Dia
"Nakakainiiiiiiiiiiiiiiiiisssss!!!!!!" gigil na sigaw ko habang pinapalo-palo ko pa ang unan kay White na halos mamatay na sa kakatawa ngayon.
Namumula na nga yung mukha niya. Hmmmp!!
"Eh kasi naman...Hahaha .. stupid! hahaha oh my gosh.. Naluluha na ako." Bruhang 'to. Hindi na nga makapagsalita ng maayos. Hawak-hawak niya pa tiyan niya ngayon. Mukha tuloy siyang patay gutom na natuluyan.
Ikinuwento ko kasi sa kaniya yung nangyari kagabe. Alas kuwatro ba naman ng madaling araw eh kinukulit na niya ako. Kesyo daw bakit ako umuwi kagabi na basang-basa at mukhang tinakasan ng dugo. Hindi naman siya naniwala sa'kin kasi noon paman pinangarap ko nang makatagpo ng isang prinsipe. Baka daw minulto lang ako nung palakang hinalikan ko years ago.
Tumayo nalang ako at kinuha ang tuwalya sa aparador. Maliligo nalang ako! Mamatay siya sa kakatawa diyan.
Matapos ko maligo nakita kong nakatayo si White sa harap ng banyo. Medyo kumalma na siya ngayon pero kitang kita ko pa din yung pamumula ng mukha niya. Ano ba kasing nakakatawa sa sinabi ko? Kinuwento ko lang naman sa kaniya yung tungkol sa lalakeng nakita ko kagabi. Pagkabanggit ko sa word na prinsipe, bigla nalang siyang humagalpak ng tawa. Dinamay na naman kasi yung palakang nabiktima ko noon.
"Pinapatawag tayo ng mayordoma. Punta daw tayong center garden mamaya." sabi niya. Kaya naman pala tumino ang babaeng 'to. Tumango lang ako sa kaniya. Ayoko nang humaba pa ang usapan namin at baka masaniban na naman siya.
Umupo muna ako sa kama naming double deck saka sinimulang magsuklay ng buhok. Ang haba na pala ng buhok ko. Ilang taon na rin itong hindi nagugupit kaya naman ay hanggang bewang na ang taas nito.
Naalala ko na naman yung nangyari kagabi at bumabalik na naman ang inis na nararamdaman ko. Pagkatapos ba naman akong sabihan ng stupid ay bigla nalang itong tumayo at naglakad paalis. Kung talagang isa siyang prinsipe, bakit parang ibang pagkatao naman ata ang sumanib sa kaniya? Hindi bagay para sa isang prinsipe ang attitude niya! Ilang sandali din akong natulala doon, ang bilis din naman kasi ng mga pangyayari at hindi rin ako makapaniwalang muntikan na akong malunod. Natauhan lang ako nung biglang may nagkokak sa tabi ko. Paglingon ko sa aking kaliwa, diretso akong napatayo nang marealize kong ang lapit na ng mukha ko sa palakang iyon.
Ano bang meron sa mga palaka at parang ang close ko naman ata sa kanila? Haysstt! Hinding hindi na talaga ako pupunta doon. Ever!
Pagkatapos maghanda ni White ay naglakad na kami papunta sa pavelion. Pinatawag kasi kami ni mayordoma kanina. Ang sabi pa ay magdala daw kami ng walis. Tiyak na maglilinis na naman kami nito.
Dumaan muna kami sa Tool Lock. Dito nilalagay ang lahat ng mga kagamitan sa palasyo mapapanlinis man o pandigmaan. Kung titingnan sa labas, para lang itong isang maliit na tool shed ngunit pagkapasok mo sa loob, mas malaki pa ito kumpara sa dining room ng palasyo!
Nasa harap na kami ng pinto at pipihitin na sana ni White ang doorknob nang may biglang nagsalita.
"Oppss opss!!" Tumingin si White sa'kin, nagtatanong ang mga mata.
"Bakit?" ani niya. Umiling lang ako sa kaniya. Ba't ako ang tinatanong niya? Hindi ko naman kaboses yung nagsalita. Kumunot naman ang noo niya. Pustahan hindi na naman 'to naniniwala.
"Eh sino pa bang kasama ko? Alangan namang ako? Ano yun? Ako mismo pumipigil sa sarili ko?"
"Mukha ba akong si Alvin ng The Chipmunks?" pagdedefend ko sa kanya.
"Ang cute niyo..." ayan na naman yung boses. Parang kumakanta-kanta pa. Napalingon kami ni White sa likuran. Wala namang tao ah! Bigla akong kinilabutan.
BINABASA MO ANG
The Story of Lanniare
FantasyIn a place where powers, magic, and different kinds of enchantment are present, balance is hard to maintain. One may seek stronger power and others, the same. In the Kingdom of Lanniare, three gems are kept safe to maintain the balance of their wor...