Magbalik: Joaquin at Lucas

415 20 4
                                    

Kauuwi ko pa lamang galing America. Iba talaga ang simoy ng hangin dito sa Santa Elena. Napangiti na lang ako pagbaba ng kotse. Hindi ko sinabihan ang pamilya ko na ngayon ako uuwi.

Ngayon ay ika-28 ng Abril taong 1989. Ilang taon na rin pala magmula noong ako ay lumisan patungong America. Matatas pa rin akong magsalita ng Tagalog.

Dumeretso ako sa mansion at napasigaw bigla ang mga katiwala namin nang makita nila ako.

"Anak ng! Joaquin! Ikaw na ba iyan?"

"Ikaw talagang bata ka! Hihimatayin ang lola mo kapag nakita ka!"

"Sorpresa nga kaya hindi ko sinabi na darating ako," natatawa 'kong sabi.

"Ano ba ang kaguluhan diyan? Bakit ba kailangan ninyong magsigawan?" Rinig 'kong boses ni lola.

Napatitig sa akin si lola at nanlaki bigla ang mga mata niya na parang nakakita ng multo. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit.

"Apo! Bakit hindi mo sinabing uuwi ka ngayon! Hindi man lamang ako nakapag-handa!" Naluluhang sabi ni Lola Esmeralda.

"Sorpresa nga! Huwag na po kayong umiyak lola! Hindi ba, dapat masaya kayo dahil umuwi na ako?"

"Ikaw talaga Joaquin! Napaka-pilyo mong bata ka! Kung nabubuhay pa ang mga magulang mo, tiyak na nakurot ka na sa singit!"

Maganda pa rin si Lola Esmeralda. Hindi nga halata na lola na siya dahil bata pa siyang tignan. Maaga kasing nag-asawa ang aking lola.

Matagal nang patay ang aking mga magulang dahil sa isang aksidente. Pumunta lamang ako sa America para ayusin ang negosyo namin doon. Americano kasi ang napangasawa ni Lola Esmeralda kaya kitang-kita sa dugo namin ang magandang lahi hahahah.

"K-Kuya Joaquin! Ikaw na ba 'yan?"

Napalingon ako at nakita ko ang aking kapatid na si Miranda. Ngumiti ako sa kanya at agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Kuya naman! Huwag ka na muling aalis ah? Malulungkot ako!"

"Oo naman! Dito na lang ako palagi para alagaan ka! Inasikaso ko lang ang negosyo natin sa America!"

Nakakatuwa, halatang sabik na sabik si Miranda na makita ako. Pati ang mga tito at tita ko ay nagalak nang ako ay makitang muli.

Ako nga pala si Joaquin, 21 taong gulang. Matangkad ako, 6'0. Kapansin-pansin ang maputi 'kong balat at natural ang pagka-pula ng aking mga labi dahil sa dugong Americano.

Gayunpaman, matatas akong magsalita ng Tagalog. Mas gusto 'kong magsalita ng Tagalog kahit na limang taon akong tumira sa America.

Ako ay 16 lamang noong ako ay magtungo sa America para asikasuhin ang negosyo ng aking yumaong lolo na Americano.

Si Lola Esmeralda na lamang at ang aking nakababatang kapatid na si Miranda ang naiwan sa akin. Mayroon din naman akong mga tito at tita na anak ni lola.

Mayroon kaming malawak na lupain. Ito ay plantasyon ng manggang kalabaw. Sa amin nagmumula ang supply ng mangga sa ibat-ibang panig ng Pilipinas. Mayroon din kaming negosyo sa ibang bansa mula sa aking lolo na yumao.

Nakakatawa, gulat na gulat ang lahat ng mga tao sa buong Santa Elena nang malaman nila ang pagbabalik ko.

Tuwang-tuwa ang mga kamag-anak ko sa aking mga pasalubong. Mukhang mas gusto nila ang mga pasalubong kaysa sa akin hahahah.

Naglakad-lakad na lamang ako at nagdala ako ng isang kahon ng tsokolate. May pagbibigyan kasi ako.

Ang lakas ng hangin. Iba talaga ang simoy ng hangin dito sa Santa Elena. Nakakagaan ng pakiramdam. Kaya siguro sagana palagi ang ani ng mga mangga.

MagbalikTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon