Ang Plano

17 0 0
                                    

FLORENCE'S POV

Matagal ko na sanang gustong lapitan si Chazz kaya lang nag-aalangan ako kasi suplada 'yon. At palagi pa kasama 'yong Jet na 'yon. Mabuti na lang at minalas sya kanina at swerte naman akong malaya syang nahawakan at binuhat pa. Gusto ko lang syang makilala ng lubusan. Alam ko naman ang pangalan nya, kurso, birthday, favorites, address, at cellphone number. Well, hindi ako stalker sadyang nagresearch lang talaga ako ng tungkol sa kanya.

Nandito ako sa library kasi ibinilin muna sa akin ng tita ko kasi may inaasikaso syang importante. Yes, tita ko si Ma'am Chavez. Sya ang nagpapaaral sa akin ng kursong Optometry. Ayoko sana kasi may kaya naman 'yong parents ko pero hindi ko sya matanggihan kasi itinuring nya akong parang tunay nyang anak.

"Excuse me," tanong ng isang estudyante. "Can I bring this one home?".

"Library card mo?", tanong ko.

"Oh, I'm sorry but I forgot to bring it here, pretty please, I really need this book tonight" pakiusap nya.

Ano ba naman tong babaeng to maliban sa english ng english, may balak pa yatang mapahamak ako kay tita. Tinitigan ko syang, ayoko kasing magkamali at ayokong mapagalitan.

"Please," parang nabasa nyang iniisip ko. "I'll do anything for you," luluhod na sana sya ng...

"Wag, ano ba nakakahiya oh", "ok, ok, pero sabi gagawin mo kung anong nais ko di ba?," sabi ko sabay wink.

"Yeah, sure!what is it?"tanong nya na parang tatalon na sa sobrang saya. By the way, "I'm Haley", pakilala nya. "Transferee", dugtong nya.

"Florence" , sabay abot ng kamay nya.

"So, what now?"

"Ahm, gusto ko sanang tulungan mo akong maghanda", I said.

"What? Are you going to fight?", gulat talaga sya.

"Yeah, fight... for my feelings", ewan ko lang kung bakit magaan na loob ko sa kanya at nasabi ko to at sya pa talaga ang tutulong sa akin para kay Chazz.

"Ayeee, may nagugustuhan na ang pinsan ko", kilig nya pahayag.

"Wow, grabe marunong ka pala ng hindi english...at...", "Ano?, pinsan?", sobrang naguguluhan talaga ako.

"Oo, ikaw insan ha, nakalimutan mo na ako, 3 years lang ako sa states", paluwanag nya.

"Wait, Helena?", namilog talaga mata ko. "May pa-Haley-Haley ka dyan,Helena pala", "Naku, insan? Ikaw na yan?", parang di pa rin ako makapaniwala.

"Oh, ano nang plano natin?", parang ang saya lang nya talaga.

Naputol ang pag-uusap namin nang dumating si tita Grace.

"Oh, Helena buti't nagkita na kayo." Lalong lumapad ang ngiti ni tita Grace. Ngumisi lang din si Helena.

"Pano ba yan tita, pwede bang lalabas muna kami ni HALEY", pinagdiinan ko talaga ang Haley. Natawa naman ang dalawa.

"Okey, I'll be fine here, sige na at mukhang mahaba-haba pa ang kwentohan nyo", dugtong ni tita.

Umalis kami ni Haley at napagdesisyunan namin sa Mcdo kumain at doon pinagpatuloy ang aming plano. "Operation:Win Chazzy's Heart".

◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇◇

Pasensya na po, parang ito lang talaga ang naging takbo ng story.

Isang part nalang at booooom... it's your "the end" na...hehehe

Thanks...

yangkishmats

Swerte Dahil sa MalasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon