Chapter 9

100 7 0
                                    

AMOR's POV

Naaninag ko sa 'di kalayuan sila Aleng Rosie na halata ang paso sa bandang mukha. Binubuhat nila ang bangkay ni Jerico at Renz papasok sa kubo. Naintindahan ko kaagad na doon nila iniimbak ang mga bangkay. Pinapanalangin ko na sana ay buhay pa si Tristan at hindi ako nawawalan ng pag-asa na maaaring buhay pa nga siya.

Hinintay ko munang matapos maghakot sila Aleng Rosie tsaka ako humanap ng tyempo. Nang nasiguro kong wala nang tao sa labas o paligid, dali-dali akong tumakbo at saka sumuong sa silong ng kubo. Laking pasalamat ko nang gawa lang sa pinagtagpi-tagping kawayan ang dingding kaya madali ko naaninag ang mga nangyayari sa loob.

Napatakip ako sa bibig upang pigilan ang iyak nang makita kong parang karne ng hayop na tinatadtad si Christian. Habang nakatambak naman ang mga bangkay na wala nang ulo. Ngunit dahil sa kasuotan, alam kong sila ang mga kasamahan ko. Hinanap ng mata ko ang kasuotan ni Tristan ngunit 'di ko mahagilap. Mas lalo akong nabuhayan ng loob.

Napagdesisyunan kong umalis sa pagtatago sa silong upang ipagpatuloy ang paghahanap. Nang bandang palabas, sumabit ang manggas ko sa nakausling pako kaya wala na akong nagawa kundi punitin nalang ito.

Napasinghap ako nang tumambad sa harapan ko si Aleng Rosie na nanlilisik ang mata akong tiningnan. Ngunit agad din ito napalitan ng gulat nang madapo ang paningin niya sa bandang balikat ko. Taka kong tiningnan ang balikat ko ngunit wala namang ibang kagulat-gulat kundi ang tattoong hugis ulo ng kalabaw.

************

************

Minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman kong may basang tumulo sa bandang hita ko at ang matalim na bagay na dumikit sa aking tiyan. Bumungad sa akin ang mukha ni Tristan. Umiiyak.

Nangangalay ang mga kamay ko kaya batid kong naka-tali ang mga ito. Tinitigan ko ang matalim na bagay na siyang ikinagulat ko. Hawak-hawak ni Tristan ang kutsilyo habang nakatutok sa'kin, G-gusto niya ba akong saksakin?

"T-Tristan." Nangingilid ang luha kong tinawag siya baka sakaling magising siya sa kan'yang pagkahibang.

"B-babe. I-im sorry. I'm sorry" Mas lalo siyang napaiyak at mabilis na tinapon ang hawak na kutsilyo at saka ako niyakap nang mahigpit. Pagkatapos ay kinalagan niya ako kaya dali-dali ko siyang niyakap pabalik.

Nagdikit ang aming mga labi ngunit hindi pa din tumitigil sa pagtulo ang luha ni Tristan.

TRISTAN's POV

Hindi ko siya kayang saktan. Hindi. Mahal ko si Amor at wala na akong pakealam. Marahan ko siyang hinahalikan ngunit 'di ko pa din matigil ang aking iyak.

Hanggang sa naramdaman ko ang mga kamay niya. Hindi haplos kundi ang pagbaon nito sa aking puso. Kalapit n'un ay ang paghiwalay niya sa aming mga labi. Tinitigan ko ang mukha niyang dating maamo. Ngunit ngayon ay may nakapaskil na nakakakilabot na ngisi.

AlingawngawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon