Alipin Ng Mga Kulturang Mapang-alipin

327 4 0
                                    

Tayo'y parang mga bubuyog sa isang bulaklak
Parang langaw sa isang basura
Mga produktong sa atin ay tinutulak
Tinatanggap natin ng buong galak
Bakit bubuyog? Bakit langaw?
Aba! Basta ba't imported, lahat nakikisawsaw
"Galing Amerika!", "Galing Japan!"
Imported! Imported! Ang sarap pakinggan
Produktong banyaga, sa atin ay pumapaligid
Maging kultura natin tila pinipilipit
Unti-unting naglalaho, unti-unting sinisikil
Masdan mo't, KPOP ang tatangkilikin.

Globalisasyon! Globalisasyon!
Wala tayong kawala, mahirap ang pag-ahon
Hanggang kailan tayo paaalipin?
Mga mata'y kaya pa bang mulatin?
Mga katanungan nawa'y iyong sagutin
Sa Globalisasyon, ikaw ba ay nagpapa-alipin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alipin Ng Mga Kulturang Mapang-alipinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon