Chapter 1

12.2K 488 68
                                    

Tahimik lamang kaming kumakain na dalawa. Ako naman ay masama ang tingin sa kanya ngunit parang wala lamang iyon sa kanya

Sa lahat ba naman ng tao na makakasama ko sa bahay siya pa. Stupid me! Dito ko nga pala siya pinatira ng sinagip ko siya kay Jay

Wala ba siyang balak na bumalik sa Cratidier? Ilang buwan na din siya dito at maayos naman na ang kanyang kalagayan

"I thought bumalik ka na sa Cratidier?" hindi ko napigilan ba tanong. "Hindi ka ba kakailanganin sa Academy?"

Napatigil naman ito sa pagkain at tumingin sa akin. Sa ilang taon na hindi kami magkasama ay wala parin siyang pinagbabago

Siya parin ang dati na Night na nakilala ko. Wala parin siyang kahit na anong emosyon because of the curse

"I'm still enjoying my stay here. I know that my sister and the chief's can handle the academy well"

Sumubo naman ako ng kanyang linuto at napangiti. Masarap pala talaga siya magluto habang ako ay walang kaalam alam sa pagluluto

"Ano ba ang ginagawa mo dito? Nag aaral ka ba? O nagtatrabaho?" muli kong tanong

"Both" maikli na sagot nito

Magsasalita na sana muli ako ng tumayo na ito. Pumunta ito sa may sink at hinugasan ang kanyang sariling pinagkainan

Ako naman ay walang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin. Bumalik naman ito sa kanyang kwarto at ng muli siyang lumabas ay nakasuot na siya ng tuxedo

Napairap na lamang ako ng makita na hindi maayos ang suot nitong necktie. Hindi ko alam ngunit sumunod ako sa kanya sa paglabas hanggang sa garage

Nanlaki naman ang aking mata ng makita na meroong dalawa na Koenigsegg CCXR Trevita, dalawa na Lamborghini Veneno, at dalawa din na Mansory Vivere Bugatti Veyron

Sa pagkakaalala ko isa lamang ang kotse ko dito sa bahay at iyon ay ang kotse ni Kuya Tyron, bakit nadagdagan pa ng anim?

"Kanino ang mga kotse na iyan?" tanong ko sa kanya

"Mine"

"Huh?"

Napatitig na lamang ako sa kanya habang papasok siya sa bugatti. Magsasalita na sana ako ngunit biglang bumukas na ang gate kasabay ng pagpagana niya ng magina

Hindi makapaniwala na napanganga na lamang ako habang nakasunod sa gate kung saan siya lumabas

Si Manang Silva naman ay tumigil sa harapan ko ng may ngiti sa labi. Binigyan ako nito ng yuko bago nagsalita

Si Manang Silva ang taong kasama ko dito sa bahay ng wala pa si Silver. Siya din ang napagutusan ko na mag alaga kay Night dito ng bumalik ako sa Xaurus

"Ayos lang po ba kayo ma'am?" tanong nito

"Saan siya pupunta?" tanong ko sa kanya

"Sa opisina niya po"

Napataas naman ang kilay ko sa aking narinig. "Sa opisina niya?"

"Opo, wala po ba kayong alam?" nakakunot na ani nito

"Alam saan?" tanong ko

"Sa apat na buwan na pamamalagi niya dito ay nagkaroon siya ng negosyo. Sobrang successful po ng negosyo ni Sir"

Seductive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon