Chapter Twenty-Two

38 2 0
                                    

ALEX'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang sa kama ko. Wala akong ganang lumabas. Wala ako sa mood ngayon. Nakarinig naman akong may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Alex," Rinig kong tawag ni Dexter sa'kin at saka pumasok. Umupo siya sa may paanan ng kama ko nang naka indian sit. "Ilang oras ka nang nandito sa kwarto mo. Di ka pa nga nag-aalmusal. Nag-aalala na ang mga kuya mo."

Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok sina kuya.

"Alex, kumain ka na," Nag-aalalang sabi ni kuya Ethan.

Umupo ako mula sa pagkakahiga. At tiningna silang tatlo.

"Mga kuya, Dexter, busog pa ako," Pagsisinungaling ko.

"Anong busog ka pa? Hindi ka nga kumain kaninang umaga eh," Nagtitimping sabi ni kuya Tope.

"Kuya," Sabi ko habang nakatingin kay kuya Tope. Alam kong anytime pwedeng sumabog sa galit 'to. "Sige na po. Kakain na."

"Alex, kung kinakabahan ka sa kung ano ang pwedeng gawin sa'yo nung Alberto na yun, nandito kami," Sabi naman ni Dexter.

"Paulo yung pangalan niya hindi Alberto," Pagtatama ko.

"Ah basta, kahit anong mangyari, nandito kami para sa'yo okay?" Sabi ni Dexter at ngumiti.

Tumango naman ako at unti-unting napangiti. Nilapitan ko sila at isa-isang niyakap.

"Salamat talaga at kayo ang nandito para sa'kin kahit napakapasaway ko," Naluluhang sabi ko.

"Opps! Wag umiyak. Di bagay sa'yo bunso. Mas bagay sa'yo ang nakangiti," Nakangiting sabi ni kuya Ethan. Kaya ngumiti na din ako.

Pagkatapos ng madramang eksena namin sa kwarto ko, kumain na kami at nagpasyang umuwi na ng Maynila. Hapon na nang makarating kami sa bahay. Naabutan namin sina daddy at mommy sa sala na nanonood ng T.V.

"Oh nandito na pala kayo. Kanina pa namin kayo hinihintay," Sabi ni mommy.

Tumabi ako kay mommy habang ang mga kuya nasa tabi naman ni daddy.

"Kamusta naman ang reunion niyo nak?" Tanong ni mommy.

Natahimik naman ako at tumingin kay kuya para humingi ng tulong.

"Ahh mommy. Okay naman po. Nag enjoy nga kami eh," Sagot ni kuya Ethan.

"Nag enjoy kayo? Bakit kasali ba kayo ni Tope sa reunion?" Nagtatakang tanong ni daddy.

"Ah. Pinasali na din kasi kami ni Alex. Ayaw niya daw kasi na mabagot kami kakapanood sa kanila," Si kuya Tope naman ang sumagot.

Napatango naman sina daddy at mommy at nagpatuloy sa panonood. Habang kami naman nina kuya ay umakyat papunta sa aming mga kwarto. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama. My gosh, nakakapagod ang biyahe. Maya maya ay tumunog ang phone ko. Si Nica tumatawag. Sinagot ko naman.

"Hello Nica?"

"Alex, nakapag open ka na ba ng fb mo?" Tanong niya.

"Hindi pa naman. Bakit?" Nagtatakang sagot ko.

"Yung video ng pang aaway mo kay Paulo nung reunion nasa facebook," Sabi ni Nica na parang nag-aalala.

"What?! Wait. Ibababa ko muna tong tawag ah," Natatarantang sabi ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot siya kaya binaba ko na yung tawag. I immediately logged into my facebook account. Shems. Totoo nga. And the worse is, naka tag ako. Teka sino tong uploader? Genesis Kiefer Arragones? Related ba 'to kay Paulo? What to do? Pinuntahan ko sina kuya Tope at kuya Ethan sa kwarto nila.

"Kuyaaaaa!!" Sigaw ko.

Nabalikwas naman sila at agad na bumangon dahil sa gulat.

"Ano ka ba naman Alex. Bakit ka sumisigaw?" Naiinis na sabi ni kuya Tope.

"Ehh kasi naman eh. Tingnan niyo nga sa facebook. Kumakalat yung video ng pang aaway ko kay Paulo," Nakabusangot kong sagot.

"Ano?!" Sabay nilang sigaw dahil sa gulat.

Agad nilang binuksan yung phone nila. At gaya ko, sobrang nagulat din sila.

"Naka-tag ka," Puna ni kuya Tope.

"I know. Sino ba kasi yang Genesis Kiefer Arragones na yan?" Naiinis na sabi ko habang padabog na umupo sa kama ni kuya Ethan.

"Kakausapin ko yung kaibigan kong nasa NBI. Ipapa-trace ko kung sino yan," Sabi ni kuya Ethan.

"Talaga kuya? May kaibigan ka na nasa NBI?" Di makapinawalang tanong ko. Eh pano ba naman kasi, hindi naman mahilig lumabas si kuya Ethan.

"Oo nga. Kaklase ko nung nasa States pa kami ni kuya Tope," Sagot naman ni kuya Ethan.

Napatango naman ako. At least diba may tutulong na sa'kin. Hayst.

"Alex, baka may kinalaman si Paulo niyan. Look, Genesis and Paulo have the same surnames. Baka related sila," Seryosong sabi ni kuya Tope.

"Di ko alam kuya," Kibit-balikat na sabi ko.

"Wag kang mag-alala. Gagawin natin lahat para matapos na 'to," Sabi naman ni kuya Ethan.

"Kasalanan ko 'to eh. Ako kasi ang nagsimula ng gulo eh," Umiiyak na sabi ko.

"Alex, naiintindihan ka naman namin. Sobra kang nasaktan dati dahil kay Paulo. At saksi kami sa mga panahon na yun. Sa katunayan nga si Paulo talaga ang nagsimula ng gulo. Kung hindi ka sana niya sinaktan noon, wala sanang gulo ngayon," Sabi ni kuya Ethan habang hinahagod ang likod ko.

"Kahit naman napaka istrikto kong kuya, mahal pa din naman kita. Kaya nga ako pumayag sa ginawa mo nung reunion eh," Sabi naman ni kuya Tope at pinunasan ang luha ko.

Unti-unti akong napangiti. Gumagaan na din ang pakiramdam ko. Nakakatuwang isipin na kahit ganito ako, sinusuportahan pa din ako ng mga kuya ko. Di ko alam ang gagawin ko pag nawala sila.

VOTE | COMMENT | FOLLOW

Facebook: Millen Tuazon
Instagram: madam.mlenzii

[COMPLETED] LOVE WINS Book 1: The Title Holder and The CheerleaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon