pakiss nga si Ate!"

Lumapit naman ito sa akin. "Mwa!" at hinalikan ko ito sa pisngi. I'm so proud of my sister, she's smart and very understanding especially at her age. I really love her, and also Mama. Sila nalang din kasi ang meron ako ngayon.

"O' siya, kumain na kayong dalawa." sabi ni Mama.

"Yes po, Mama." sabi ng kapatid ko.

Natigil naman kami sa pag-uusap ng may tumawag sa cellphone ko na nasa bulsa ko lang.

Agad ko naman itong tinignan.

It's Tita Beatrice! Nagulat naman ako ng makitang siya pala ang tumatawag sa akin, nakuha niya rin kasi ang bagong number ko noong nakaraang araw.

Tinignan ko muna si Mama. "Ma, sasagutin ko lang po 'to" sabi ko sa kanya.

Tinignan niya naman ako. "Bakit sino ba 'yan?" She asked.

I don't want to lie to Mama but I have to.

I'm sorry Ma, "Kaibigan ko lang po, Ma." I lied.

She nodded. "Sige, Anak. Sagutin mo muna." kaya naman tumayo na ako at pumunta sa sala para doon sagutin yung tawag ni Tita Beatrice, baka kasi marinig ako ni mama pag doon ko sasagutin.

Pagkadating ko sa sala ay agad ko naman itong sinagot.

"Hello Tita?" mahinang pagsagot ko.

[Hello, Sydney? Where are you?] aniya.

"Bakit po Tita? May nangyari po ba diyan?" tanong ko dito.

[Pwede ka bang pumunta sa hospital ngayon?"] parang bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Tita.

"Bakit po Tita? May nangyari po ba kay Bright?"

[Wala naman Hija, pero may sasabihin sana ako sayo kung pwede ka sana ngayon.]

"Tungkol po ba saan Tita?"

[Pwede bang dito na lang Hija, kasi mas maganda pag personal?"]

It seems that I have to see Bright again. But I don't have a choice baka importante 'yong sasabihin ni Tita sa akin. "Ganun po ba, Tita? Sige, pupunta po ako diyan ngayon." sagot ko at hindi rin ako makakatangi sa kanya.

[Salamat Sydney! Sige, hihintayin kita dito room ni Bright.]

"Okay po Tita."

Pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ako sa hapag-kainan.

"Ma, pasensya na po ha. May lakad po ako ngayon."

"Saan ka pupunta anak?"

"Sa hospital po. May emergency lang po, Ma." again, I lied.

"Ang aga naman, anak. Hindi mo pa nga naubos 'yong kinain mo oh." sabi ni mama halatang concerned siya sa akin.

I sighed. "Sorry, ma. Emergency kasi." palusot ko pa.

"Ganun ba? Sige mag-ingat ka ha."

"Opo, ma."

Tinignan naman ako ng kapatid ko. "Ate, balik ka agad ha." sabi ng kapatid ko. Agad naman akong ngumiti.

"Oo naman! Hintayin mo si Ate dito. Pagbalik ko maglalaro tayo ha. Bibilhan kana rin ni Ate ng pasalubong!"

Kumislap naman ang mga nito. "Talaga Ate?!" at mas lumapad naman ng ngiti niya.

"Oo naman."

"Yey!" agad ko naman itong hinalikan.

"Sige na po, magbibihis muna ako sa itaas."

"Sige, Anak." and I already went upstairs to change my clothes.

Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Tita Beatrice. Mukhang seryoso kasi siya kanina habang kausap ko siya sa telepono.

Should I be worried?


A/N: Please vote and comment guys. Thank you ❤️

The Blind Love (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon