Chapter 2

22 2 1
                                    

Hello dears! okay makikiinsert lang ako.
Thank you so much sa inyo na nagbabasa ng TSOL! Tiyaga lang tayo hah at malapit na tayo sa totoong storya. More on backgrounds kasi yung Chap 1 at ngayon naman ay eto na talaga... Dito na magsisimula ang mga kabaliwan at ang mga adventure nina Dia at White. Kaya kapit lang!

Next stop! Lanniare Kingdom...




Dia

"Eto naman ang magiging silid niyo. Tatlo talaga kayo diyan pero umuwi kanina yung isang kasambahay at bukas pa ata ang balik kaya kayong dalawa muna ang magkakasama ngayon. Nandiyan na rin ang mga gamit niyo pati ang mga bago niyong uniform. Tandaan niyo ang mga house rules kung ayaw niyong malagot sa mayor doma." tumango naman kami kay Shiela bilang tugon sa pagkahaba-haba niyang speech.

Kasalukuyan kaming tino-tour ni Shiela sa buong palasyo at last stop na namin ang aming silid. Salamat naman! Buong araw ata kaming naglilibot at hihinto lang para kumain ng pananghalian. Pagkatapos ay babalik na naman sa paglilibot at pakikinig sa nonstop speech ni Shiela.

Mabait naman si Shiela at may kagandahan ding taglay. Nasa twenty plus na ata ang edad niya at isa siyang earth manipulator. Hindi katulad namin na walang kapangyarihan. Kitang kita pa namin kanina kung paano niya pinagalaw ang mga vines sa garden. Muntik na kasi itong pumulupot sa mga roses na sabi niya, ay paborito ng mahal na reyna.

"Kung may gusto kayong itanong ay hanapin niyo lang ako. Ito nga pala ang susi niyo. Maiwan ko muna kayo dito." pagkabigay niya sa susi ay tumalikod na siya at naglakad paalis.

Napahinga ako ng malalim saka humarap kay White na napatingin din sakin. Sa totoo lang, hindi naman talaga namin kailangan pang maglibot para mafamiliarize ang lugar. Alam namin ang mga pasikot sikot dito. Hindi nila alam na dito kami lumaki ni White.

"Well, Magenta. This is the day. Laban?" napataas ang kilay niya nung binanggit ko ang kaniyang temporary name pero kalaunan din ay ngumiti siya.

"Oo naman Thea. Laban!" napatawa nalang kami habang papasok sa magiging silid namin. Not minding the memories we remembered earlier during our tour.

"Ano? bagay ba?" tanong sakin ni White na ngayon ay rumarampa suot ang handmaid uniform niya. Ang cute niyang tingnan! Para siyang anime na nakatakas sa TV!!

Kulay puti ang uniform ng mga handmaid dito sa palasyo. Sa totoo lang para itong isang dress na three inches above the knee ang taas. May partner itong kulay blue apron na nakatali sa waist at hairnet na blue din ang kulay. Ginagamit ang hairnet sa buhok naming nakabun pero hindi sa whole hair area kung hindi sa bun lang talaga. Oh diba? Ang cute. Tapos pinaresan pa ito ng puting sapatos.

Samakatuwid, hindi talaga mukhang mga ordinaryong kasambahay ang mga kasambahay dito. Ano raw.?

Eh kasi naman sa uniform palang nila mukha na silang mga anime cosplayers. Ayy hindi lang pala sila, pati na rin ako.

"Ang cute mo Magenta. Para ka namang isang anghel sa suot mo." sabi ko kay White sa isang nagbabait baitang tono. Eh kasi naman, mabait si Thea eh. Hahaha

"Heh! Ewan ko sayo babae ka. Hindi bagay sayo ang mabait. Tara na nga at baka hinahanap na tayo ng mayordoma. Pagagalitan pa tayo nun." Napatawa nalang ako sa inasal ni White. Ayaw niya raw kasi sa pangalan niya eh kaso 'yon ang binigay na pangalan ni lolo Sildo kaya ayun, wala siyang choice. Ako naman, okay lang! Halos katunog lang din naman ng totoong pangalan ko ang Thea eh.

Pagkalabas namin sa silid pumunta na kami sa dining area kung saan kami nakaassign na maglinis. Yun kasi ang sabi ni Shiela kanina. At exactly six o'clock ay dinner ng royal family. They'll be finished at exactly seven o'clock and by that time, it is our time to shine. For short, oras na para linisin namin ang dining room.

The Story of LanniareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon