Pagbaba ko ng kotse ay nalanghap ko kaagad ang masarap na simoy ng hangin. Oh, it looks like I will enjoy in this place. Today is my 21st Birthday and my parents decided to celebrate here in Santa Elena.
Ito kasi talaga ang hometown nila. Besides, they would like to meet my relatives. Parang reunion lang.
Life is simple here. Ang hina pa ng signal sa phone ko. They decided to spend our whole vacation here. Pumayag naman ako kasi miss ko na rin ang lola ko sa tuhod.
Mamayang hapon ang celebration...
Sobrang spoiled ako kila mama kasi mag-isa lang akong anak at isa pa, matagal daw bago ako ibinigay sa kanila hahhahah.
I'm Jonas, turning 21. Mamaya pa kasing hapon ang celebration ng birthday ko. Matangkad ako, mga 6'0 flat and I have a pale skin because of foreign blood. American daw ang lolo ko sa tuhod.
Ang alam ko, may farm kami ng mangoes dito sa Santa Elena. Matagal kasi kaming tumira sa Manila kaya wala akong masyadong alam.
"Apo, ikaw na ba iyan?"
I look back and I saw Lola Esme. Napangiti na lang ako sa kanya. Bigla niya akong niyakap. Ang sweet talaga ng lola ko sa tuhod.
"I miss you Lola Esme!"
Malakas pa si Lola Esme at hindi pa siya masyadong matanda kasi maaga raw nag-asawa. I also greet my relatives.
"Ang gwapo mo naman apo! Naalala ko tuloy bigla sa'yo ang tito mong si-"
"Felix! Alice! Ito na ba ang anak niyong si Jonas? Oh, ang gwapong bata naman!" Sabi ng isang babae.
"Jonas, siya ang Tita Miranda mo," bulong sa akin ni Dad.
"Oh! Hi po sa inyo!"
Tinitigan ako ng mabuti ni Tita Miranda at parang may naalala siya bigla. What is it? Oo na, I know how handsome I am.
Ang alam ko, hindi nag-asawa si Tita Miranda dahil na-operahan siya sa puso noon. Hindi niya kakayanin manganak kaya nandito lang siya palagi kay Lola Esme.
"Oh siya, magpahinga muna kayo at mamayang hapon ang celebration ng birthday nitong apo ko sa tuhod!"
We went inside and I'm quite overwhelmed. Ang laki pala ng mansion ni Lola Esme. Sobrang bata pa kasi ako noong nakadalaw dito kaya medyo limot ko na.
I saw family portraits...
Nakakatuwa, parang buhay na buhay pa sila sa portraits. Unfortunately, we have relatives who passed away in their early age.
When I walk in the stairs, I stopped in front of a huge portrait of a guy.
Parang bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba sa dibdib ko. Parang kilalang-kilala ko siya pero hindi ko alam ang pangalan niya.
Who is he?
"Siya ang Tito Joaquin mo..."
Napatingin ako sa gilid at nandito pala si Tita Miranda. I can see sadness in her eyes while looking at my uncle's portrait.
"Napansin ko lang, malaki ang pagkakahawig mo kay Kuya Joaquin. Kaya nabigla ako noong nakita kita dahil akala ko, ikaw siya."
Mas tinitigan ko ang portrait at parang ako nga siya. Magkamukha kaming dalawang. There is something strange that I am feeling right now.
"Where is he?" I asked.
She looked away...
"He died when he was at your age. Niligtas niya ang bata na muntik masagasaan. Everyone are praising his heroic act," Tita Miranda said.
BINABASA MO ANG
Magbalik
ContoIf you are given a chance to live again, will you find the person who loved you so much and love him the same way?