Chapter 2

198 7 0
                                    


     Bigla akong bumalik sa ulirat nang tumunog ang elevator hudyat ng pagbukas nito ng pinto. Agad akong lumabas upang tunguhin ang opisina ng aking boss na kasalukuyang kasintahan ko din.

     Pagbukas ko ng pinto, bumungad ang seryosong mukha ni Tristan na mataman pa ding nakatitig sa computer. Wala namang bago. Napaka-workaholic niya mula nang maulila siya. Bukod pa du'n, nawalan siya ng pake sa mga nakapaligid sa kan'ya. Masyado siyang nalugmok sa kalungkutan ngunit dahil pareho kami ng dinanas, bilang kan'yang sekretarya, malaki ang pagkakataon kong madamayan siya na sa 'di inaasaha'y umabot ng aming pagkamabutihan. Lumaki ako sa bahay-ampunan kaya't alam ko ang pakiramdam ng walang mga magulang. Kung tutuusin, alam kong mas masakit ang mawalan ng mga magulang na sobrang napamahal na sa'yo. 'DI tulad sa kalagayan ko na wala namang kinilala simula't sapul kaya't 'di ako masyadong nasasaktan. Hindi din naman nagkulang sila mother Theresa na bigyan ako ng pagmamahal na kailangan ko.

     "Babe." Bati ko nang nakangiti na siya namang pagsukli niya ng malapad ding ngiti sabay tayo upang bigyan ako ng halik sa pisngi tulad ng aming nakasanayan. Sa akin lang siya ganito. Kahit ang ngumiti. 'Di dapat pero natutuwa ako.

     "You heard the news? Angelica of marketing department was found dead." Balita ko sa kan'ya.

    "Oh. Send flowers to her funeral in behalf of the company." Tipid niyang sagot na medyo ipinagtaka ko. Batid kong hindi talaga siya nagpapakita ng emosyon para sa ibang tao ngunit hindi lang ba siya magugulat? Na kung iisipin, ay empleyado niya ang nasawi. Gan'un pa man, hindi maaalis ang katotohanan sa reaksiyong pinakita niya na wala talaga siyang pakealam kay Angelica kahit na alam kong nilalandi siya nito. Lihim akong napangiti.

     Agad siyang bumalik sa kan'yang pwesto at ipinagpatuloy ang ginagawang trabaho. Tinitigan ko siyang mabuti at ngayun ko lang napansin ang pagpayat niya. Bagama't gwapo, hindi maikakaila ang pagod na pagod na hitsura nito. Masyado niyang binababad ang sarili sa trabaho at ako ang nag-aalala sa kalusugan niya. Kaya naman, umisip ako ng plano para kahit papa'no ay matakasan niya ito.

     May parating na company outing sa Boracay ngunit ni minsan, hindi niya pa nagawang sumama sa mga nagdaang ganap na ito. Ani niya, wala siyang pwedeng sayanging oras.

    "Babe." Tawag ko sa pansin niya na siya din namang paglingon niya sa akin. Hindi ako sigurado ngunit umaasa pa rin ako sa katiting na posibilidad na makumbinsi ko siya. "Malapit na ang company outing. Baka gusto mong---"

      "Nah. Waste of time." Shoot. Hindi ko pa natatapos, tumanggi na. Pero hindi ako sumuko na kumbinsihin siya.

     "But I want to go. You want me to go alone?" Paglalambing na saad ko. Sana naman umobra dahi----

     "I hate beaches babe."

     "Then let's change the setting!" Masaya kong usal dahil alam kong lumalaki ang posibilidad na mapapayag ko na siya.

     "Amor." Tinawag na niya ako sa pangalan at hindi ito magandang senyales. Alam kung galit na siya. Kaya naman yumuko nalang ako at 'di mapigilang malungkot. Hindi ko talaga siya makukumbinsi. Nag-aalala lang naman ako sa kalusugan niya. Bakit ba kasi ayaw man lang niyang mag-enjoy? Kinukulong niya ang sarili sa trabaho.

    Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya naman dali-dali kong itinaas ang ulo ko at nakangiti ko siyang tiningnan. Sabi na nga ba eh. Hindi niya din ako matitiis. Blangko niya lang akong tinitigan ng ilang sandali habang 'di ko pa din inaalis ang nakapaskil na ngiti sa aking mukha. Maya-maya ay bumuntong-hininga ulit siya at

     "Fine. But I'm the one who will choose the venue"

    "Yasss!" Palundag kong tinungo ang pwesto niya tsaka ko siya niyakap at hinalikan dahil sa galak. 

AlingawngawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon