Chapter 3

128 5 0
                                    

     "Islas de Centaurus?! I thought you hate beaches" Ni minsan ay hindi ko pa narinig ang pangalan kaya naman agad ko itong hinanap sa internet. Walang masyadong impormasyong lumabas bukod sa matatagpuan daw ito sa Norternmost Ilo-ilo. 'Di ko mawari kung anong pumasok sa kukote nitong jowa ko at bigla nalang naisipang pumunta sa naturang Isla. Alam ko naman na hilig niya na ang mag- explore kahit noong kabataan niya pa lamang ngunit bukod sa hindi masyadong kilala ang lugar, napakalayo nito.

      "We're not going there for the beach. We will explore dear."

      Gusto ko sanang umalma pero baka magbago pa ang isip niyang magbakasyon. Labag man sa kalooban ko, sumunod nalang ako sa gusto niya. Kung sabagay, maganda ding malayo muna sa siyudad at magpalamig sa islang kahit 'di ko pa napupuntahan, batid kong may sariwang hangin.

*******************

*******************

    Dahil sa lokasyon ng lugar, nawalan ng gana ang karamihan sa mga empleyado na mas ikinatuwa ni Tristan. Mas maganda daw kung kaunti lang ang sumama para 'di masyadong maingay. Eh hindi ba't mas mabuti kung marami kami? Lalo na't estranghero para sa amin ang lugar. Balak ko sanang isama ang malapit kong kaibigan na si Lina ngunit wala daw magbabantay sa inaanak ko. Wala na akong pwedeng isama dahil si Lina lang naman ang taong malapit sa'kin. Si Tristan naman, wala na siyang kaibigan dahil nga mas ginugol niya ang oras niya sa trabaho. At tulad ng sabi ko, medyo naging ilag na din siya.

    Dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang magdesisyon siya sa lokasyon ng lugar. At ngayon eh kasalukuyan na naming sinusuong ang karagatan upang makarating sa Islas de Centaurus. Sabi ng nagdadrive ng bangka, aabutin daw kami ng dalawang oras at kalahati bago marating ang lugar. Dahil sa nagsi-atrasan ang iba naming kasama, labing isa lang kaming lumalayag ngayun na alam ko namang hindi din nila gusto ang lokasyon ngunit sumama lang upang makatakas sa trabaho. Maliit lang na bangka ang sinasakyan namin kaya naman damang-dama ko ang malamig at masarap na hangin. 'Di ko napigilang antukin kaya't sumandal ako kay Tristan at hinayaang magpalamon sa antok.

******************

******************

    "Babe." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang maramdaman ang haplos ni Tristan sa mukha ko. "We're here."

   Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at nakarating na nga kami. Kaming dalawa nalang ang natitira sa bangka kaya tumayo na ako upang bumaba kasabay niya.

   Simple lang ang mga tao dito. Tipikal na pamumuhay sa Isla. Kapansin-pansin ang mga mangingida na sa aking wari ay kadadating lang din dahil sa mga isdang nakatambak pa sa mga bangka nito pati mga taong mapabata man o matanda na sumasalubong upang tumulong. 'Di ko alam kong bakit pero sa tingin ko ay upang mapartehan sila ng huli o 'di kaya'y mga mamimili ng sariwang isda na sadyang nais lang tumulong.

   "Anong gagawin natin dito. Gosh!" Bigla akong lumingon kay Tanya nang narinig ko ang maarte niyang reklamo ngunit bigla ding tumahimik nang sawayin siya ng boyfriend nitong si Josh.

   Tininganan ko din ang iba pang mga kasamahan namin at napansin ko ang pagkabagot nila. 'Di ko sila masisisi. Parang wala namang masyadong tourist spot ang lugar na ito dahil wala kang makikita na mga turista sa paligid. Pahirapan din ang pagsakay dito. Kung hindi pa binayaran ni Tristan ng triple ang bangkang sinakyan namin kanina, ay tiyak hindi kami makakasakay. Pero malay natin. Baka may tinatagong ganda ang lugar na ito.

   "Wait here. Renz and Christian, come with me." Tawag niya sa dalawa naming kasamahan na agad din namang sumunod.

   Sinundan namin ng tingin sila habang tinutungo ang mga habal-habal na nakatambay. Tinawag nila ang pansin ng mga driver na malugod din namang lumapit. Ngunit bigla akong nagulat nang napansin ang reaksiyon ng mga driver nang magsalita si Tristan. Ramdam ko ang takot at kaba nila kasabay ng mabilis na pag-iling na nagpapakita ng pagtanggi. 'Di ko na napigilang lumapit upang maki-isyuso pati na din ang ibang mga kasamahan namin. 

AlingawngawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon