ALEX'S POV
Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko nang papasok na ng gate ang kotse ni daddy. Nakita ko naman si mommy sa tabi ni daddy dahil nakababa ang bintana ng seat ni mommy.
"Mommy!!" Excited na bati ko.
"Oh nandiyan ka pala. Tawagin mo ang mga maid para kunin ang mga bagahe ng mga kuya mo," Utos ni mommy.
Pumasok ulit ako ng bahay at tinawag ko naman ang mga maid. Lumabas ulit ako. Nakita kong bumaba si kuya Kristof kasunod niya ay si kuya Ethan. Agad ko silang niyakap.
"Kuyas!!" Masiglang sabi ko habang yakap silang dalawa.
"Grabe ang bigat mo Alex," Reklamo ni kuya Kristof.
Humiwalay naman ako sa yakap. "Grabe ka naman kuya Tope," Nahihiyang sabi ko.
"Can we just go inside? I'm tired. I have a jet lag," Naiiritang sabi ni kuya Ethan.
"Oh tara na. Pasok na tayo," Sabi ni mommy.
Pagpasok namin ng bahay, dumiretso kami sa dining area para kumain maliban kay kuya Ethan na pumunta sa kwarto niya.
"So how's your life in New York?" Tanong ni Daddy.
"Okay lang naman po dad. Medyo mahirap nga lang kasi sobrang hectic ng schedule namin sa Juilliard eh," Sagot naman ni kuya Tope.
"Talaga 'nak? Sa bagay ipinanglalaban din kayo ni Ethan sa mga competition dun eh," Sabi ni mommy.
"So ngayong nakapagtapos ka ng college? Ano ang plano mo?" Tanong ko naman.
"Dito ko ipu-pursue sa Pilipinas ang pangarap ko," Sagot ni kuya Tope.
"What? You are a Juilliard School Graduate in New York tapos dito mo ipu-pursue ang dreams mo?" Gulat na tanong ko.
"Alex, syempre I have to serve the country where I was born and raised and where I found my comfort place and discovered my talent in dancing," Simpleng sagot ni kuya Tope.
"Eh bakit ka pa nag-aral sa New York if you wanted to end up pursuing your dreams here?" Hysterical na sabi ko.
"Alex," Seryosong sabi ni kuya Tope na tilang nagbabanta.
"Okay fine kuya," Pagsuko ko nalang. Mukhang hindi magpapatalo eh.
"Si Ethan kaya, ano ang plano niya?" Tilang nag-iisip na sabi ni mommy.
"Ahm. Parang plano niyang mag model eh. Model kaya yun sa Juilliard," Sabi ni kuya Tope.
"Maganda yun para sa company ng lola niyo tutal we have a clothing line. And perfect timing our company needs a male model for the upcoming collections," Excited na sabi ni mommy.
"Sounds great mommy," Nabigla kaming lahat ng may magsalita. Napalingon kami at nakita si kuya Ethan na bagong ligo.
"Oh hijo kumain ka na," Pag aalok ni daddy.
"Ano po ang ulam?" Tanong ni kuya Ethan.
"Nagluto si Manang Rosa ng paborito niyong ulam," Nakangiting sagot ni mommy.
"Anyway, kelan po ako pupunta sa company?" Tanong ni kuya Ethan.
"Tomorrow will do. I will introduce you to our staffs," Sago ni mommy at napatango si kuya Ethan.
"Tope samahan mo ako sa dance studio natin bukas," Sabi ni daddy.
"Okay dad," Sabi nalang ni kuya Tope.
Hindi ko pala name-mention sa inyo. Our dad is a dancer. He already has a dance studio since he was 21. Debut gift ng parents niya, ng grandparents namin nila kuya. He is still managing the dance studio until now. Nakapag form siya ng dance crew and yes, he is the manager. 20 years na din yung dance crew ni daddy.
"I will make you the leader ng dance crew ko since gusto mong i-pursue ang dancing dito sa Pilipinas," Nakangiting sabi ni daddy.
"Lezzgo dad!" Masayang sabi ni kuya Tope.
Oh diba? Ang saya lang. And soon after I graduate college, I will take over the clothing line. Pagkatapos naming kumain, pumunta kami nila kuya sa sala. Naglaro sila ng video games habang ako naman nagce-cellphone lang. Narinig naming may nag doorbell.
"Ako na," Sabi ko. Ayoko namang istorbohin sila.
Binuksan ko naman ang pinto at nakita ko sina Lyndon at Dexter pinapasok ko naman sila.
"Yow bro!!" Nagkagulo naman sila. Nag fist bump.
"Kamusta na kayo?" Masiglang tanong ni Lyndon.
"Eto okay lang. Gwapo pa din," Nakangiting sagot ni kuya Tope.
Sumali na sina Lyndon at Dexter sa paglalaro nina kuya. Ako naman umupo ulit sa sofa at nagpatuloy na magcellphone.
"Alex kamusta na kayo ni Jacques?" Nabigla ako sa tanong ni kuya Tope.
Nakita ko namang ngumiti ng nakakaloko sina Lyndon at Dexter. Binatukan ko naman sila.
"Aray!" Sabay na sabi nila.
"Mga balak niyo," Naiinis na sabi ko. Bumaling naman ako kay kuya Tope. "Kuya, wala nang kami. Nag break kami 2 years ago."
"Talaga? Bakit kayo naghiwalay?" Tanong naman ni kuya Ethan.
"Eh kasi ganito yun-" Tinakpan ko naman ang bibig ni Dexter.
"Nakahanap kasi ng bago si Jacques," Pagpapatuloy na sabi ni Lyndon.
Nagulat naman ako sa sinabi ni Lyndon. How the hell did he know about that? "Paano mo nalaman yun?" Gulat na sabi ko.
"Dexter told me," Sabi ni Lyndon.
Sinamaan ko naman ng tingin si Dexter na tahimik na tumatawa.
"Pssst sshh. Tama na yan," Pagsasaway ni kuya Ethan. Huminto naman kami.
"So okay ka na ngayon?" Tanong ni kuya Tope.
Ano ba naman 'to. Hotseat lang ampeg? Hayst. "Oo naman kuya. Moved on na ako, 2 years na kaya ang lumipas," Sagot ko.
"Pero nung nakaraang araw nag usap kayo," Sabat ni Dexter.
"Excuse me? FYI, sinabi ko sa kanya na hindi na ako makikipagbalikan sa kanya," Mataray na sabi ko.
"Good choice. Wag kang magpapaloko sa mga gaya niya," Sabi ni kuya Tope.
"Of course naman kuya," Sabi ko.
"Eh si Luke? Okay na kayo?" Tanong ni kuya Ethan.
"Oo naman kuya. Napatawad ko na siya," Sagot ko.
"Wow ah. Parang dati nung umalis siya, grabe yung galit mo. Halos hindi mo kami kausapin," Natatawang sabi ni kuya Tope.
"Oo nga. Napaka drama mo nun eh," Sabi naman ni kuya Ethan.
"Kuya naman eh. Past is past," Kamot-ulong sabi ko.
Nagtawanan naman silang lahat. Kaasar talaga. Binabalik pa talaga nila ang mga nangyari noon eh. Hayst. Aasarin na naman nila ako neto pag pumunta si Luke dito.
VOTE | COMMENT | FOLLOW
Facebook: Millen Tuazon
Instagram: madam.mlenzii
BINABASA MO ANG
[COMPLETED] LOVE WINS Book 1: The Title Holder and The Cheerleader
Teen FictionMax Alexandrae Trinidad at Dexter Antoni Andales. Mga sikat na mag aaral sa Auradon Academy. Si Max ay cheerleader at si Dexter ay title holder sa kahit anong "male pageants". Matalik na magkaibigan ang dalawa. Lagi silang nag-aasaran, madalas lumal...