Chapter 1

534 7 4
                                    

"Khalil!" Pasigaw kong sambit habang mariin na hinahawakan ang door knob ng kwarto ni Khalil.

Kung hindi lang ako tinatamad, Malamang kanina pa wasak tong pintuan ng emotero kong kapatid.

"Dude! isang linggo ka ng nagkukulong diyan, Binilhan kita ng paborito mong Moshi manju." Yun kasi ang palagi kong nakikita binibili niya so i concluded na paborito niya.

Nakarinig ako ng kalabog sa loob, Mas lalo akong nataranta kaya tinawag ko na si Manang Jane. langya tong lalakeng to, ano bang ginagawa niya?

'Manang! Manang! Dali kuhanin niyo po susi ng kwarto ni Khalil. "

Agad nagtungo si Manang sa guardhouse upang kunin yung spare key. Wala pang tatlong minuto ay nakabalik na si Manang na hingal na hingal pa.

"O, Manang dali inom kayo ng tubig sa baba, salamat pala"

"kayo pa sir pogi, sige ho mauna na ako Kayo na bahala sa kapatid mo."

 nakarinig ako ng Hikbi Mula sa kanyang kwarto.kaya naman dali dali kong binuksan 

Naabutan ko si Khalil na akmang maglalaslas. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko, agad kong sinuway and kutsilyong hawak niya. that was so close!!!

"Khalil! Ano ka ba? Isang linggo Khalil , Isang Linggo ka ng ganyan ! Ano bang poblema mo ha? Kapatid moko, bakit di mo magawang sabihin ha? tapos ngayon magpapakamatay ka? siraulo ka ba?Ano magsalita ka?!"

Naramdaman ko na nasira ang hawakan ng kutsilyong hawak ko, sobrang galit ako, galit na galit pero mas nanaig ang awa, wala akong alam sa nangyari sa kapatid ko.

Flashback

"Hello Pat? napatawag ka? "kasalukuyan akong naglalakad papuntang parking lot, katatapos lang kasi ng soccer practice namin ng makatanggap ako ng tawag mula kay Patrick ang bestfriend ni Khalil

"Dude ! pumunta ka dito dali, si Khalil nakikipagsuntukan, ayaw paawat." Pat

"Ano?? sige , awatin mo hanggat makakaya mo.  "agad kong ibinaba ang telepono at kumaripas ng maneho patungong school nina Khalil, Magkaiba kasi kami ng school though malapit lang naman.

 Ano nanaman kayang gulo to? wala pa naman ako sa kondisyon makipagbasagulo ngayon. Aish

---------

Naabutan ko si Khalil na akmang susuntukin ang lalaking mukhang kaedad naman niya buti at napigilan ko ang kamao ni Khalil kundi baka basag bungo nito. Pareho silang may sugat sa tabi ng labi pero mas may pasa yung kaaway niya na narinig ko ang pangalan ay Kit. Kit Rodriquez, hindi ko agad nakilala pero siya yung lagi naming kacompete sa finals ng basketball noong hindi pa ako nagchange ng sport.

"Sa susunod kilalanin mo ang babanggain mo, Layuan mo si KC!" Khalil

Pinipigilan ko si Khalil pero mukhang napunta lahat ng dugo sa ulo eh , Pulang pula at puro pawis

A Gangster's Sweet Revenge [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon