Dia
"The king wants to talk to you.." sabi ng prinsipe kaya sumunod kami sa kaniya.
Pagkatapos ng kontrobersiyal na anunsyo ng hari ay bumalik na sa normal ang lahat. Though mayroon pa din akong naririnig na pinag-uusapan pa rin ang balitang iyon. Nag-aargue sila kung magiging maayos ba ang pamamalakad ng paaralan kung isasali pa ang ibang lahi doon. Yung iba naman ay kumakampi sa desisyon ng ministry at ng hari.
Mapapansin din na mas tumaas ang sigla ng piging dahil doon. Tiyak akong dahil iyon sa mga bisita na nasisiyahan din sa balita. Karamihan kasi rito ay galing sa apat na villages.
Nagkakasiyahan ang lahat habang kami naman ni White ay hindi alam kung sasabay ba kami sa kasiyahang iyon o hindi. Napakachallenging na ng haharapin naming journey pagkapasok namin sa Lanniare knowing na may mga kapangyarihan na elementals ang mga makakasama namin. Pa'no nalang namin poprotektahan ang mga sarili namin sa mga kapangyarihan nila? Edi tigok kami kapag nangyari iyon.
Tapos ngayon pati mga Witch, Elves at Fairies, makakasalamuha na rin namin araw-araw! Hindi lang iyon. Pati mga bampira dito sa Lanniare.
Vampires...
Pilit kong iwinaksi ang ideyang bigla nalang pumasok sa isipan ko. Baka naman masyado lang akong advance mag-isip. Gaya nung sa mga fairies, maling mali ang expectation ko.
Maybe things won't go the way I expect them to be. Ganun naman kasi ako palagi, I expect too much to the point that sometimes, I get disappointed.
Ano naman kung iba't ibang lahi na ang papasok sa academy? Mabuti nga iyon dahil the more, the merrier! 'Di ba? 'Di ba? 'Di ba?
Isa pa... 'Di ba?
"Greetings, your Majesty..." bati namin ni White at marahang nagbow sa harap ni Uncle Winston.
"Are you two enjoying the party?" nakangiting tanong nito.
"Yes your majesty--...." habang sinasagot ni White ang tanong ni uncle Winston, napatingin ako sa lalakeng katabi niya.
Wrong move dahil nakatingin din pala siya sa'kin.
Ipinukol ko nalang ang tingin ko sa ibang direksiyon saka ibinalik ang tingin sa hari. Ba't parang bigla nalang uminit dito?
Pilit akong napangiti nang tumingin sa'kin si uncle Winston.
"Your papers are now settled and you are already enrolled in Lanniare Academy. I just want to wish you good luck since pupunta na kayo doon mayamaya lang."
Napahinga ako ng malalim sa sinabing iyong ni uncle Winston. I guess we need to prepare ourselves. Dahil pagkapasok namin doon ay wala nang atrasan. Hindi na kami pwedeng bumalik pa. Ano pa bang bago? Simula't sapul wala naman talaga kaming choice. Hindi namin kagustuhan na maging guardian at hindi kami nabigyan ng pagkakataong pumili sa kung anong gusto namin. Hindi naman kami napipilitan. Sanay lang talaga kami na sumunod nalang sa agos dahil ito ang nakatakda para sa amin.
All we have to do is live it. Kahit natatakot. Dahil ganito na ang buhay noon pa. If one won't strive to live, then one cannot survive.
Tahimik kong pinagmasdan ang mga bulaklak dito sa labas ng pavilion. Hindi ko namalayan ang oras at madilim na pala. Mag aalas siete na ng gabi at papunta na sana kami sa harap ng palasyo dahil doon naghihintay ang sundo namin papuntang Lanniare Academy. Akala ko nga sa isang portal na naman kami papasok pero kanina lang ay nilapitan nalang kami ni lolo Sildo at sinabing maghanda na at aalis na kami. Hindi na daw namin kailangang bumalik sa handmaids' quarter dahil nakaayos na ang mga gagamitin namin sa academy, kasali na dun ang mga damit.
BINABASA MO ANG
The Story of Lanniare
FantasíaIn a place where powers, magic, and different kinds of enchantment are present, balance is hard to maintain. One may seek stronger power and others, the same. In the Kingdom of Lanniare, three gems are kept safe to maintain the balance of their wor...