Chapter 5

10.4K 448 85
                                    

"OMG!"

Agad kong binusalan ng papel ang bibig ni Nova dahil sa ingay. Napatingin pa nga ang iba namin na kaklase sa aming direksyon dahil sa pagsigaw ni Nova

"Are you serious?" hindi din makapaniwala na saad ni Aly. "Mag asawa na kayo"

Tumango naman ako. "That guy tricked me"

Napatawa naman sina Monique dahil sa aking sinabi habang si Cyrille ay inakbayan ako

"He didn't tricked you, sadyang hindi mo lang talaga binasa ung papel"

Napasimangot naman ako dahil sa kanyang sinabi. Bakit ko ba kasi hindi binasa ung papel?

"Settle down"

Napaayos naman kami ng upo ng dumatin na si Miss Leona, isa sa mga batang guro. Hanggang ngayon ay napakaganda parin ni Miss Leona, marami ang nagsasabing dapat ay nag model na lamang siya

"Bakit ba siya na naman ang guro sa math natin?" naiinis na wika ni Monique. "Pinapahamak pa naman tayo niya lalo ka na Miyuri"

Nagkibit balikat na lamang ako. Maging ako ay ayaw kay Miss Leona, parati kami nitong pinupuntirya. Sa tuwing may recitation parati na lamang ako ang una na tinatawag

Kapag hindi ako nakasagot papalinisin niya agad ako sa CR, maging sa aking mga kaibigan ay ganoon siya

"Our lesson for today-"

Hinayaan ko lamang ito na magsalita sa unahan habang nakangiwi na nakatingin sa kanya. Hindi ko ba alam pero ng una ko pa lang siyang makita ay ayaw ko na kaagad sa kanya

Ilang minuto pa ang lumipas ng makaramdam ako ng pagkapuyat. Nagsimula akong humikab ng humikab at dahil parang matanglawin si Miss Leona ay humikab ako ng patago

Ngunit sadyang matalas ata ang mata nito dahil bigla itong ngumiti ng nakakaloko sa akin

"Miyuri Cy, please answer number 2"

Narinig ko ang kaunting tawa ng aking mga kaibigan habang ako ay napasimangot na lamang

Wala sa loob na naglakad ako sa unahan at kinuha ang chalk bago tinitigan ang problema ko sa board. Hindi ko alam kung ilang segundo ko iyon tinitigan ng muling magsalita si Miss Leona

"Answer it, Cy"

Napakuyom ang aking kamay dahil para bang nangaasar pa ang tono ng boses niya. Magsusulat na sana ako ng kung ano ano ng bigla na lamang bumukas ang pintuan

Lahat kami ay naatingin doon at nakita si Night. Nakatitig din siya sa akin ngunit ng lumapit si Miss Leona ay nag iwas na siya ng tingin

"What is it, Silver?"

"Urgent meeting"

Nakangiti naman na tumango si Miss Leona at kinuha ang kanyang mga gamit. Tumaas naman ang kilay ko ng biglang lumingkis ang mga kamay nito sa braso ni Night

"So sweet of you para puntahan pa ako dito" malanding wika ni Miss Leona

"Sir Chavez order"

Napatawa naman ako dahil sa aking narinig kaya napalingon ng masama si Miss Leona sa aking direksyon ngunit nginisian ko lamang ito ng nang aasar

"One deduction to you Miyuri for not answering number 2. Also, clean the restroom na nasa second floor, now"

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa kanyang sinabi. Paano ko naman iyon masasagutan? E diba aalis na siya tapos kinuha pa niya ung mga chalk

Magsasalita na sana ako ng hinila na ni Miss Leona si Night na mukhang magsasalita pa. Nagulo ko naman ang aking buhok bago lumabas din

Naiinis na pumunta ako sa restroom sa second floor at walang nagawa kundi ang maglinis

Seductive LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon