Chapter 17 - Tensions

52 0 0
                                    

Kinaumagahan ay nagising ako, si Arsene ay nakita kong tulog sa may corner (bale hawak niya ang isang kamay ko at nakayuko lang siya matulog, nakaupo kasi siya nun). After a few seconds, nagising din siya.

"Freya, kanina ka pa gising?" - lavi

"Yeah, medyo...ang cute mo pala matulog Arsene."

"Huh?" - lavi

"Nevermind, sabi mo di ba dadalaw si Claudette ngayon?"

"Oo, atat ikaw? Kumain ka kaya muna ng almusal." - lavi

"Ok."

"Diyan ka lang ah, tawagan ko lang sila." - lavi

"Ah sige."

- Lavi's POV -

Pambihira tong babaeng ito, ang aga-aga ang lakas ng trip...but seriously she said na cute ko pala matulog. Hala...muntik na akong ma-blush ng di oras, ginawa ko na lang palusot na may tatawagan ako para di niya makitang nag-blush talaga ako. But it seems yung palusot na un, right timing because I wanted to call my parents...baka mag-alala sakin yung mga un.

"Hello." - lavi

"Arsene? Ikaw ba iyan anak?" - mama ni Arsene

"Yes Ma." - lavi

"Asan ka? Bakit hindi ka na umuwi kagabi?" - mama ni Arsene

"Ma sorry, hindi ko na kayo na-inform...nasa ospital ako ngayon." - lavi

"Nasa ospital ikaw? Napano ka?" - mama ni Arsene

"Ma, relax...si Freya po ang na-ospital, wala kasi magbabantay sa kanya kaya ako na ang nag-volunteer." - lavi

"Ah ganon ba? Alam na ba ito ng parents niya?" - mama ni Arsene

"Sasabihan pa lang sila ng lola niya." - lavi

"Ok then, ingat ka diyan ah...ikamusta mo ako sa kanya." - mama ni Arsene

"Yes po." - lavi

Nakabalik na si Arsene after niyang tawagan ang parents niya.

"Anu sabi ni Tita Natalie?" (name ng mama ni Arsene)

"Akala niya ako raw yung na-ospital, sabi niya kamusta ka na raw." - lavi

"Eh samantalang ikaw naman talaga ang madalas ma-aksidente noon nung bata tayo."

"Naalala mo pa un?" - lavi

"Oo, lalo na yung muntik ka nang malusot sa manhole."

"Grabe ka Freya, puro kaya ako sugat nun." - lavi

"Taranta kaya ako nun kaya natawagan ko agad si Tita Natalie."

"So sinasabi mo na lampa ako, ganun?" - lavi

"Hala..it's not like that."

"Actually totoo nga, maaaring lampa ako nung bata ako but now...nag-iingat naman ako eh. Lalo na sa oras ng pangangailangan ay need ko ma-protektahan ang aking prinsesa." - lavi

"Anung ka-dramahan naman iyan Arsene?"

"Someday you'll understand." - lavi

"Ok sige."

Mga ilang minuto ay dumating na ang naka-ready na food (hospital food), si Arsene ay pinagmamasdan akong kumain.

"Nagugutom ka ba?"

Love Comes from NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon