Chapter 4: Their Gangster Sides

24.3K 387 20
                                    

Aphrodite's POV

Friday na. Ginamit ko ang motor ko papuntang school. Pinarada ko na at tsaka dumiretso sa locker ko. Pagbukas ko may mga envelopes na namang nahulog.

Freakin' love letters. Ugh.

Pero may isang itim na envelope na may logo na paw ng isang wolf. Kinuha ko yun at binasa.

Black Tiger Princes,

Na miss mo ba ako? Wag kang mag-alala, malapit na tayong magkita. Mamayang 6pm, magkita tayo sa lumang factory. Gusto kong makipag laro ng espada at baril sa inyo so get ready my princess.

- Wolf

Na miss raw eh hindi ko pa nga nakita ang magmumukha nitong leader ng Wolf Gang. Well, humanda siya sa pagkatalo niya mamaya.

Itinapon ko yung ibang envelopes. Hindi ako interesado sa mga love letters na yun.

"Aphro!"

"Oh, Corinne?"

"Sabay ma tayo papuntang class."

"Sige."

Lunch...

"Aphro, sabay ka samin?" Jeric

"Sige. Tara." ako

Papunta na kami sa canteen at pagpasok namin.. eto na naman.

"KYAAAAAHHHH!!"

"TRISTAN!! WE LOVE YOU!!!" sabi nung apat na froglets. Yung kapatid ko naman, may pa wink wink pa. Landi talaga kahit kelan. Tsk.

Kaya ayoko dito kasi ang ingay. Para namang hindi nila kami nakikita dito araw-araw. Humanap kami ng table at dun na umupo.

"May sulat akong natanggap kanina galing sa Wolf Gang." ako

"Tungkol saan ate?" Tristan

Kinuha ko yung letter sa bulsa ko tsaka binigay kay Tristan.

"Anong nakasulat??" Corrine

"Sword fight raw mamayang 6, sa lumang factory." Tristan. Tumango tango naman sila.


5:45pm...

Aphrodite's POV

Papunta na kami ngayon sa lumang factory sakay sa mga kotse namin. Ng makarating na kami ay pumasok na kami sa loob at maraming tauhan ang Wolf Gang.

"Hello Black Tiger Gang." bati samin ng lalaking nakamaskara.

"Ikaw ba ang leader??" tanong ko.

"Yes princess. Ang ganda mo pala talaga ano?"

"Wag ka ng makipagbolahan. Magsimula na tayo. Naiinip na ako."

"As you wish."

Tapos tinanggal niya yung jacket niya at nilagay sa gilid. Inabutan kami ng katana tig-iisa.

Pumwesto kami as gitna.


"Akala ko ba gusto mong makita kita? Ba't di mo tanggaling yang maskara mo?" panghahamon ko.

"Wag na princess. Okay na tong ganito. Kung manalo kami, mapapasamin ang rank niyo at kung hindi naman, kayo na ang mamamahala samin."

Tumango na ako.

"First match will be Black Tiger Princess and Wolf."

Kalmado lang akong nakatayo habang hawak-hawak ang katana ko.

Umatake siya pero hindi niya magawang makatama. Inatake ko rin siya at nadaplisan ko ang kamay niya pero pagkalipas ng ilang minuto, nabitawan niya yung katana.

Tinutok ko sa leeg niya yung tip ng katana ko ng akmang pupulutin na sana niya yung katana niya.

"Ops, ops, hindi pwede yan." I smirked.

"Hindi pa tapos ang laban." sabi niya.

Dahil gusto ko ng patas na laro, binitawan ko rin ang katana ko.

"Pagbibigyan kita kasi mukha kang desperado." tapos nag signal ako na sumugod na siya. Unang atake niya ay ang pagsuntok sa mukha ko pero nakailag ako tapos sisipa sana siya pero nailagan ko rin.

Ako na naman ngayon.

Ginawan ko siya ng butterly kick kaya natumba siya. Kukunin sana niya ulit yong katana pero sinipa ko yung kamay niya at nabitawan ulit tapos pinatong ko ang kanang paa ko sa dibdib niya.

"Don't play dirty. Matuto kang tumanggap ng pagkatalo." sabi ko sa kanya.

"O-oo na." tapos inalis ko na yung paa ko.

Ang sunod na lumaban ay si Ray at yung isa pang Wolf gang member. At syempre panalo si Ray.


Ng si Corrine na, nanalo rin siya kaya lang...

BANG

May bumaril sa kanya sa balikat. Shit.

Napahablot rin kami sa mga baril namin pati si Corinne kahit may sugat siya.

BANG

BANG

BANG

Nakipagbarilin at nakipagbugbugan kami sa kanila at ng tumba na sila ay binuhat ni Ray si Corrine dahil tuloy parin ang pag-agos ng dugo mula sa braso niya.

Dinala namin siya sa hospital para ipagamot.


Hospital...

Tinawagan ko sina Mommy pati yung parents ni Corinne. Nandito kami sa labas naghihintay.

"Anong nangyari sa anak ko?" pag-aala ng Mom ni Corinne.

"Nabaril po siya tita pero wag kayong mag-alala. Hindi naman raw masyadong malala sabi ng doktor." Paliwanag ni Tristan.

Nag-usap sila tapos nagpaalam muna ako saglit para lumabas.

Naabutan ko naman si Mom at Dad.

"Aphro, okay lang ba si Corinne?" tanong ni Dad.

"Okay naman raw po Dad. Ang dumi pala maglaro ng gang na yon."

"Don't worry anak. Akong bahal diyan. Tuturuan ko ng leksyon." Seryosong tugon ni Mommy. Kinabahan ako bigla. Iba din kasi 'to.

"Hon, wag na. Baka mapahamak ka."

"Ano ka ba Hon, hindi naman ako ang gagawa. Ang mga tauhan natin." Kumbinsi ni Mommy.

"Magandang ideya yan Ma."


Ang ayoko talaga sa lahat ay yung hindi marunong makipaglaban ng patas. Sinubukan nila kami kaya lagot sila samin ngayon.


At wala akong sinasanto lalo na pag sinasaktan ang mga mahal ko.

Black Tiger Princess 2(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon