Chapter Four

105 4 0
                                    

ALEX'S POV

Nilapitan ko naman siya. It's been 10 years. 10 freaking years nang walang paramdam. At ito siya ngayon, magpapakita sa akin. No freaking way.

"Hey Drae! Kumusta? Hindi mo ba ako namiss?" Nakangiting bati niya sa'kin.

Napapikit ako ng mariin at bigla ko siyang nasampal. Narinig ko naman ang bulungan ng mga kaklase ko. Naramdaman ko namang may humawak sa balikat ko.

"Alex," Rinig kong bulong ni Dexter habang nakahawak pa din sa balikat ko.

Minulat ko ang mga mata ko. At nakita kong naglalakad na siya palayo sa kinatatayuan ko. Hinila naman ako ni Dexter papasok ng classroom namin at pinaupo sa tabi niya.

"Magsabi ka sa'kin ng totoo. Siya ba ang dahilan kung bakit tulala ka kaninang umaga?" Seryosong tanong ni Dexter.

Napatango nalang ako. "Siya din ang nagpadala ng kahon na binigay mo sa'kin kagabi." Nakatungong sabi ko.

"Ano?! Bakit hindi mo sinabi agad?!" Galit na tanong ni Dexter.

"Ayoko kasing makitang nagagalit ka. Ikaw kasi ang pinaka OA sa lahat ng OA. Tsaka hindi ko naman alam na totoong nagbabalik na siya," Nagtitimping sagot ko.

"Alex, alam mo naman kung gaano ka sinaktan ni Lucas diba? Ang akin lang naman, sana mag-iingat ka," Sabi ni Dexter.

"Huwag kang mag-alala. I can handle myself," Sabi ko at ngumiti ng matamis para hindi na siya mag-alala pa.

Si Samuel Lucas Randall, best friend namin ni Dexter. Tatlo talaga kami. Pero sa kanilang dalawa ni Dexter, mas close ko si Luke. Luke ang tawag ko sa kanya, Drae naman ang tawag ni Luke sa'kin para maiba daw. Masaya naman kami noon eh, hanggang sa umalis siya at pumuntang Amerika nang walang paalam. Syempre nasaktan ako nun kaya malaki ang galit ko sa kanya. Alam kong matagal na yun, pero ang ikinagagalit ko, ni minsan hindi siya gumawa ng paraan para makipag communicate sa amin, sa akin. Kaya tinatak ko na sa aking isipan na patay na siya. Ayokong maalala ang masakit na nakaraan nang dahil sa kanya. Buti nalang hindi ako iniiwan ni Dexter kahit ako ang pinaka pasaway niyang best friend.

Maya maya ay pumasok na yung adviser namin.

"Okay class, magkakaroon ng Sports Fest ang Auradon Academy. Magkakaroon ng mga tournament sa iba't-ibang sports, mga paligsahan. At syempre, ang highlight ng sports fest, ang Search for King and Queen of Auradon Academy at ang cheerdance competition. Magkakaroon ng screening ang dalawang main events bukas ng hapon. Ang screening ng pageant ay sa auditiorium, at ang screening ng cheerdance ay sa basketball court," Pag aanunsyo ni ma'am Jessa. Pagkatapos nun ay lumabas na siya dahil marami daw silang gagawin sa faculty.

"Oy Dexter, sali ka sa pageant. I'm sure mananalo ka dun," Masiglang sabi ni Elisa

"Sige ba. Basta sasali ka sa cheerdance," Natatawang tugon naman ni Dexter.

"Sira. Dinamay mo pa ako. Si Alex nalang. Dancer yan eh," Sabi ni Elisa.

"Eh bakit? Nakita mo na ba akong sumayaw?" Natatawang tanong ko.

"Wala pa," Sagot naman ni Elisa.

"Ako nakita ko na siyang sumayaw," Sabat ni Dexter.

Pinandilatan ko siya ng mata. Parang alam ko na kung ano ang mangyayari eh.

"Ayokong sumali," Sabi ko.

"Wala pa nga akong sinasabi eh," Natatawang sabi ni Dexter.

"Alam ko naman yung balak mo eh. Kabaliwan mo talaga," Mataray na sabi ko.

Hindi na sila nagsalita pa pero tawa sila nang tawa.

"Umuwi na nga tayo," Sabat ni Rossleigh.

Sumang-ayon naman kami. As usual, ihahatid ako ni Dexter. No choice siya eh. Tsaka magkapit-bahay lang kami and magkakaibigan ang parents namin. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit welcome na welcome si Dexter sa bahay namin. Pagdating namin sa bahay, agad naman akong bumaba at pumasok sa bahay at pumunta sa kwarto para magbihis. Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ako at nakita ko si Dexter sa kusina na kausap si mommy.

"Mom," Bati ko kay mommy sabay beso beso.

"Oh anak, sabi ni Dexter sasali ka daw sa cheerdance competition," Sabi ni mommy.

Nagulat naman ako at tiningnan si Dexter ng masama.

"Hindi po totoo yun," Depensa ko.

"Hay naku anak. Sumali ka na. Susuportahan ka naman namin ng daddy mo," Pakikiusap ni mommy.

Hayst. No choice. "Okay mom." Walang ganang tugon ko. Kesa naman makipagtalo pa ako kay mommy.

"Kunwari ayaw pa kanina. Gusto naman pala," Natatawang sabi ni Dexter.

Tiningnan ko ulit siya ng masama at binatukan ng malakas.

"Aray! Tita oh. Si Alex nambabatok," Pagsusumbong ni Dexter kay mommy.

"Alex, wag ka ngang ganyan," Sabi ni mommy.

Binelatan naman ako ni Dexter. Inirapan ko nalang siya. Bakit ba kasi ang lakas nito kay mommy eh? Feeling ko tuloy hindi ako ang tunay na anak. Hayst.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito?" Naiiritang tanong ko kay Dexter.

"Syempre. Makikikain. Masarap magluto si Tita eh," Nakangiting sagot ni Dexter.

Aba sumisipsip. Kaya pala ang lakas ng loob magsumbong kay mommy eh.
Umalis na ako ng kusina at pumunta sa sala. Manonood nalang ako ng T.V. Bahala sila doon. Nakakawalang gana tingnan si Dexter eh.

"Alex, ilipat mo nga sa cartoon network baka Adventure Time na," Rinig kong sabi ni Dexter mula sa kusina.

"Ayoko nga. Ano ka, bata?" Naiiritang sabi ko.

Lumapit naman si Dexter at tumabi sa'kin.

"Akin na yung remote," Sabi niya.

"Ayoko nga. Nanonood ako eh," Sabi ko naman.

Akmang aagawin niya yung remote nang biglang bumukas ang front door. Pumasok si Daddy.

"Daddy oh si Dexter inaagaw yung remote," Pagsusumbong ko.

"Dexter, wag ka nang makipag-agawan. Halika nalang dito, tulungan mo akong ihanda itong pinamili kong leche flan," Sabi ni daddy. Kamot-ulong sumunod naman si Dexter. Binelatan ko naman siya. Payback time bishes. Hahaha.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: madam.mlenzii

[COMPLETED] LOVE WINS Book 1: The Title Holder and The CheerleaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon