Chapter 1

3 1 0
                                    





"Wala akong pakialam. Aalis nalang ako kung gusto ninyo, masyado na akong nasasakal sa inyo tama na. 18 na ko, kaya ko na sarili ko. Diba ayaw nyo naman ako na nakikita lalo kana papa?" kalmado at walang buhay na sagot ko sa magulang ko.









"Anak naman, nag aalala lang naman kami. Ang amin lang baka kuhanin ka nila samin, ayoko lang na lumalapit ka sa kanila, alam mo naman yung mga ugali nila at alam mo kung bakit ka nandito saamin." sagot ni mama. Tumango tango ako.






"Ma, I'm just.. Nakikipagsaya lang naman ako sa mga kaibigan k--"






"Wag naman araw araw!" pagputol nya sa sinasabi ko.


"Sa mga kaibigan mong mahihirap at walang ibang ginawa kundi perahan ka lang?" napangiwi nalang ako sa tanong ni Papa. Maygad.








"Totoo silang kaibigan! Hindi porket mayaman kayo may karapatan na kayong husgahan sila!" pasigaw na sabi ko. Nakakainis na talaga si Papa, ganyan sya palagi sa mga kaibigan ko. Grabe syang makalait sa mga kaibigan ko na hindi niya alam, mga kaibigan ko lang ang nagpapasaya sakin.







" Stop, anak. Ano bang gusto mo? Binibigay naman namin lahat ng gusto mo basta't wag na wag ka lang lalapit sa mga tunay na pamilya mo, ayaw namin na makuha ka nila uli." nag aalalang sabi ni mama. I sighed.








"Gusto ko munang lumayo sa inyo ma, gusto ko muna magsolo.Kung kailangan kong magtrabaho, magtatrabaho ako." sabi ko.








"No anak, mag aral ka lang. Susuportahan ka namin kung ayan ang gusto mo, magpapadala kami ng pera kung kailan mo kailangan." nag aalalang sabi niya. Napahinga ako ng malalim. Lahat talaga ng gusto ko handa nilang ibigay sakin kahit hindi ko sila totoong magulang. Mahal na mahal nila ako at never ko naramdaman na ampon lang ako.







" Salamat ma. " nakangiting sabi ko at lumapit sa kanya para yakapin. Nakita ko ang malamig na tingin ni papa sakin bago tumalikod at maglakad paalis.







"Sabihin mo lang kung anong kailangan mo ha, lagi akong magpapadala. Wag kang magpapalipas ng gutom palagi ha." payo nya. Tumango tango ako.






"Opo ma, pero gusto ko din yung malapit lang dito para palagi ko rin kayong nabibisita kahit papano." sabi ko. Tumango tango naman sya at ngumiti.






"Sige, ipapahanap kita." nakangiting sabi nya.






I smiled back.

Love me like you doWhere stories live. Discover now