Part 3

27.7K 81 2
                                    

KINABUKASAN napansin kong wala si nanay kaya naman lumabas ako upang hanapin siya. Nagulat naman ako dahil na sa kabilang bahay ito sa may bagong lipat na kalalakihan. Naka short short ito at naka spaghetting damit. Kapansin pansin din ang malulusog na dibdib ni nanay dahil sa suot na maiking damit.

Panay naman ang tawa nito sa kausap at sabay palo sa mga braso. Nagsalubong ang aking kilay habang lumalapit sa kanila.

"Nay? " tawag ko dito habang papalapit.

"Anak ikaw pala!" magiliw na sabi ni nanay at sabay tawa. Ngumiti nalang ako at tumabi dito.

"Troy, anak ko pala si Agnes. Si troy bagong kapitbahay natin." Pakilala nito sabay hawak sa braso ni troy at ngumiti ng matamis.

"Hi po." nakangiwi kong ngiti. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang pag hagod nito ng tingin sa katawan ko. Agad ko naman inayos ang aking suot na short at malaking t shirt.

"Hi Agnes. Troy nga pala." Nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman ito at alanganin na ngumiti.

"Troy, hindi mo naman sinabi na may magandang bisita tayo." Sabi nang isang lalaki na nakalimutan yatang mag damit dahil naka display nanaman si manong abs. May kasund naman itong lumabas na lalaki gwapo din at nakatingin lang sa akin at walang pang itaas din.

"Si Nicko pala at si carlos pinsan ko. Si Agnes kapitbahay natin at si Allis nanay niya." Pakilala nito sa kalalabas lang na dalawang lalaki.

"Hello sa inyo. Ako pala si Allis but you can call me Alli." Nakangiting ani ni nanay sabay kagat sa labi at tingin sa mga abs nito. Ngumiti nalamang ako at kinalabit si nanay.

Hindi rin naman masyadong katandaan si nanay dahil maaga itong nag buntis sa akin. Sa edad na 17 taong gulang ay nabuntis ito nang boyfriend at hindi pinakasalan. Masasabi din niyang maganda ito at nasa ayos parin ang hubog ng katawan sa edad na 33 years old dahil sa palaging pag e-excerise nito. Kong sa tutuosin ay mukha lamang kaming mag kapatid kapag titignan. Nanlaki naman ang aking mata nang biglang hinawakan ni nanay ang kamay ni Nicko kaya hinila ko ito. "Uwi napo kami. Tara na nay." Ani ko at hinila si nanay papasok sa bahay. "Teka lang anak." Pilit naming tinatangal ang aking kamay sa kanyang braso ngunit hindi ko ito binitawan. Nahihiyang ngumiti ako sa kanila. Mukhang mag kakaroon nanaman ng bagong pantasya ang nanay ko kong hindi niya ito ilalayo sa kanila. At hindi rin naman niya ipagkakaila na kapantapantasya din naman sila lalo na ang naglalakihang abs at braso nila.

Nang lumingon ako napansin kong nakatingin parin sila sa amin habang pumapasok. Nag wave pa si Nicko sa akin habang nakangiti. Kaya naman mabilis kong hinila si nanay papasok. 

KAPITBAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon