Chapter 3 For the First Time

6 0 0
                                    

Oo, inaamin ko. Kinikilig ako. Pero hindi. Hindi pwedeng ma-in love diba! Enrollment. Doon lang kami actually ulit nagkita ever since noong screening. Nung nakita nya ako, niyakap nya ako agad.

“Hi Dear.”

Ang bango nya.

“Hello.”

After namin magpa enroll, umuwi kami sa kanila. Finally! Pinakilala nya ako sa mga kapatid nya. Si Lyndsay, Isabelle at Kuya Mark. Grabe, ang bait nila. Kumain kami ng lunch. After noon, nag kwentuhan kami. At doon ko sya mas lalong nakilala.

Hindi pa din sya masyado nakaka-move on sa Ex nya, na yung One True Love nya. Oo, One True Love. Yung tipong baby palang kayo magkasama na kayo. Magkakabata sila, hanggang pagtanda nila, sila. Tapos close na close family nila.

Perfect diba? Pero naghiwalay din sila. Nalungkot ako sa storyang yun.

At simula noon, napaka dami na nyang naging chicks. Oo, mga babaeng tipong napunta lang sa bahay nila para sa.. Oo. Yun na yun.

Feeling ko mas lalo kaming naging close sa nalaman ko. Siguro pinagkakatiwalaan nya ako kaya nya kinuwento sa kin yun.

Naisip ko, oo. Magbestfriend kami! Haha!

After namin magkwentuhan, tinanung nya kung napanood ko na ang Titanic. Nakakahiya man sabihin, pero hindi pa. Haha! So panibagong First na naman yun. Habang nanunuod, nakatulog sya sa lap ko.

Doon ko siya natitigan ng mabuti. Ang gwapo nya pala talaga. At sino mag aakala na kahit napaka chick boy nya, sawi sya sa pag ibig.

Umupo si Lyndsay sa gilid  ko.

“Madami na syang nadalang babae dito no?”

“Oo, pero ikaw ate ang pinaka kakaiba. Kasi pinakilala ka nya sa ming lahat. Tsaka pinakain ka nya.”

“Wow? Hahaha. Ganun?”

“Oo ate.”

Natawa naman ako dun. Tapos, umalis na si Lyndsay, Isabelle at Kuya Mark. May mga kanya kanya silang lakad. Habang tulog na tulog pa din si Tommy.

Nung patapos na ang Titanic at medyo ngalay na din ako, dahan dahan ako tumayo.

“Uy Dear... san ka pupunta?”

“Tatayo lang, nangangalay na ako.”

“Akala ko iiwan mo ako eh..”

Tapos, tumayo sya para gumawa ng merienda. At ako naman ang humiga. Pagkatapos nya gumawa, tumabi sya sa ‘kin. At tumayo ako. At.

At.

At.

Niyakap nya ako.

“Uhmm... bakit Dear?”

“Wala lang.”

Kumain kami. At nanuod kami ng Basketball sa TV.

“Dear, gusto ko panuodin mo ko mag laro ng basketball ha.”

“Sige Dear..”

Niyakap nya ako ulit. At hinalikan nya ako.

Shit.

Ano to.

Ano tong nangyayaring to.

HAHAHA.

Hindi pa kami nakuntento. Umakyat pa kami sa kwarto nya.

Shit. Hahaha.

Hinayaan ko nalang. Nakakamiss din ang ganitong feeling.

Pagkatapos namin, tumayo ako at nagbihis.

“Aalis ka na dear?”

“Hindi.. magbibihis lang ako.”

“Halika muna dito.. Gusto kitang katabi.. Hug mo ko..”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Can't Fall in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon