Friends with Benefits. 500 Days of Summer. No Strings Attached. Unofficially Yours. Kung napanood mo na ang mga movies na yan, ako na nagsasabi sayo. Parang ganito din ang storya namin.
Sino mag aakalang posible palang mangyari ang ganyan sa totoong buhay, diba? Masama pa ata na may mga movies na ganyan. Kasi mas lalong nakakapanhikayat, diba?
Ako si Ruth. Sophomore Tourism Student sa Isang sikat na Unibersidad sa Maynila. Palagi nalang hindi maganda ang ending ng relationships ko. At dumating na ako sa point na hindi ako naniniwala sa Love.
Totoo bang may pag ibig? Kung totoo yun, bakit marami ang sawi sa pag ibig? O sadyang mga tanga lang sila?
Ganyan ako mag isip. Nakikipag date ako, pero hindi ko sineseryoso yung mga yun. Oo, nagkakacrush ako. Pero yung lalalalim yung nararamdaman ko para sa kanila?
Hindi pwede.
Ayoko ma-in love.
August 2011. Sa school namin, may Pageant na dinadaos every year. May representative each course. Yung mga representative na yun, mga freshman. So, ligtas na ako! Haha. Dati dapat ako ang isasali nila sa Department namin, kaso ayoko talaga.
Nanuod kami ng screening. Kasama ko ang bestfriend ko, si Jill. Naghanap kami ng Pogi syempre.
At grabe! Pogi ang representative ng Department namin ah!
“Ano pangalan nun?”
“Tommy.”
“Ahh. Pogi ah.”
“Nako Ruth. Wag.”
“Bakit? Hahaha.”
“Wag mong pagtripan. Ayaw mo ma in love diba? Kawawa naman.”
“Bakit sa tingin mo magugustuhan nya ako?”
“Wala ka pang nagustuhan na hindi mo napagtripan.”
“Bad ka!”
Nagtawanan kami. Oo inaamin ko, tama naman ang sinabi ni Jill. Pero bakit ba. Trip lang naman eh.
Sa tuwing nakakasalubong ko si Tommy, ngingitian ko sya. Mukha naman syang mabait. Kasi nginingitian nya din ako.