Part 2

33.9K 92 1
                                    


Habang nag lilinis ako sa aming bakuran napansin ko ang isang truck na huminto sa katabing bahay naming. Tumigil muna ako sa pagwawalis at tinignan ito.

"Anak? Tapos ka na ba jan?" tanong ni nanay habang nag sasampay sa tabi ng bahay.

"Hindi pa po nay." Sabi ko at nag patuloy sa pag wawalis. Tumingin naman ito sa akin at sa truck na kararating lang.

"Anong meron?" tanong uli nito at lumapit sa tabi ko. "Bagong lipat po." Ani ko nalamang at nag patuloy sa pag wawalis.

"Pagkatapos mo jan, I sampay mo ang mga damit." Utos nito at nag mamadali lumabas papunta sa kanyang kumari na nakikitsismis din.

Napa iling nalamang ako at tinapos ang ginagawa. Napansin ko naman na may bumaba na tatlong lalaki sa loob nang truck. Kapansin pansin ang ka gwapuhang taglay nila at machong pangangatawan habang nagbubuhat nangg gamit.

Ang isang lalaki naman ay tumingin sa akin at ngumiti kaya naman ngumiti din ako. Base sa itsura nito nasa mid 30's na ito. Hindi rin ito mukhang matanda sakto lang.

Habang nag bubuhat sila ng gamit bigla nalamang umulan ng malakas kaya naman nag si pasok kami sa loob ng bahay.

"Ay! Manyak." Gulat na sinabi ni nanay habang nakanganga at nakatingin sa labas ng bahay, napatingin naman ako sa kanyang tinignan at napa nganga din.

Tatlong kalalakihan ang nakahubad ng pang itaas habang nag dadala ng gamit. Napalunok naman ako habang nakatitig sa kanilang mga pandesal na naka display sa aming mga mata.

Halos nag slow motion ang mga butil nang ulan habang naglalandas ito sa matitipunong katawan nila papunta sa mga pantalon nilang bakat na bakat dahil sa ulan. Kapansin pansin din ang malaking umbok sa ibabang parte nang kanilang katawan.

Napatingin naman ako kay nanay nang bigla itong tumikhin. "Bakit po?" tanong ko na namumula ang mukha.

"Baka naman matunaw sila anak." Sabi nito na nakasimangot. Mas domoble naman ang pamumula nang aking mukha at napalabi.

"Nanay naman." Sabi ko.

"Ano pang tinitingin mo. Magsaing kana." Masungit nitong utos. Wala na akong nagawa at umalis nalamang.

Nang lumingon ulit ako, nakasilip parin ito sa labas na para bang sabik na sabik sa nakikita. Napa iling nalamang ako at nag saing.

KAPITBAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon