12

5.7K 117 2
                                    

Sydney's POV

Pangalawang araw ko na ngayon dito sa pagbabantay kay Bright. And after the argument we had, we became more distant with each other and I think it's for good. Mabuti nalang siguro na ganun nalang.

"Let me see your eyes, Bright." sabi ni Doc at sinuri ito.

"How's my son, Doc?"

Doctor Calcifer looked at Tita Beatrice. "Bright is getting okay. He just needs to heal and he can already go home next week and maybe after two weeks we can already perform surgery." Masayang anunsyo ni Doc.

"That's great news, Doc!" sabi ni Tita Beatrice.

She's also here, si Tito naman daw ay nasa trabaho pa.

"Yeah, and I will leave now, babalikan na lang kita bukas dito Bright."

"Yes, Doc. Thank you." at humiga na si Bright sa kama nito.

Tinignan naman ako ni Doc. Calcifer. "Ang galing mo namang personal nurse." biro nito sa akin. Nakilala ako ni Doc dahil kay Sky, magkaibigan kasi silang dalawa.

"Nako, Doc. Hindi naman." at tumawa.

He chuckled. "Hinahanap kana ni Sky. Labas daw kayo mamaya." he said. 

"Oo nga eh, nag text din siya sa 'kin." ilang araw na siyang nag-aaya pero di ko pa mapagbigyan.

"He's free later, pumuntahan mo nalang." aniya.

I nodded. "Sige, Doc."

"Alright, sige ah. Alis na muna ako. Madami pa kasi akong pasyente."

I just nodded at tuluyan na itong umalis.

"Kilala mo pala yun, Hija." biglang napabaling sa akin si Tita.

"Ah, opo Tita.

Nginitian niya naman ako. "I heard everything, Hija. Sino 'yong Sky manliligaw mo ba iyon?" mapagtuksong tanong ni Tita sa akin.

"Ah hindi po, Tita." sagot ko.

"Talaga, Hija?" At nginisihan ako kaya bigla naman akong namula. Ganito kasi ako kapag tinutukso.

"Opo."

Napatawa naman si Tita Beatrice sa akin. "Namumula kana oh, ikaw ha. Mag dadate kayo mamaya ano." pang-asar pa sa akin ni Tita.

Hindi talaga siya nagbabago. Mapagbiro pa rin siya hanggang ngayon. "Nako, si Tita talaga—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang napabalikwas si Bright kaya napatingin kami sa kaniya.

"Are you alright, Bright?"

"Mom, kailan nga pala pupunta dito 'yong mga kaibigan ko."

Kaya napatingin si Tita sa kanya. "Bukas pa daw, anak." mga kaibigan niya? You mean them? Hindi pa ba sila nakakabisita dito?

"I see."

"Can Mommy leave you now, anak? Babalik din kami mamaya ni Daddy mo dito mamayang hapon." sabi ni Tita.

"Yeah, I'm good."

Lumapit naman si Tita sa akin. "Ikaw na ang bahala kay Bright ha. Babalik din kami mamaya ni Tito mo Green." sabi niya.

"Sige po Tita."

"Sige, aalis na ako ha." at umalis na ito.

Kaya kami na lang ni Bright 'yong natira dito.

Nakahiga na ito at nakatingin sa kisame.

Hindi ko alam kung ano ang nasa isip nito ngayon.

Nakita ko naman 'yong ointment sa tabi ng kama nito kaya naalala ko na hindi ko pa pala ito nalalagyan kasi biglang dumating kanina si Doc kaya hindi ko na naituloy.

Lumapit naman ako dito. "Ah, Bright. Lalagyan muna kita ng ointment ha." paalam ko dito at kinuha ko na yung ointment.

Hindi lang ito kumikibo. He just let me do my thing.

Nanginginig pa yung kamay ko habang nilalagyan ng ointment yung mga sugat niya.

I'm wondering kung bakit dalawang araw ko na rin na hindi nakikita ang asawa dito.

Kaya ba ganun nalang kung magalit si Tita sa kaniya? Kasi she's not always around?

Ano ba ang ginagawa nun at napapabayaan niya na ang asawa niya dito.

"Just tell me if it hurts." sabi ko pero hindi pa rin ito nagsasalita.

"And we're going to put some eyedrops later."

Minutes passed at nagulat nalang ako ng bigla itong nagsalita. "Sydney." I suddenly felt my heart race when I heard him call my name.

"B-bright."

"You've known me for several years now, do you think I am a bad person?" he asked out of nowhere.

I am confused. "What? No! What are you asking me this?"

"May sumira ng break ng sasakyan ko and that's the reason why I get into an accident." biglang sabi nito sa akin at nagulat naman ako.

So, it was not an accident!?

"Ano? Sino at bakit nila 'yon ginawa sayo?"

"I don't know. But my parents are on it now."

Who could do this to him!? "May nakaaway ka ba? May naiisip ka bang suspect?."

"I don't know."

"Isipin mo Bright." at niyugyog ko pa ang braso nito.

Pero natauhan ako sa ginawa ko. Kinakabahan naman ako baka kasi magalit siya sa ginawa ko. "Wala talaga akong maisip."

"We should catch the suspect, baka sa susunod ay kung ano pa ang magawa nun sa'yo." I said sincerely.

I heard him chuckle. "So, you still care for me, huh?" at nakita ko pa itong ngumisi.

I don't know if it's a good thing that he can't see me right now because my face is all red!

"Oo naman, I'm your personal nurse eh."

Nakita kong nawala yung ngisi sa mga labi niya. "So, you are saying that you only care for me kasi you're my personal nurse, isn't it?"

"Hindi nama—"

Bigla itong nagtiim bagang. "Pwede ka na rin namang umalis ngayon eh at para makapunta ka na dun sa date mo." at tumingin ito sa kabilang banda.

What is he talking about? "What?"

"Sige na, you can leave now. Hihintayin ko na lang si Mommy."

"Ano ba ang sinasabi mo diyan ha."

"Sige na, leave."

"No, I won't leave you here." besides hindi pa natatapos shift ko.

"Diba may date ka pa?"

"Anong date ba yung pinagsasabi mo diyan."

"Yung sabi ni Doc."

Bigla naman akong napaisip sa pinagsasabi nito.

Maybe he's referring to Sky. "Ah, si Sky ba. Nako, hindi naman yun date. Kakain lang kami sa labas nun."

He chuckled. "Ano pa ba ang tawag dun, edi date din yun." bigla namang nanlambot yung puso ko.

I don't want to assume pero mukhang nagseselos ito. Ganito kasi yung inaasta niya kappag nagseselos ito noon sa akin but it's too impossible now.

He's already married at mahal niya ang asawa niya. I shouldn't feel this way anymore.

"Hindi ako aalis ngayon, okay?"

"Tsk. Pwede ka na ngang umalis."

"Tumigil ka na nga diyan, Bright. Hindi kita iiwan dito." at bigla kong diniinan ang pagpahid ng ointment sa sugat niya.

"Aww." at napaaray naman ito.

"Huwag mo namang diinan."

Bigla naman akong napangiti kasi it feels like I'm just talking to the guy I love before.


A/N: Please vote and comment.❤️

The Blind Love (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon