Chapter 2 - Farewell

62 0 0
                                    

"Freya..." - lavi

"Yes Arsene?"

"May sasabihin sana ako sayo eh." - lavi

"Ano yun? Good news ba or bad news?"

"Freya kasi...actually bad news." - lavi

"Why?"

- Freya's POV -

Heto na ba ang kinatatakutan ko? Ang mahiwalay sakin yung kaisa-isang childhood friend ko? Huwag naman sana.

"Masyado bang mabigat ang bad news na iyan?"

"Yes...ano kasi eh, malilipat na ako ng ibang school." - lavi

"Why?"

"Hindi na kaya ma-afford ng parents ko yung tuition diyan sa school, medyo di malakas ang kita ng kanilang company kaya mukhang di ko na matutupad ang promise ko sayo na magkasama tayo sa iisang school." - lavi

"So it means..."

"Yes Freya, hindi na kita makikita parati sa school." - lavi

"Sana kinumbinse mo sila na mag-stay ka rito."

"Freya, were still neighbors...magkaiba nga lang tayo ng school na mapapasukan. Yun nga lang ay di na tayo magkakausap lagi, but I'm sure pag sa Senior High babalik ako." - lavi

"Talaga?"

"Oo naman, I'll do my best to catch up with you kahit magkalayo tayo." - lavi

"Thank you Arsene." (biglang yakap)

- Lavi's POV -

Ang sakit lang, ayaw ko sanang iwan si Freya kaso kasi nanganganib yung company ng parents ko eh. Kung di pa ako aalis sa school na un baka maabutan pa kami ng bankruptcy dahil sa sobrang mahal ng tuition. Ganon ba talaga pag nasa Junior High? Mataas ang tuition or sadyang may taong gustong mawala ako sa school na un. Ngayon ay niyakap ako ni Freya, I know it hurts...because hindi ko na siya makakasama araw-araw sa school. Although magkabitbahay naman kami, pwede pa rin kami magkita pero sadyang ang tadhana ayaw sumunod...hindi bale at magkakasama kami ulit balang araw.

"Freya..." - lavi

"Ayaw kitang bitawan sa pagyakap Arsene."

"Basta balitaan mo ako araw-araw about your life ah." - lavi

"Ano ito, reporter lang ang peg?"

"Nakuha mu pang magbiro, seryoso ako dun Freya." - lavi

"Ok...babalitaan kita about sa buhay ko sa school. Basta ikaw, balitaan mo rin ako yung nangyayari sayo diyan."

"No problem, sige balik na ako sa bahay ah. Bye Freya..." - lavi

"Bye, at saka mag-ingat ka rin dun."

Bumalik na kami sa sarili naming bahay, pero sa pagbalik ko ay andun yung Lola Celes ko kasama nila.

"Ang aga niyo naman bumalik."

"Hello my dear apo." - lola celes

"Lola Celes."

"Ang laki mo na hija, matagal-tagal na kitang hindi nakakasama." - lola celes

"Oo nga po eh, ba't po kayo naparirito?"

"Magbabakasyon muna ako dito sa bahay niyo." - lola celes

"Paano yung Celestial Galaxy? Sino magmamanage dun?"

"Relax...ako pa rin ang nagmamanage nun, but I just need a break kaya naisipan kong magbakasyon dito sa bahay niyo." - lola celes

"Kaya ka sinundo nina Mama at Papa?"

"Yes my dear, siyempre napapagod din ang lola mo kaya I need to relax." - lola celes

- Freya's POV -

Mukhang matagalan na bakasyon itong lola ko sa bahay namin, well naintindihan ko naman siya...ikaw ba naman mag-manage ng sikat na restaurant. Siyempre nakakastress un, ano na kaya ginagawa ni Arsene ngayon? Anu ba iyan masyado ko siyang na-miss, eh magkausap lang kami nun kanina eh.

Love Comes from NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon