48

5.4K 83 5
                                    


Sydney's POV



Ilang linggo na rin ang lumipas bago ang nangyari ang lahat. Everyone was looking for me, pero iniiwasan ko silang lahat. Ilang linggo na rin akong kumukulong dito sa bahay.

Kasi hanggang ngayon, masakit pa rin ang lahat, parang hindi ko pa kaya. Hindi ko na kasi alam kung pano o saan ako magsisimula eh.

Pinakawalan ko lang naman ang taong mahal na mahal ko.

Walang oras na hindi ko naiisip si Bright. Palagi na lang siyang nasa isip ko. Naalala ko yung panahong nangungusap ang mga mata niya sa akin na wag ko siyang iwan, pero iniwan ko pa rin siya. Hindi ko lubos maisip kung paano ko yun natiis lahat at iwanan siya.

I'm so stupid!

Parang pinagsisihan ko ang lahat ngayon, nagsisisi ako na pinakawalan ko siya.

"Anak, pwede ba akong pumasok?" narinig kung tanong ni Mama sa labas ng kwarto ko.

Inayos ko naman ang sarili ko at umupo sa kama.

"Sige po, Ma." at biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.

"Anak, bakit ang dilim na naman ng kwarto mo." sabi ni Mama at binuksan lahat ng kurtina dito sa kwarto.

"Ma, wag mo ng buksan ang mga kurtina." pero hindi ito nakinig sa akin.

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"Ano ba yan, ma." at iniwasan ko ang tingin nito.

"Anak, nasa labas ulit ang mga kaibigan mo at ilang beses nang dumadalaw ang mga yan dito pero ayaw mo naman silang kitain."

"Ma, I just need space."

"Nasa labas sila ulit nak, baka gusto mo na silang kausapin."

"No, Ma. Ayoko pa muna."

"Anak, ano na ba ang nangyayari sayo." nag-aalala nitong tanong.

"Ma, I'm fine."

"Anak..."

"Yes, Ma?"

"Kasalanan ko ba ito?" tanong niya.

"Ma, ano ba ang sinasabi mo?"

"Kasalanan ko ba 'tong nangyayari sayo? Kasi naging makasarili ata si Mama, hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo kapag hihiwalayan mo si Bright."

"Ma, no it's not your fault." sabi ko dito.

"Anak, I'm so sorry. Please forgive me. Hindi ko gustong maging ganito ka." at doon na pumatak ang mga luha ni Mama.

"Ma, shhh." at pinunasan ko ang luha nito

"Anak, kasi simula nang iniwan mo si Bright ay nagkukulong kana dito sa kwarto mo. Ayaw mo namang lumabas, tapos nag leave ka pa sa trabaho mo. Nag-aalala na ako sayo anak, ayaw kung maging ganito ka."

"Ma, gaya nga ng sinabi ko sa inyo. I just need space. Gusto ko lang mapag-isa muna."

"Mahal mo pa ba siya?"

"Tinatanong pa ba yan Ma?" at nginitian ko siya.

"Mahal mo talaga siya ano?"

"Opo, Ma. Sobra."

"Katulad nga talaga kita Anak, yung wagas magmahal."

"Oo naman Ma."

"Pasensya ka na anak ha. Kung hinadlangan ko kayo ni Bright. Pero Anak, kung talagang mahal mo talaga siya..." At napahinto pa ito.

"Ano yun, ma?"

"Hahayan na kita, Anak." at nginitian ako nito.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

"Hahayaan na kitang maging masaya kay Bright. Ayoko na ng ganito anak, ayaw ko ng maging makasarili. Bumalik kana sa kanya Sydney. Balikan mo na ang taong mahal mo." at nginitian ako ni Mama.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa sinabi niya.

"M-ma..."

"Ganito kita kamahal Anak, kaya hahayaan rin kitang maging masaya."

"Ma, salamat po." at niyakap ko siya. Natuwa naman ako ng lubos sa sinabi sa akin ni mama.

"Maging masaya kana ulit anak, sa piling ng taong mahal mo."

"Sana ma, may babalikan pa ako."

"Kung talagang mahal ka talaga ni Bright ay tatanggapin ka niya ulit."

"Ma, natatakot na kasi ako eh."

"Anak, wala kang dapat na ikatakot kasi walang makakatalo sa dalawang taong nagmamahalan."

Nginitian ko si Mama.

"Kaya Anak, ayusin muna ang sarili mo at balikan mo na siya. Be happy, Sydney."




A/N: May comeback na ba?

The Blind Love (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon