Chapter 5:Bonding
[A/N: Hehe.. Inuumpisahan ko na po yung new story ko. Kaya expect for long waits for updates ha. Di bale, try ko naman mag-UD agad eh. Love yah!! ]
Jessele's POV
"Miss, Okay ka lang ba? "
Ang sakit pa rin talaga ng likod ko. Tumalsik kasi ako dahil sa pagkabunggo dun sa lecheng kotse. Pero may lumapit sa kin na lalaki. Tumitig sya sa mata ko ng nakakatunaw. Napatigil ako nung bigla nya akong binuhat.
Nandilim na lang bigla yung paningin ko nung nabuhat nya na ako. Di ko na alam ang mga nangyari. Nagising na lang ako dun sa clinic. Nagtanong ako sa nurse kung sinong nagdala sa kin. Sabi nya naman di nya kilala. Lumabas na lang agad ako ng clinic tas dumiretso sa tambayan namin.
Yes, may friends ako. Kaso nga lang kami yung sikat sa mga di naman sikat. Hindi naman kami madalas pinapansin na campus eh kaya okay lang kung saan saan kami pumunta.
Ipakilala ko muna sila.
Ashley Gonzales... ★
Sya yung pinakamataba sa grupo. Hilig mag-pig tail ng buhok. Super protective pero di naman masyadong hot-headed.. Hehe.. Sshh!!
Eleanor Salazar... ★
Magkasing tangkad lang kami. And magkasing payat na rin. Di hamak na mas maputi sya. Huhuhu.. Mahilig mag-tirintas ng buhok. Ewan ko ba kung bakit di nagpapalit ng hairstyle yang mga yan. Curious...
Sophia Rivera... ★
Pareho kami ng hairstyle. Hehe.. Im not the only one. Tsk.. Mahilig makipag -basag ulo.. Protective din gaya ni Ashley.. Hehe. Kahit na NBSB ako, meron naman akong mga kaibigan nagproprotekta sa kin..
Back to reality..... ♥
Gaya ng inaasahan ko. Nandun sila sa tambayan namin. Dun lang naman yun sa puno na may table at saktong dalawang mahabang seats. Sakto for all of us..
Sophia Ashley
Table
Eleanor Me:)
Yan yung position namin. Syempre dun nalang ako umupo kasi walang bakanteng seats. Naghahanap pa.. :'(
Nagulat naman sila pero agad ngumiti. Ang daming tinatanong. Pero di naman nakakasawang sagutin kasi kaibigan ko naman sila..
>>Fast Forward<<
Friday... :)
*krrriiinnnggg*
Yehey!! Lunch na.. Kainan time na naman dyan naman ako magaling eh. Syempre hindi kami kumakain sa campus nuh?! Sa canteen nila Ashley kami kumakain.
Habang naglalakad, sumiklab ang umaatikabong asaran. Napagtripan naman namin si Ashley..
"Aley, may matabang lalaki dun oh.. "sabay turo dun sa matabang guy na kumakain sa mahabang bench na katabi ng resto..
"Ayieee!! Kinikilig na ang bebik namin.. Yiee!! "yan lang yung masabi namin. Si Aley naman halatang naasar na.
"Tse, hindi ko type yan no!! "tapos nauna na sya sa min maglakad.
"Ay!! Ayun oh.. may gwapo dun oh. Nakatingin sa yo!! "bigla naman syang tumakbo pabalik dun sa min. Hehe!! : )
"Nasan?? "as expected yan naman talaga ang isasagot nyan eh.
"Ay! Wala na. Nakita kasi nya si Jessele eh kaya yan tuloy umalis na. "natatawang sabi ni Eleanor.
Leche talaga tong babaeng to. Bigla namang nagalit si Aley. Kaya kinulit kulit namin. Hinahampas hampas pa nga namin sya ng case. Nakakatuwa sya pag-nagtatampo. Pero napatawa din naman namin.
Tas habang patawid na kami, may nakita akong guy. Ang cute nya. Matangkad, maputi, maamo tingnan tas medyo messy yung hair pero cute.
"Awww!! "ang sakit.. Batukan ka ba naman daw ako ni Sophia. Grrr
"Jes, tumatawid tayo. Umayos ka nga.. "sabi naman agad ni Eleanor.
"Opo, Ma'am!! "pero di ko mapigilan tumitig dun sa lalaki kanina.
"PFFFFTTTT!!!! "
Yan!! It means stop. Lahat ng vehicles syempre tumigil. Kung di nyo pa alam, nakasakay si cute guy dun sa motorbike. Di kasi uso sa campus namin ang mga kotse. Kaya kahit papano eh hindi ako mukhang kaawa-awa kasi may mb naman ako.
Tumakbo agad ako dun sa canteen nila Aley. Syempre dun parin ako uupo malapit sa bintana. Binaba ko na yung bag ko tas yung case ko sa lamesa. Naka-patong yung mukha ko sa palad ko habang nakatingin ako ay este nakatitig pala habang nakatigil pa rin yung mb nya. Madami kasing tuamtawid. Inunahan ko na kasi agad sila para titigan ko lang to. Ang cute nya kasi feeling ko naiinlove na ko. Tas may tumawid pa na matanda tas tinulungan nya. Bumaba pa talaga ng mb nya para tulungan lang yun ah. Ang bait naman... :)Yiee!!
"Hoy!! Babaita, ano na naman ang eksena mo dyan ha?! "binatukan na naman ako ni Sophia. Ang sakit na ah!! Kanina pa to.
"Eya! Ayun yung tinititigan ni Essele oh! Ayun, bilis tingnan mo."
Bat nakita din ba ni Eleanor yun. Leche huli na naman ako neto. Isip ng palusot Jes, mag-isip.. Ting!!
"Ayiee!! Si Jes namin, umasenso na.. Ayiee!! "hindi lang yan basta ganyan ah. May kasamang batok na naman yan. Aishh!! Headache na to..
"Huh? A-ano kasi.. y-yung motorbike nya ano.. Kasi ang ganda.. oo ganun nga ang ganda. Tama ang ganda nga.. "bat ba nauutal ako. Buti na lang may palusot agad akong naisip.. Hehe.. Sana tumalab!! Lord!! Sana po tumalab.. Pls.. -_-|★
"Dami mong alam Jes. Palusot mo walang effect.. Sayang!! "anu daw?! Walang effect!! Ebig sabihin alam nilang yung lalaki tinititigan ko.. WTH!! Lagot na ako neto. Mamaya asarin na nila ako.. Amp!!
"Hoy! Tingnan mo nga to! Maganda ba sya?! Oy!! "
"Tingnan mo sya oh!! Haha.. Uy! Tingna mo sya!! "
"Maganda ba sya? Uy!! Tingin ka dito.. Uy!! Maganda ba sya?? "
Yan yung pinaggagawa nila sa kin. Si Eleanor tinataas nya ilong ko para lumaki. Si Soph naman tinataas eyeglasses ko. Si Aley naman pinipisil yung pisngi ko.. Sh*t ang sakit. Grabe nakakahiya pa!!
(ˉ(∞)ˉ)
Yan yung itsura ko. Tse ang panget ko na nga, papapangetin pa ko!! Hindi na naawa.. Drama!! :O Leche..
A/N: Masaya ba? Tandaan ang formula of CastingPixie ah!!
Vote+Comment+Be a Fan=Super Mega Happy... ^ω^
Kaya huwag mag dalawang isip na suportahan ang story ko. Mahal na mahal ko kayo!! Sabihin ko na lang kapag nai-publish ko na yung next story ko. Thnxz po sa inyo!! Huwag kalimutang mag-vote and mag-comment... Hehehe:))HAPPY 4EVER ata ako...
CastingPixie★

BINABASA MO ANG
One Sweet Day (OSD)
Roman pour AdolescentsThis is my first story.. Huwag po kayo mag-alala kasi napakaganda po neto. Hehehe Marami po ang makakarelate dito kasi lahat tayo nakaexperience nito.Kung paano nya nabagi ang ikot ng mundo natin.Kung panong natuto kang maging panibago sa sarili mo...