Chapter 6:Conflict
A/N: Mapapansin kaya nung guy sila Jes.. Hmm!! Tingnan nalang natin ha? Tas eto na yung mga kapatid nya.. nyahahaa.. ≥3≤
Jessele's POV
Si Eleanor tinataas nya ilong ko para lumaki. Si Soph naman tinataas eyeglasses ko. Si Aley naman pinipisil yung pisngi ko.. Sh*t ang sakit. Grabe nakakahiya pa!!
(ˉ(∞)ˉ)
Yan yung itsura ko. Tse ang panget ko na nga, papapangetin pa ko!! Hindi na naawa.. Drama!! :O Leche..
Pag nakita kami nun, sigurado ako turn off yun. Pero kahit hindi naman ako makita eh matu-turn off pa rin naman yun sa mukha ko eh. Sila kuya nga madalas na kong inaasar, yung mga ibang tao pa kaya. Mahirap pala maging maganda.. super ganda talaga.. :'(
Nung nakatawid na yung matanda tas yung bata, nagdrive na siya. As in walang lingon-lingon. Haist!! Buti na lang di ako nakita. Pero..
"Ay!! Di man lang pinansin. Wawa naman kaw friend.. "hilig mang-asar ni Eleanor. Kaya kaaway ko yan eh. Joke!!
"Hindi naman kasi yun yung tinitingnan ko eh.. "pinagpipilitan ko na hindi yun yung tinitingnan ko. Dyan ako magaling, sa mga palusot.
"Ayan na yung cafe shake mo. "sabi ni Aley. Halata namang gutom na kaya iniiba na usapan.
"Eh nasan na pala yung hotcake ko?! "pacute effect naman ako..
"Eto na po!! "dala dala ni Soph yung hotcake. My favorite... Hehehe
Pero di ko pa rin makalimutan..
Di maalis sa isip ko..
Anung meron??
Bat sya nakangiti?!..
Kumain lang kami ng kumain. Yan naman madalas naming gawin. No worry kasi canteen naman yun nila Aley eh..
Sa Mini Resto...
Nandito ako ngayon sa Mini resto. Half-day lang kasi ang pasok ko tuwing friday. Kaya eto, kahit papano tinutulungan ko si Mama dito sa resto namin. Eto lang kasi yung available bussiness na pwede naming pagka-abalahan habang nasa States pa si Papa. Tsaka malaking dagdag na rin to para sa pag-aaral naming magkakapatid. Wala naman na kasi kaming ibang kamag-anak dito sa probinsya. Si Tito Vincent naman nasa abroad din kasama ni Papa na cook. Magaling kasi magluto ang pamilya namin kaya kahit si Mama, nagtayo din ng kahit maliit lang na resto. Malakas din naman at puro mayayaman kumakain madalas dito. Kaya kahit papano nakaka-angat din naman kami.. ^_^
"Pa-order nga ng dalawang caldereta tas rice.. "sabi nung isang kano habang nagpupunas ako ng lamesa.
"Ahh!! Saglit lang po ah!!"
Lumapit ako kay Mama, kaso may nagpapareserve pa eh. Sinamahan muna ni Mama yung costumer dun sa room. Pagkabalik ni Mama sinabi ko na yung order..
"Tawagin mo nga muna si Kuya mo dun sa taas. "
Tumakbo na ko pataas. Si kuya muna yung magbabantay kasi sasamahan ko pa si Mama na magluto, marani kasing orders na sumunod pagkatapos ibigay yung caldereta. Nainggit siguro yung iba!!
"Kuya, magbantay ka daw muna dun sa resto. "Minsan ayaw ko ding isturbuhin to dahil mainitin ulo, pero mabait.. Hehehe
"Bakit? "Syempre sinabi ni Mama na magbantay sya. Baliw ba to.
"Baliw ka ba? Sabi ni Mama syempre!! "
"Bakit ako pinapabantay ni Mama?! "Abay ang daming tanong neto ah.
"Marami kasing orders!! "sarcastic kong sagot.
"Bat maraming orders? "Abay napupuno na ko dito ah.
"Kasi kuya maraming customers. " Syempre may order ba kung wala namang oorder. Shonga talaga minsan si Kuya no!!
"At bakit naman maraming customers? "Ha!! Malay ko ba kung bakit gusto nilang kumain dito. Nababasa ko ba isip nila tulad dun sa I Hear Your Voice.. Psshh >_<
"Ewan ko ba? Hindi ko nam--" pinutol nya agad sinasabi ko.
"Pupunta na ko!! "ang cold ng pagkakasabi. Actually, gwapo talaga si Kuya ko. Lalo na pag nakapamulsa. Ang hot nya tingnan.. Yuck!! Erase
Pumunta si Kuya dun sa back door. Ako naman dumeretso sa kitchen. Teka di ko pa nakikita si Jessa ah. Umuwi na kaya yun.Pumasok na ko tas nakita ko agad si Mama..
"Ma!! Umuwi na ba si Je---"
Ako mismo, sumagot sa tanong ko. Nandun na si Jessa sa loob. Nagbabasa ng libro. Di ko maimagine na nagbabasa tong kapatid ko. Tamad kasi mag-aral tong babaitang to kaya di ko maisip na nagbabasa to.
Tumabi na lang ako kay Mama. Muntik ko pa nga mabasag mga pinggan kasi gusto kong malaman yung binabasa nya. Hinampas ko pababa tas nakita kong parang familiar. Hinampas ko naman pataas pataas para makita ko yung cover..
"Kala ko pa mandin nagbabasa ka.. Pero binabasa mo pala wattpad. Teka san mo kinuha yan? "Parang alam ko kasi yung itsura. Parang yung favorite ko yun ah!!
"Sa shelf mo!! "
"Akin na nga yan!! "
"Peram muna.. "
"Di ka naman nagpaalam eh!! "
"Oh!! Peram na pala pls. "
"Akin na sabi.. "
"Wait lang.. "
"Tigilan nyo nga yan!! "Yan napagalitan na naman kami ni Mama. Bwisit na babaeng to. Bungol!!
"Jes, pumunta ka sa palengke mamaya ah. Wala na tayong mga ingredients dito eh. ""Yes Ma!! "
"Aish!! Mawawala na rin yung maingay.. "Yan na naman yung kapatid ko. Isa rin namang maingay to eh.
"Akin na nga yung book ko. Magna ka talaga.. "
"Ayaw ko nga!! "
"Akin na nga yan. "
"Ayoko sabi eh.. "
"Sabi kong tigilan nyo yan eh. Jes, hayaan mo na lang yang libro. Ikaw naman Jessa, gumalang ka. Ikaw na nga ang nanghiram ikaw pa ang may ganang magalit. "
Sa ganyang mga eksena, panalo ako sa kapatid ko. Bine-letan ko nga lang sya. :P..Blehh!!
"Jes, pumunta ka na sa palengke.. "
Bago ako umalis, inirapan ko na lang si Jessa. Hihi.. Hinampas ko pa yung libro para ma-interrupt yung pagbabasa niya. Ha!! Yung Clash of Campus Royalties pa mandin yung kinuha nya. Magaling akong bumawi kala nyo ba.. Nagkamot lang ako ng batok ko. Mannerism ko na yan.. lalo na kung kinikilig ako..
Naglakad na ko para di na nya ko maasar at mabawian nung babaitang yun.. Hahaha!! >_<
A/N: Nakilala nyo na yung mga ugali ng mga kapatid ni Jessele. Kung di nyo pa alam, may itsura talaga mga kapatid nya..sya lang panget!!
Secret lang yun ah!! Pag nalaman nya yun, bahala ka sa buhay mo. Joke!! Alam nya na yun, matagal na..
Jessele: Anu yun?
Wala.. Oh sige na huwag kalimutang mag...
Vote+Comment+Be a Fan+Smile=Im very very so much duper HAPPY!!
CastingPixie★.♥.★
![](https://img.wattpad.com/cover/27662685-288-kfeee97.jpg)
BINABASA MO ANG
One Sweet Day (OSD)
Teen FictionThis is my first story.. Huwag po kayo mag-alala kasi napakaganda po neto. Hehehe Marami po ang makakarelate dito kasi lahat tayo nakaexperience nito.Kung paano nya nabagi ang ikot ng mundo natin.Kung panong natuto kang maging panibago sa sarili mo...