Chapter 7

4 0 0
                                    

Elle's POV

New morning, new beginning.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Inayos ko lahat ng gamit ko at pagkatapos ay inihanda ang resignation letter ko.

Napatigil ako sa pag-aayos ng gamit nang may tumawag sa phone ko. Medyo nataranta pa ako nang makitang si Mrs. Takahashi ang tumatawag.

"G-Good morning, Ma'am. Is there anything that I can help you with?" Magalang na sabi ko.

"Hello, Elle...our butler is on his way to pick you up and send you to Lei's house. Please wait for him."

"N-Naku, huwag na po Ma'am, okay na po ako." Sabi ko dahil nakakahiya naman. "Atsaka dadaan pa po ako ng school, ibibigay ko po ang resignation letter ko."

"Don't worry about that. Our butlers will take care of it. All of the clearances that you need will be handled by them. So, don't bother about it."

"P-Po? P-pero po..." Iba talaga 'pag mayaman.

"All you have to do now is to assist Lei in his house before he even wakes up. That's an order, Elle." Sabi pa niya.

"Y-Yes, ma'am! Right away!" Sabi ko pa.

Nakakatakot baka may salary deductions pa iyon.

Kakatapos lang ng call nang may bumusina na sa gate namin.

Tumingin ako sa bintana at nakita ang black car na gamit ng mga tauhan ng Takahashi clan.

Nataranta ako bigla at mabilis na lumabas ng kwarto ko. Sakto namang lumabas ang papa ko mula sa kwarto nila ni mama.

"Sundo mo ba 'yon, anak?" Tanong ni Papa.

"O-opo, Papa. Bye! Mauna na po ako...baka po mabawasan ang sahod ko sa unang araw. Bye po!" Sabi ko sabay nagmamadaling umalis.

"O sige! Mag-iingat ka" Pahabol naman ni Papa.

Paglabas ko ng gate ay sinalubong ako ng butler. Yumuko siya at inabot ang bag ko.

"Empress, ako na po ang magdadala ng bag ninyo."

"T-Thank you po." Yumuko din ako sa kanya. Bakit Empress pa rin ang tawag nila sa akin?

Binuhat niya ang mga gamit ko at isinakay sa likuran ng kotse pagkatapos ay pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan din ang ulo ko para hindi ako mauntog.

Para namang hindi ako alalay nito.

Sumakay na din ang butler sa harapan atsaka nagmaniobra papalabas mg kalye namin papunta sa bahay ng CEO.

Kumabog na naman ng malakas ang dibdib ko.

Magkikita na naman kami ni CEO. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita ako?

Kailangang ihanda ko na ang sarili ko.

Pagkatapos ng ilang minutong pagda-drive, narating namin ang isang mala-mansion na bahay ng CEO sa isang malawak din na subdivision.

Grabe siya. Siya lang nakatira tapos ganito pa kalaki ang bahay niya.

Hindi naman siya totally mansion, mas maliit pa rin ito sa bahay ng Great Emperor.

Pero di hamak na mas malaki sa pangkaraniwang bahay.

Kulay puti ang bahay at at sobrang kintab ng mga gamit doon.

"Empress, this way please." Sabi ng butler at sumunod naman ako sa kanya. Sinalubong din ako ng mga maid doon. Isang medyo may edad na at isang medyo bata pa, mga 18 pa lang siguro iyon.

Melting the Frozen Heart (Updating)Where stories live. Discover now